• Home
  • Football
  • English Premier League

Burnley vs Tottenham Tips - Spurs babawi sa Turf Moor

  • Mga tip sa Burnley vs Tottenham Hotspur sa English Premier League sa Linggo (14:00 GMT)
  • Ang laro ay gaganapin sa Turf Moor
  • Target ng Tottenham ang back-to-back na panalo
  • Nagtala ang Burnley ng 2 magkasunod na draw
  • Nanalo ang Tottenham sa kanilang huling 3 laro sa lahat ng mga kumpetisyon
Harry Kane
Harry Kane (Alessandro Sabattini/Getty Images)
Librengpusta Staff 26 Nov 2021
Share this article
success image
Dadayo ang Tottenham sa Burnley hangad ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa English Premier League.

Tinalo ng Spurs ang Leeds United 2-1 sa kanilang huling laro para putulin ang kanilang three-game winless streak. Naka-goal sina Pierre-Emile Hojbjerg at Sergio Reguilon sa second half para tulungan ang kanilang koponan na makabalik sa laro matapos nilang magsuko ng goal bago mag half-time.

Dahil sa panalong ito ay umakyat ang panig ni Antonio Conte sa ikapitong pwesto sa liga na may 19 puntos mula sa 12 laro.

Nakalasap naman ang Spurs ng 2-1 na pagkatalo sa Mura sa Europa Conference League noong Huwebes. Tanging si Harry Kane ang nakabuslo para sa mga bisita.

Inaasahang pangunahan nina Kane at Son Heung-min ang Spurs sa labang ito. Hindi naman makakalaro sina Giovani Lo Celso at Cristian Romero dito dahil sa injury.

Nais namang ipagpatuloy ng Burnley ang kanilang four-match unbeaten streak. Nagtala sila ng 3-3 draw laban sa Crystal Palace sa kanilang huling laro.

Ben Mee, Chris Wood at Maxwel Cornet ang mga nakabuslo para sa Clarets, na nasa relegation zone pa rin na may siyam na puntos. Si Cornet ang nangungunang scorer ng Burnley na may limang goal ngayong season.

Hindi magagamit ni Burnley boss Sean Dyche sina Ashley Westwood at James Tarkowski dito dahil sa suspensyon. Hindi naman sigurado si Ashley Barnes habang wala pa rin si Dale Stephens.

Nanalo ang Tottenham sa kanilang huling tatlong laban kontra sa Burnley sa lahat ng mga kumpetisyon. Huling nagkita ang dalawang panig sa League Cup (Carabao Cup) noong nakaraang buwan kung saan nagwagi ang Spurs 1-0 sa likod ng goal ni Lucas Moura.
US

Verdict

Inaasahan namin na makabawi ang Spurs sa larong ito pagkatapos ng kanilang pagkatalo sa Europa Conference League.

Best Bet: Tottenham To Win @105.00 at BetMGM - 1 Unit

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events

28 พ.ย. 2564

Burnley v Tottenham