• Home
  • Basketball
  • NBA

Washington Wizards @ Orlando Magic Tips - Wizards magtatagumpay

13 Nov 2021
Librengpusta Staff 13 Nov 2021
Share this article
Or copy link
success image
  • Mga tip sa Washington Wizards @ Orlando Magic sa NBA sa Sabado (00:00 GMT sa Linggo)
  • Ang laro ay gaganapin sa Amway Center
  • Nanalo ang Wizards sa kanilang huling 3 laro
Expired
amway center
Maglalaban ang Wizards at Magic sa Amway Center sa Sabado. (Douglas P. DeFelice/Getty Images)
Magtatapat ang Washington Wizards at Orlando Magic sa Sabado sa laban ng nangunguna at pinakakulelat na koponan sa Southeast Division.

Nanalo ang Wizards (8-3) sa kanilang huling tatlong laro para manatiling nasa tuktok ng division.

Nagtala sila ng 97-94 na panalo sa Cleveland noong Miyerkules. Nagbuslo si Kyle Kuzma ng three-pointer 12 segundo na lang ang natitira sa laro para bigyan ng kalamangan ang Wizards.

Nagtapos siya ng 22 points habang pinangunahan ni Montrezl Harrell ang koponan na may 24 points at 11 rebounds. Nalimitahan naman sa 13 puntos si Wizards top scorer Bradley Beal kaya determinado siyang makabawi dito. 

Patuloy naman na hindi makakalaro sina Davis Bertans at Rui Hachimura para sa Washington.

Nakalasap naman ang Magic na 123-90 na pagkatalo sa kamay ng Brooklyn Nets sa Miyerkules sa kanilang huling laro.

Nanguna para sa Orlando sina Terrence Ross (17 points) at Mo Bamba (14 points, 9 rebounds). Nalimitiahan naman ang top scorer ng koponan na si Cole Anthony sa 10 puntos. Ito ang pangatlong pagkabigo ng Magic sa kanilang huling apat na laro.

Game-time decision sina Wendell Carter Jr, E'Twaun Moore at Michael Carter-Williams para sa larong ito habang sa susunod pang buwan inaasahang makakalaro sina Markelle Fultz at Jonathan Isaac. 

Tinalo ng Wizards ang Magic 131-116 sa kanilang huling pagkikita noong nakaraang Abril para putulin ang anim na magkasunod na talo sa serye.

Verdict

Sinusuportahan namin ang isang panalo para sa Wizards dito.

Best Bet: Wizards To Win @7/12 at Hollywood bets - 1 Unit
Wizards
To Win
@7/12 - 1 Unit
£10 Free Bet
Use promo code NEWBONUS

Get £10 free bet. Use the promo code NEWBONUS.

Bet at Hollywood bets

Nangungunang Mga Site sa Pagtaya

special-offer-1Betting offers

Paparating na Kaganapan