• Home
  • Football
  • UEFA Champions League

AC Milan vs Liverpool Tips - AC Milan muling mananalo

06 Dec 2021
Librengpusta Staff 06 Dec 2021
Share this article
Or copy link
success image
  • Mga tip sa AC Milan vs Liverpool sa UEFA Champions League sa Martes (20:00 GMT)
  • Ang Group B na laro ay gaganapin sa San Siro
  • Nanalo ang AC Milan sa kanilang huling laro sa Champions League
  • Target ng Liverpool na ma-sweep ang Group B
  • Tinalo ng Liverpool ang AC Milan sa kanilang unang paghaharap
Expired
Junior Messias
Kailangan ng AC Milan ang panalong ito para buhayin ang kanilang pag-asa na maka-abante sa last 16. (Getty Images)
Maghaharap ang AC Milan at Liverpool sa kanilang huling laro sa Group B ng UEFA Champions League sa Martes.

Kailangang manalo ang Milan sa larong ito para buhayin ang kanilang pag-asang maka-abante sa last 16. 

Kasalukuyang nasa ikatlong pwesto ang Rossoneri sa pangkat na may apat na puntos mula sa limang laro. Nasa ikalawang pwesto ang Porto na may limang puntos habang nasa ika-apat na pwesto ang Atletico Madrid na may apat na puntos.

Nakuha ng Milan ang kanilang unang panalo matapos nilang talunin ang Atletico Madrid 1-0 sa nakaraang round. Si Junior Messias ang nagselyo ng panalo sa panig ni Stefano Pioli tatlong minuto bago matapos ang laro.

Nakalasap ang Milan ng 3-1 na pagkatalo sa Sassuolo sa kanilang sumunod na laro sa Italian Serie A ngunit bumawi naman sila laban sa Genoa (3-0) at Salernitana (2-0) sa kanilang huling dalawang laro.

Nasaktan si Pietro Pellegri sa kanilang huling laro at makakasama niya sina Olivier Giroud, Samu Castillejo, Ante Rebic, Davide Calabria at Simon Kjaer sa sidelines.

Wala namang bisa ang larong ito para sa Liverpool, na nakuha ang unang pwesto matapos mapanalunan ang lahat ng kanilang limang laban.

Tinalo ng Reds ang Porto 2-0 sa kanilang huling laro sa Champions League sa likod ng mga goal nina Thiago Alcantara at Mohamed Salah. 

Sinundan ito ng Liverpool ng mga panalo sa Southampton (4-0), Everton (4-1) at Wolverhampton (1-0) sa English Premier League. Nanalo ang panig ni Jurgen Klopp sa kanilang huling limang laro sa lahat ng mga kumpetisyon.

Maaaring magbalik na sina Joe Gomez at Naby Keita ngunit wala pa rin sina Roberto Firmino, Curtis Jones at Harvey Elliott. Suspendido naman si James Milner. 

Nagresulta sa isang 3-2 na panalo sa Liverpool ang unang kanilang unang pagkikita kontra sa Milan noong Setyembre. Naka-goal sina Mohamed Salah at Jordan Henderson para sa Reds, na nakinabang din sa own goal ni Fikayo Tomori. Umiskor naman sina Ante Rebić at Brahim Díaz para sa Milan.

Verdict

Mas kailangan ng AC Milan ang panalong ito kaya inaasahan namin na magtagumpay sila sa kanilang huling laro sa Group B laban sa Liverpool.

Best Bet: AC Milan To Win @1/1 at Hollywood bets - 1 Unit
AC Milan
To Win
@1/1 - 1 Unit
£10 Free Bet
Use promo code NEWBONUS

Get £10 free bet. Use the promo code NEWBONUS.

Bet at Hollywood bets

Nangungunang Mga Site sa Pagtaya

special-offer-1Betting offers

Paparating na Kaganapan