• Home
  • Football
  • English Premier League

Chelsea vs Tottenham Tips - Blues magwawagi kontra Spurs

21 Jan 2022
Librengpusta Staff 21 Jan 2022
Share this article
Or copy link
success image
  • Mga tip sa Chelsea vs Tottenham sa English Premier League sa Linggo (16:30 GMT)
  • Ang laro ay gaganapin sa Stamford Bridge
  • Kagagaling ng Chelsea sa isang draw kontra Brighton
  • Nagtala ng panalo ang Tottenham sa Leicester sa kanilang huling laro
  • Tatlong beses ng tinalo ng Chelsea ang Tottenham ngayong season
Expired
Kai Havertz
Kai Havertz (JONATHAN NACKSTRAND/AFP via Getty Images)
Muling magkikita ang Chelsea at Tottenham sa English Premier League sa Linggo. 

Ito na ang pang-apat na paghaharap ng dalawang koponan ngayong season. 

Nagtala ng 3-0 na panalo ang Chelsea sa Tottenham sa kanilang unang pagkikita sa Premier League noong Seytembre. Naka-goal para sa Blues sina Thiago Silva, N'Golo Kante at Antonio Rudiger.

Muling tinalo ng Chelsea ang Tottenham 2-0 sa first leg ng Carabao Cup noong Enero 5. Binigyan ng maagang kalamangan ni Kai Havertz ang Blues bago naka own goal si Ben Davies. Nagtala naman ang Chelsa ng 1-0 na panalo sa second leg kung saan muling nakabuslo si Rudiger.

Bigong makakuha ng panalo ang panig ni Thomas Tuchel sa kanilang huling dalawang laro sa Premier League kung saan natalo sila sa Manchester City (1-0) at nagtabla sa Brighton (1-1). 

Dahil dito ay bumagsak sila sa ikatlong pwesto na may 44 puntos mula sa 23 laro.

Sina Trevoh Chalobah, Andreas Christensen, Reece James at Ben Chilwell ang mga nasa injury list ng Chelsea. Naglalaro naman sa Africa Cup of Nations si Edouard Mendy.

Nais namang palawigin ng Tottenham ang kanilang nine-match unbeaten streak sa Premier League kung saan nagtala sila ng anim na panalo at tatlong draw.

Nanalo ang Spurs 3-2 sa Leicester City sa kanilang huling laban. 

Nakadalawang goal si Steven Bergwijn sa injury time habang nagbuslo rin si Harry Kane para sa panig ni Antonio Conte, na umangat naman sa ikalimang pwesto na may 36 puntos mula sa 19 na laro.

Sina Cristian Romero, Eric Dier at Son Heung-min Son ang hindi magtatampok para sa Spurs dahil sa injury o karamdaman.

Verdict

Tatlong beses nang tinalo ng Chelsea ang Tottenham ngayong season at inaasahan namin na muli silang magwawagi sa seryeng ito.

Best Bet: Chelsea To Win @11/18 at Hollywood bets - 1 Unit
Chelsea
To Win
@11/18 - 1 Unit
£10 Free Bet
Use promo code NEWBONUS

Get £10 free bet. Use the promo code NEWBONUS.

Bet at Hollywood bets

Nangungunang Mga Site sa Pagtaya

special-offer-1Betting offers

Paparating na Kaganapan