NBA
  • Home
  • Basketball
  • NBA

Milwaukee Bucks @ Boston Celtics Tips - Celtics magwawagi sa Game 7

Mga tip sa Milwaukee Bucks @ Boston Celtics sa NBA Play-offs sa Linggo (20:30 BST/Lunes 03:30 Manila Time)
Ang Game 7 ng Eastern Conference semi-finals ay gaganapin sa TD Garden
Tinabla ng Celtics ang serye matapos nilang manalo sa Milwaukee sa Game 6
Umiskor si Jayson Tatum ng 46 puntos para pangunahan ang Celtics sa Game 6
celtics logo
Maghaharap ang Celtics at Bucks sa Game 7 sa TD Garden (Jim Rogash/Getty Images)
Librengpusta Staff 14 May 2022
Share this article
success image
Asahan ang isa na namang matinding bakbakan sa pagitan ng Boston Celtics at Milwaukee Bucks sa Game 7 ng Eastern Conference semi-finals sa Linggo (20:30 BST/Lunes 03:30 Manila Time).

Nag-puwersa ang Celtics ng do-or-die game matapos nilang magtala ng 108-95 panalo sa Milwaukee noong Biyernes.

Hindi napigilan ng Bucks si Jayson Tatum, na nagtapos ng 46 puntos kabilang ang 16 sa 26 puntos ng Boston sa fourth quarter.

Nakakuha rin ang All-Star forward ng 9 rebounds. Nagdagdag si Jaylen Brown ng 22 puntos habang nagtala si Marcus Smart ng 21 puntos at 7 rebounds. Nakasikwat naman si Al Horford ng 10 rebounds.

Tinapatan ni Giannis Antetokounmpo ang produksyon ni Tatum matapos niyang magtala ng 44 puntos at 20 rebounds. Ito ang ikatlong beses na umiskor ng hindi bababa sa 40 puntos ang Greek Freak sa serye. Nakapagtala rin siya ng double-double sa kanilang huling apat na laro. 

Nag-ambag si Jrue Holiday ng 17 puntos habang naglista si Pat Connaughton ng 14 puntos mula sa bench. Nakakuha naman si Bobby Portis ng 10 rebounds ngunit nalimitahan lang siya sa 4 puntos.

Lumamang ang Celtics ng 14 puntos bago ito natapyas ng Bucks sa 4 puntos siyam na minuto na lamang ang nalalabi sa laro. Ngunit nagpakitang gilas si Tatum para siguraduhin ang isang winner-take-all game pabalik sa Boston. 

Yun nga lang ay tinalo ng Bucks ang Celtics 110-107 noong Game 5 na ginanap sa TD Garden. Sa pagkakataong ito ay ayaw ng sayangin ng Celtics ang kanilang home-court edge at muling aasahan ni Boston head coach Ime Udoka na muling magpasiklab is Tatum. Nag-aaverage ang All-Star forward ng 28.8 puntos sa play-offs. 

Hindi pa rin makakalaro para sa Celtics sina Robert Williams III at Sam Hauser dahil sa injury.  

Determinado naman si Antetokounmpo na muling pangunahan ang defending champions sa conference finals. Gumagawa ang two-time NBA MVP ng 32.3 puntos at 13.6 rebounds sa post-season.

Hindi pa rin makakalaro para sa Bucks si Khris Middleton dahil sa injury sa tuhod.

Ang sino mang mananalo sa larong ito ay aabante sa Eastern Conference finals kung saan nag-aantay na ang Miami Heat. Tinalo ng top-seeded Heat ang Phiadelphia 76ers 4-2 sa kanilang conference semi-final series.
GB

Verdict

Ngayong naibalik ng Celtics ang serye sa Boston ay kumpiyansa kami na magwawagi sila sa Game 7.

Best Bet: Celtics To Win @24/49 at Coral - 1 Unit
Celtics
To Win
@24/49 - 1 Unit
Bet £5 Get £20
Easy-to-claim offer

18+ only. T&Cs apply. Gamble responsibly. 18+ New UK+IRE customers. PayPal and certain deposit and bet types excluded. Min first £5 bet within 14 days of account reg at min odds 1/2 = 4 x £5 free bets valid for 4 days on sports, stake not returned, restrictions apply. T&Cs apply.

Bet at Coral

Nangungunang Mga Site sa Pagtaya

special-offer-1Betting offers

Paparating na Kaganapan

15 พ.ค. 2565

MIL Bucks at BOS Celtics - Game 7