• Home
  • Football
  • German Bundesliga

Bayern Munich vs Arminia Bielefeld Tips - Bayern babawi sa labang ito

  • Mga tip sa Bayern Munich vs Arminia Bielefeld sa German Bundesliga sa Sabado (17:30 GMT)
  • Ang laro ay gaganapin sa Allianz Arena
  • Natalo ang Bayern sa kanilang huling laro sa Bundesliga
  • Nagtala ng draw ang Arminia Bielefeld sa kanilang nakaraang laro
  • Nagresulta sa isang draw ang huling pakikita ng Bayern at Bielefeld
Robert Lewandowski
Robert Lewandowski (Sebastian Widmann/Getty Images)
Librengpusta Staff 26 Nov 2021
Share this article
success image
Determinadong bumawi ang Bayern Munich laban sa Arminia Bielefeld sa German Bundesliga sa Sabado.

Nakalasap ang koponan ng 2-1 na pagkatalo sa Augsburg sa Bavarian derby noong nakaraang linggo. Nakuha ni Robert Lewandowski ang kanyang ika-14 na goal na pinakamarami sa buong liga ngayong season.

Bagama’t natalo sa kanilang huling laro, nangunguna pa rin ang panig ni Julian Nagelsmann sa liga na may 28 puntos mula sa 12 laro.

Sinundan naman ng Bayern ang kabiguang iyon sa isang 2-1 na panalo sa Dynamo Kiev sa Champions League noong Martes. Muling naka-goal si Lewandowski habang nagdagdag naman ng isa si Kingsley Coman.

Mahaba ang injury list ng Bayern at ilan sa mga hindi magtatampok dito ay sina Eric Choupo-Moting, Jamal Musiala, Serge Gnabry, at Joshua Kimmich. Wala rin sina Marcel Sabitzer, Tanguy Nianzou, Lucas Hernandez at Josip Stanisic.

May isang panalo lang ang Arminia Bielefeld ngayong season at nasa relegation zone sila na may siyam na puntos.

Nagtala sila ng 2-2 draw laban sa Wolfsburg noong nakaraang round. Binigyan nina Masaya Okugawa at Fabian Klos ng 2-0 na kalamangan ang panig ni Frank Kramer bago sila nagsuko ng dalawang goal.

Tanging si Florian Krüger ang hindi makakalaro para sa Bielefeld dito dahil sa sakit.

Nagresulta sa isang 3-3 draw ang huling pagkikita ng Bayern at Arminia Bielefeld. Bago ang tablang iyon at nanalo ang Bayern ng anim na sunod sa serye. Huling tinalo ng Arminia Bielefeld ang Bayern noon pang 2006.
US

Verdict

Bagama't mahaba ang injury list ng Bayern, inaasahan pa rin namin sila na manalo sa larong ito. Asahan din na muling makaka-goal si Robert Lewandowski.

Best Bet: Bayern Win to Nil @-138.89 at BetMGM - 1 Unit
Value Bet: Robert Lewandowski Anytime Goalscorer @-400.00 at PlaySugarhouse Sport - 1 Unit

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events

27 พ.ย. 2564

Bayern Munich v Arminia Bielefeld