• Home
  • Football
  • English Premier League

Leicester City vs Watford Tips - Foxes babawi sa larong ito

  • Mga tip sa Leicester City vs Watford sa English Premier League sa Linggo (14:00 GMT)
  • Ang laro ay gaganapin sa King Power Stadium
  • Natalo ang Leicester sa Chelsea sa kanilang huling laro sa Premier League
  • Nilampaso ng Watford ang Man United sa kanilang nakaraang laban
  • Nauwi sa isang draw ang huling pagkikita ng Leicester City at Watford
Patson Daka
Patson Daka (Laurence Griffiths/Getty Images)
Librengpusta Staff 26 Nov 2021
Share this article
success image
Bigong manalo ang Leicester City sa kanilang huling tatlong laro sa English Premier League kaya determinado silang bumawi laban sa Watford sa Linggo.

Nakalasap ang Foxes ng 3-0 na pagkatalo sa Chelsea sa King Power Stadium sa kanilang nakaraang laro. Kasalukuyan silang nasa ika-12 pwesto sa liga na may 15 puntos mula sa 12 laban.

Nakabawi naman ang Leicester sa UEFA Europa League noong Huwebes matapos nilang talunin ang Legia Warsaw 3-1. Naka-goal sina Patson Daka, James Maddison at Wilfried Ndidi para tulungan ang panig ni Brendan Rodgers na putulin ang kanilang four-game winless spell sa lahat ng mga kumpetisyon.

Muling pangungunahan ang Leicester ni Jamie Vardy, na may pitong goal sa Premier League ngayong season. 

Hindi naman makakalaro sina Ricardo Pereira at Youri Tielemans para sa Foxes dahil sa injury. Makakasama nila sina Wesley Fofana at James Justin sa sidelines.

Inspirado rin ang Watford sa labang ito matapos nilang lampasuhin ang Manchester United 4-1 sa kanilang huling laro. 

Nakabuslo sina Joshua King, Ismaila Sarr, Emmanuel Dennis at Joao Pedro para sa Hornets, na pinutol ang kanilang two-game losing streak. Umakyat ang panig ni Claudio Ranieri sa ika-16 na pwesto na may 13 puntos.

Nasaktan si Sarr laban sa Man United ngunit inaasahan naman siyang maglaro dito. Nagtamo rin ng injury si Nicolas Nkoulou sa naturang laro at hindi siya siguradong magtatampok dito.

Wala naman sina Francisco Sierralta, Ken Sema, Christian Kabasele at Oghenekaro Etebo para sa Watford.

Nagresulta sa isang 1-1 draw ang huling pagkikita ng Leicester at Watford noong Hunyo 2020.
US

Verdict

Inaasahan namin ang panalo sa Leicester City sa larong ito at makaka-goal ang parehong koponan.

Best Bet: Leicester/Yes Winner/Both Teams to Score @220.00 at BetMGM - 1 Unit

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events

28 พ.ย. 2564

Leicester v Watford