NBA
  • Home
  • Basketball
  • NBA

Dallas Mavericks @ Phoenix Suns Tips - Suns babawi sa Game 7

  • Mga tip sa Dallas Mavericks @ Phoenix Suns sa NBA Play-offs sa ( BST/ Manila Time)
  • Ang Game 7 ng Western Conference semi-finals ay gaganapin sa Footprint Center
  • Tinambakan ng Mavericks ang Suns sa Game 6 para magpuwersa ng winner-take-all game pabalik sa Phoenix
  • Muling nanguna si Luka Doncic para sa Mavericks sa Game 6
Dallas Mavericks @ Phoenix Suns Tips
Librengpusta Staff 14 May 2022
Share this article
success image
Bigo ang Phoenix Suns na tapusin ang Western Conference semi-finals sa Dallas noong Huwebes kaya magkakaroon ng Game 7 sa kanilang home-court.

Sa pangunguna ni Luka Doncic ay tinambakan ng Mavericks ang Suns 113-86 sa American Airlines Center para magpuwersa ng do-or-die game sa serye.

Nagtapos ang Slovenian superstar ng 33 puntos, 11 rebounds at 8 assists para tulungan ang kanyang koponan na makabalik sa serye matapos nilang matalo sa Phoenix 110-80 noong Game 5.

Nakakuha si Doncic ng suporta kina Reggie Bullock (19 puntos, 7 rebounds), Jalen Brunson (18 puntos) at back-up guard Spencer Dinwiddie (15 puntos).

Nagtala si Deandre Ayton ng 21 puntos at 11 rebounds para pangunahan ang Suns. Nagdagdag si Devin Booker ng 19 puntos at 8 rebounds habang nagtala si Chris Paul ng 13 puntos.

Dikit ang laban sa first quarter bago magpakawala ang Mavericks ng 19-5 run para makakuha ng 60-45 kalamangan sa half-time. Tuluyan ng dimonina ng panig ni Jason Kidd ang second half para buhayan ang kanilang tsansang maka-abante sa susunod na round ng post-season.

Yun nga lang ay hindi pa nananalo ang Mavericks sa Phoenix sa seryeng ito. Nakalasap sila ng 121-114 pagkatalo sa Game 1 bago muling nabigo 129-109 sa Game 2. Tinambakan din sila ng Suns sa Game 5. 

Determinadong muling magpakitang gilas si Doncic, na nag-aaverage ng 31.1 puntos sa play-offs. Nakapagtala rin siya ng double-double sa huling apat na laro sa serye. Umiskor ang All-Star guard ng 45 puntos noong Game 1 na sinundan naman niya ng 35 puntos sa Game 2.

Umaasa naman si Suns head coach ng mas magandang laro kay Booker matapos niyang malimitahan sa 6-of-17 shooting sa kanilang nakaraang laro at bigong magbuslo ng three-pointer. Hirap naman si Paul na umiskor sa kanilang huling apat na laro matapos niyang magtala ng 28 puntos noong Game 2.
GB

Verdict

Sa pagbabalik ng serye sa Phoenix ay inaasahan namin ang mas magandang laro mula sa Suns.

Best Bet: Suns To Win @3/8 at Coral - 1 Unit
Suns
To Win
@3/8 - 1 Unit
Bet £5 Get £20
Easy-to-claim offer

18+ only. T&Cs apply. Gamble responsibly. 18+ New UK+IRE customers. PayPal and certain deposit and bet types excluded. Min first £5 bet within 14 days of account reg at min odds 1/2 = 4 x £5 free bets valid for 4 days on sports, stake not returned, restrictions apply. T&Cs apply.

Bet at Coral

Nangungunang Mga Site sa Pagtaya

special-offer-1Betting offers

Paparating na Kaganapan

16 พ.ค. 2565

DAL Mavericks at PHX Suns - Game 7