- Thursday 28
- Friday 29
- Saturday 30
- Sunday 31
- Monday 1
- Tuesday 2
- Wednesday 3
- Thursday 4
- Friday 5
- Saturday 6
- Sunday 7
Dallas Mavericks @ Golden State Warriors Tips - Warriors muling magwawagi sa Game 2
- Mga tip sa Dallas Mavericks @ Golden State Warriors sa NBA Play-offs sa Biyernes (Sabado 02:00 BST/09:00 Manila Time)
- Ang Game 2 ng Western Conference finals ay gaganapin sa Chase Center
- Tinambakan ng Warriors ang Mavs sa Game 1 112-87
- Pitong Warriors ang umiskor ng double figures sa Game 1
Expired
Target ng Warriors ang 2-0 lead kontra Mavs (Ezra Shaw/Getty Images)
Hangad ng Golden State Warriors na makakuha ng 2-0 kalamangan kontra Dallas Mavericks sa muling paghaharap ng dalawang koponan sa Game 2 ng Western Conference finals Biyernes ng gabi (Sabado 02:00 BST/09:00 Manila Time).
Tinambakan ng Warriors ang Mavericks 112-87 sa Game 1 na ginanap sa Chase Center noong Miyerkules para maka-una sa best-of-seven series.
Pitong Warriors ang umiskor ng double figures sa pangunguna ni Stephen Curry, na nagtapos ng game-highs 21 puntos at 12 rebounds.
Kapwa nagdagdag ng 19 puntos sina Andrew Wiggins at Jordan Poole habang nag-ambag ng 15 puntos si Klay Thompson. Nagtala naman ng 10 puntos sina Draymond Greene, Kevin Looney at Otto Porter.
Si Luka Doncic ang nanguna para sa Mavericks na may 20 puntos at 7 rebounds. Nagdagdag si Spencer Dinwiddie ng 17 puntos mula sa bench habang naglista si Jalen Brunson ng 14 puntos. Nagtapos din ng double figures si Reggie Bullock sa kanyang 12 puntos.
Matindi ang ginawang depensa ng Warriors kay Doncic, na nagtala lamang ng 6-of-18 shooting. Nag-average ang Slovenian superstar ng 35.8 puntos sa kanilang conference semi-final series kontra Phoenix Suns. Bago ang Game 1 ng Western Conference finals ay nagtala si Doncic ng double doubles sa kaniyang huling limang laro.
Naging maganda ang panimula ng Golden State at tuluyan ng lumayo noong third quarter kung saan umiskor sila ng 34 puntos.
Muling hindi makakalaro sina Andre Iguodala at Gary Payton II para sa Golden State dahil sa injury. Tanging si Tim Hardaway Jr naman ang hindi magtatampok para sa Mavericks.
Muling hindi makakalaro sina Andre Iguodala at Gary Payton II para sa Golden State dahil sa injury. Tanging si Tim Hardaway Jr naman ang hindi magtatampok para sa Mavericks.
Verdict
Maganda ang ipinakita ng Warriors sa Game 1 at inaasahan namin na maulit ito sa Game 2.
£10 Free Bet
Use promo code NEWBONUS
Get £10 free bet. Use the promo code NEWBONUS.