• Home
  • Football
  • Italyano na Serie A

AC Milan vs Juventus Tips - Draw inaasahan dito

22 Jan 2022
Librengpusta Staff 22 Jan 2022
Share this article
Or copy link
success image
  • Mga tip sa AC Milan vs Juventus sa Italian Serie A sa Linggo  (19:45 GMT)
  • Ang laro ay gaganapin sa San Siro
  • Natalo ang AC Milan sa kanilang huling laro
  • Hindi natalo ang Juventus sa kanilang huling 8 laro sa Serie A
  • Nag-draw ang AC Milan at Juventus noong Setyembre
Expired
AC Milan vs Juventus Tips
Determinadong makabawi ang AC Milan kontra Juventus sa kanilang sagupaan sa Italian Serie A sa Linggo.

Naputol ang three-match winning streak ng Rossoneri pagkatapos nilang makalasap ng hindi inaasahang 2-1 na pagkatalo kontra Spezia sa kanilang huling laro. Binigyan ni Rafael Leao ng kalamangan ang Milan bago mag half-time ngunit nagsuko sila ng dalawang goal sa second half at injury time.

Nananatiling nasa ikalawang pwesto sa liga ang panig ni Stefano Pioli na may 48 puntos mula sa 22 laro. 

Sila Pietro Pellegri, Fikayo Tomori at Simon Kjaer ang mga nasa injury list ng AC Milan at hindi sila magtatampok dito. Wala rin sina Franck Kessie at Fodé Ballo-Toure, na kapwa naglalaro sa Africa Cup of Nations.

Kagagaling naman ng Juventus sa mga panalo kontra Roma (4-3) at Udinese (2-0) at hindi sila natalo sa kanilang huling walong laro sa Serie A.

Tinambakan naman ng Juventus ang Sampdoria 4-1 sa Coppa Italia sa kanilang huling laro kung saan naka-goal sina Juan Cuadrado, Daniele Rugani, Paulo Dybala at Alvaro Morata.

Hindi magagamit ni Juventus boss Massimiliano Allegri sina Leonardo Bonucci at Federico Chiesa sa larong ito dahil sa mga injury. 

Nauwi sa isang 1-1 draw ang unang paghaharap ng AC Milan at Juventus ngayong season noong Setyembre. Binigyan ng maagang kalamangan ni Morata ang Old Lady bago tinabla ni Ante Rebic ang laro sa ika-76 na minuto.

Nangungunang Mga Site sa Pagtaya

special-offer-1Betting offers

Paparating na Kaganapan