• Home
  • Basketball
  • NBA

Golden State Warriors @ Charlotte Hornets Tips - Warriors muling magwawagi laban sa Hornets

14 Nov 2021
Librengpusta Staff 14 Nov 2021
Share this article
Or copy link
success image
  • Mga tip sa Golden State Warriors @ Charlotte Hornets sa NBA sa Linggo (00:00 GMT)
  • Ang laro ay gaganapin sa Spectrum Center
  • Nanalo ang Golden State sa kanilang huling 7 laro
  • Tinalo ng Warriors ang Hornets sa kanilang unang paghaharap ngayong season
Expired
Spectrum Center
Bibisita ang Warriors sa Spectrum Center sa Linggo. (Streeter Lecka/Getty Images)
Uumpisahan ng Golden State Warriors ang kanilang four-game Eastern trip sa Charlotte sa Linggo. 

Hangad nilang makuha ang kanilang ikalawang panalo laban sa Hornets ngayong season matapos nilang magtala ng 114-92 na panalo sa San Fransisco noong Nobyembre 3.

Umiskor si Jordan Poole ng 31 puntos habang nagdagdag si Stephen Curry ng 15 points, 8 rebounds at 9 assists para pangunahan ang Golden State sa kanilang ikalawang sunod na panalo sa serye. Maganda rin ang nilaro nina Damion Lee (15 points), Andrew Wiggins (14 points) at Gary Payton II (14 points). 

Nanguna para sa Hornets sina Miles Bridges (32 points, 9 rebounds) at Gordon Hayward (23 points, 11 rebounds).

Nanalo ang Warriors (11-1) sa kanilang huling pitong laro at hawak nila ang pinamakagandang record sa NBA ngayong season.

Sa likod ng 40 points ni Stephen Curry, tinambakan ng Warriors ang Chicago Bulls 119-93 noong Biyernes. 

Inaasahang muling pangunahan ng two-time league MVP ang Warriors sa kanilang rematch sa Charlotte. Tutulungan siya nina Poole, Wiggins at Draymond Green.

Game-time decision naman si Lee, na hindi nakalaro sa kanilang huling dalawang laban dahil sa hip soreness.

Inspirado rin ang Hornets (7-7) matapos nilang talunin ang Memphis (118-108) at New York (104-96) sa kanilang huling dalawang laro.

Nanguna sina Bridges (24 points) at Hayward (22 points) sa kanilang panalo sa Knicks noong Biyernes. Nagparamdam din si LaMelo Ball na nagtala ng 12 points, career-high 17 rebounds at nine assists.

Si PJ Washington lang ang tanging manlalaro ng Charlotte na hindi magtatampok dito dahil sa injury sa siko.

Verdict

Inaasahan namin na muling tatalunin ng Warriors ang Hornets sa kanilang rematch.

Best Bet: Warriors -5 Line @9/10 at Hollywood bets - 1 Unit
Warriors -5
Line
@9/10 - 1 Unit
£10 Free Bet
Use promo code NEWBONUS

Get £10 free bet. Use the promo code NEWBONUS.

Bet at Hollywood bets

Nangungunang Mga Site sa Pagtaya

special-offer-1Betting offers

Paparating na Kaganapan