- Friday 31
- Saturday 1
- Sunday 2
- Monday 3
- Tuesday 4
- Wednesday 5
- Thursday 6
- Friday 7
- Saturday 8
- Sunday 9
- Monday 10
 
									 
								Villarreal vs Bayern Munich Tips - Bayern mananaig sa unang leg
- Mga tip sa Villarreal vs Bayern Munich sa UEFA Champions League sa Miyerkules (20:00 GMT)
- Ang quarter-final leg 1 ay gaganapin sa La Cerámica
- Tinalo ng Villarreal ang Juventus sa Round of 16
- Nilampaso ng Bayern ang Salzburg sa Round of 16
- Hindi natalo ang Bayern sa kanilang huling 8 laro sa lahat ng mga kompetisyon
- Ito ang unang paghaharap ng Villarreal at Bayern simula noong 2011
													
													Expired
												
	
											
											
													 
													
											Robert Lewandowski (Matthias Hangst/Getty Images)
										
                        Maglalaban ang Villarreal at Bayern Munich sa unang leg ng UEFA Champions League quarter-finals sa Miyerkules.
Tinalo ng Villarreal ang Juventus 4-1 aggregate sa Round of 16. Nagresulta sa isang 1-1 draw ang unang leg bago nagtala ang Yellow Submarine ng 3-0 na panalo sa Milan sa pangalawang leg para umabante sa quarter-finals ng kompetisyong ito sa unang pagkakataon mula noong 2008-09 season. 

Sina Gerard Moreno, Pau Torres at Arnaut Danjuma ang mga naka-goal para sa Villarreal sa kanilang huling laro sa Champions League.
Natalo naman ang panig ni Unai Emery sa Cadiz (1-0) at Levante (1-0) sa kanilang huling dalawang laro sa La Liga. 
Nakapagtala na si Danjuma ng limang goal sa Champions League kaya inaasahang muli niyang pangunahan ang Villarreal sa larong ito.
Tanging si Alberto Moreno ang hindi magtatampok para sa Villarreal sa labang ito dahil sa injury.
Naka-usad naman ang Bayern sa last eight matapos nilang lampasuhin ang Red Bull Salzburg 7-1 sa pangalawang leg. Naglista ng hat-trick si Robert Lewandowski habang nagdagdag naman ng dalawa goal si Thomas Müller. Naka-goal din sina Serge Gnabry at Leroy Sané para tulungan manalo ang Bayern sa kanilang rematch matapos mauwi ang unang leg sa isang 1-1 draw.
Si Lewandowski ang nangungunang scorer ng Champions League ngayong season na may 12 goal at muli siyang inaasahan na magpasiklab sa labang ito. 
Tinalo ng Bayern ang Freiburg 4-1 sa kanilang huling laro sa German Bundesliga sa likod ng mga goal nina Leon Goretzka, Gnabry, Kingsley Coman at Marcel Sabitzer.
Ito ang ikalawang sunod na panalo ng panig ni Julian Nagelsmann at hindi sila natalo sa kanilang huling walong laro sa lahat ng mga kompetisyon. Hindi naman magagamit ni Nagelsmann sina Alphonso Davies at Eric Maxim Choupo-Moting dahil sa sakit.
Ito ang unang paghaharap ng Villarreal at Bayern mula noong group stage ng 2011-12 Champions League. Nanalo ang Bayern 2-0 sa unang laban at muling nagwagi 3-1 sa kanilang rematch.
Verdict
Inaasahan namin na magwawagi ang Bayern sa unang leg at muling makaka-goal si Robert Lewandowski.
                                        
                                                
                                                
                                            
                        Get £10 FREE
                                            Promo Code: NEWBONUS
                                            The Dabble UK code is NEWBONUS. New customers only. Free bets credited following registration. Must be wagered 1x at min odds of 1/2 (1.5). 7-day expiry. Stake not returned. Promotional terms apply. 18+. Gambleaware.org
£30 Free Bet
                                            Use promo code NEWBONUS
                                            Claim £30 free bet & 20 Free Spins. Use the promo code NEWBONUS. New Hollywoodbets account holders. 18 years or older. United Kingdom residents only. T&Cs apply.
 
                     
                     
                     
                     
                     
                     
                     
                     
                    