• Home
  • Football
  • English Premier League

Manchester City vs Chelsea Tips - Citizens patuloy na mamamayagpag

  • Mga tip sa Manchester City vs Chelsea sa English Premier League sa Sabado (12:30 GMT)
  • Ang laro ay gaganapin sa Etihad Stadium
  • Nanalo ang Man City sa kanilang huling 11 laban sa Premier League
  • Nanalo ang Man City sa kanilang huling 7 laro sa lahat ng mga kompetisyon
  • Hindi natalo ang Chelsea sa kanilang huling 10 laban
  • Tinalo ng Man City ang Chelsea sa kanilang unang pagkikita ngayong season
Gabriel Jesus
Gabriel Jesus (OLI SCARFF/AFP via Getty Images)
Librengpusta Staff 11 Jan 2022
Share this article
success image
Maghaharap ang Manchester City at Chelsea sa English Premier League sa Sabado.

Nangunguna ang Man City sa liga na may 53 puntos mula sa 21 laro habang pumapangalawa naman ang Chelsea na may 43 puntos. 

Tinalo ng Man City ang Chelsea 1-0 noong Setyembre sa kanilang unang paghaharap ngayong season. Naka-goal si Gabriel Jesus sa ika-53 minuto para selyohan ang panalo para sa Citizens sa Stamford Bridge. Pinutol din ng panalong ito ang three-match losing streak ng Man City sa serye.

Nanalo ang Man City sa kanilang huling 11 laro sa Premier League. Nagtala ang tropa ni Pep Guardiola ng 2-1 na panalo sa Arsenal sa kanilang huling laro sa liga. Nagsuko ng goal ang Citizens sa first half bago gumanti sina Rodri at Riyad Mahrez sa second half.

Kagagaling naman ng Man City sa isang 4-1 na tagumpay sa Swindon Town sa third round ng FA Cup. Naka-goal sina Bernardo Silva, Jesus, Ilkay Gundogan at Cole Palmer sa naturang laban.

Hindi magtatampok si Luka Ilic para sa Man City sa larong ito dahil sa injury habang suspendido si Benjamin Mendy.

Hindi natalo ang Chelsea sa kanilang huling anim na laro sa Premier League ngunit dalawang beses lamang silang nanalo. Nagtala ang Blues sa isang 2-2 na draw kontra Liverpool sa kanilang huling laro kung saan nagbuslo sina Mateo Kovacic at Christian Pulisic.

Sinundan naman ito ng Blues ng mga panalo kontra Tottenham (2-0) sa EFL Cup at Chesterfield (5-1) sa FA Cup. 

May mga injury sina Ben Chilwell, Reece James at Trevoh Chalobah at hindi sila magtatampok dito. Inaalam pa ang kalagyan nina N'Golo Kanté at Thiago Silva dahil sa Covid-19.
US

Verdict

Maganda ang nilalaro ng Manchester City at inaasahan namin sila na makakuha ng isa na namang panalo pagkatapos ng laban nila kontra Chelsea.

Best Bet: Manchester City To Win @-153.85 at BetMGM - 1 Unit

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events