- Wednesday 18
- Thursday 19
- Friday 20
- Saturday 21
- Sunday 22
- Monday 23
- Tuesday 24
- Wednesday 25
- Thursday 26
- Friday 27
- Saturday 28
Borussia Mönchengladbach vs Mainz Tips - Gladbach magtatagumpay
- Mga tip sa Borussia Mönchengladbach vs Mainz sa German Bundesliga sa Linggo (16:30 GMT)
- Ang laro ay gaganapin sa Borussia-Park
- Tinalo ng Gladbach ang Hertha Berlin at Bochum sa kanilang huling 2 laro
- Tinambakan ng Mainz ang Arminia Bielefeld 4-0 noong nakaraang round
- Nauwi sa isang 1-1 draw ang sagupaan ng Gladbach at Mainz noong Nobyembre
Expired
Alassane Plea (Frederic Scheidemann/Getty Images)
Maghaharap ang Borussia Mönchengladbach at Mainz sa German Bundesliga sa Linggo.
Hangad ng Gladbach na makuha ang kanilang ikatlong sunod na panalo matapos talunin ang Hertha Berlin (2-0) at at Bochum (2-0).
Sina Alassane Plea at Breel Embolo ang mga naka-goal laban sa Bochum. Kasalukuyang nasa ika-11 puwesto ang panig ni Adi Hütter sa liga na may 33 puntos mula sa 28 laro.
Hindi naman magtatampok sina Jonas Hofmann, Marcus Thuram, Tony Jantschke, Patrick Herrmann, Mamadou Doucoure, Marvin Friedrich, Yann Sommer at Luca Netz sa larong ito dahil sa injury o karamdaman.
Si Hofmann ang nangungunang scorer ng Gladbach na may walong goal ngayong season. Umiskor naman si Plea sa kanilang huling dalawang laro kaya inaasahang muli niyang pangunahan ang pag-atake ng Fohlen kontra Mainz.
Tinambakan ng Mainz ang Arminia Bielefeld 4-0 noong nakaraang round. Naglista ng dalawang goal si Jonathan Burkardt habang nag-ambag ng tag-iisa sina Moussa Niakhate at Marcus Ingvartsen. Nasa ika-10 puwesto ang koponan ni Bo Svensson na may 37 puntos mula sa 26 laro.
Nakatakda sanang maglaro ng mga friendly ang Mainz laban sa Darmstadt at Viktoria Köln noong international break ngunit hindi ito natuloy.
Pangunguanahan nina Burkardt, Lee Jae-sung at Marcus Ingvartsen ang Nullfunfer sa labang ito.
Suspendido si Dominik Kohr para sa Mainz habang may mga injury o karamdaman naman sina Silvan Widmer, Jeremiah St. Juste at Delano Burgzorg.
Nauwi sa isang 1-1 draw ang sagupaan ng Gladbach at Mainz noong Nobyembre. Lumamang ang Gladbach matapos maka-goal si Florian Neuhaus bago mag half-time ngunit gumanti ng goal si Silvan Widmer sa ika-76 minuto.
Verdict
Bagama’t nagresulta sa isang draw ang unang sagupaan ng Gladbach at Mainz ngayong season, inaasahan namin na magwagi ang home team sa kanilang rematch.
Bet £10+, Get £10
Promo Code: NEWBONUS
New customers only. Bet £10+ to receive £10 in Free Bets. 7-day free bet expiry. Stake not returned. Promotional Terms Apply. 18+. GambleAware.org