• Home
  • Mga Tip sa Pagtaya

Colorado Avalanche @ St Louis Blues Tips - Avalanche tatapusin na ang serye

27 May 2022
Librengpusta Staff 27 May 2022
Share this article
Or copy link
success image
  • Mga tip sa Colorado Avalanche @ St Louis Blues sa NHL Play-offs sa Biyernes (Sabado 01:00 BST/08:00 Manila Time)
  • Ang Game 6 ng Western Conference semi-finals ay gaganapin sa Enterprise Center
  • Lamang ang Avalanche 3-2 sa best-of-seven series
  • Napuwersa ang Blues ng Game 6 pabalik sa St Louis matapos nilang magwagi sa Denver sa Game 5
Expired
Enterprise Center
Hangad ng Avalanche na tuldukan ang serye sa Enterprise Center (Dilip Vishwanat/Getty Images)
Dadayo ang Colorado Avalanche sa St Louis sa Biyernes na determinadong tapusin na ang kanilang Western Conference semi-final series sa NHL play-offs.

Nabigo ang top-seeded Avalanche sa kanilang hangarin noong Miyerkules matapos nilang makalasap ng 5-4 na pagkatalo sa Blues sa overtime sa Ball Arena sa Denver.

Sa tulong nina Nick Leddy at Ivan Barbashev ay naipasok ni Tyler Bozak ang isang slap shot 3:38 sa overtime para buhayin pa ang tsansa nilang maka-abante sa play-offs.

Masaklap ang pagkatalong ito para sa Colorado, na lumamang ng dalawang goal matapos ang first period sa likod ng mga goal ni Nathan MacKinnon.

Binigyan ng 3-0 kalamangan ni Gabriel Landeskog ang Colorado matapos niyang maka tip-in 4:02 sa second period. Gumanti si Vladimir Tarasenko para sa Blues sa 14:42.

Muling naka-goal ang St Louis sa 9:57 mark ng third quarter galing kay Robert Thomas bago tinabla ni Justin Faulk ang laro sa pagbuslo ng isang wrist shot. 

Binawi ng Avalanche ang kanilang kalamangan sa 17:14 matapos muling maka-goal si MacKinnon ngunit nakaganti si Thomas bago matapos ang regulation para magpuwersa ng overtime.

Nasayang ang 3 goals at 1 assist ni MacKinnon, na determinadong muling magpakitang gilas sa Game 6 at pangunahan ang Avalanche sa Western Conference finals sa unang pagkakataon mula noong 2002.

Nanalo ang Avalanche sa Enterprise Center noong Game 3 (5-2) at Game 4 (6-3) kaya kumpiyansa si Colorado coach Jared Bednar na mauulit nila ito dito para tuluyan ng tapusin ang serye.

Muling pangungunahan ang Avalanche nina MacKinnon at Cale Makar, na kapwa may 13 puntos ngayong post-season.

Determinado namang magpuwersa ng Game 7 ang Blues pabalik sa Denver, kung saan nila nakuha ang kanilang dalawang panalo sa seryeng ito. 

Dalawang beses nang nagawa ng Blues na makabalik sa 3-1 deficit at manalo sa best-of-seven series. Una nila itong ginawa kontra sa Detroit Red Wings noong 1991 at naulit ito laban sa Phoenix Coyotes noong 1999. 

Verdict

Bigo ang Avalanche na tapusin ang Blues noong Game 5 kaya inaasahan namin silang bumawi sa Game 6 at tuluyan nang maka-abante sa Western Conference finals.

Best Bet: Avalanche To Win @7/8 at Hollywood bets - 1 Unit
Avalanche
To Win
@7/8 - 1 Unit
£10 Free Bet
Use promo code NEWBONUS

Get £10 free bet. Use the promo code NEWBONUS.

Bet at Hollywood bets

Nangungunang Mga Site sa Pagtaya

special-offer-1Betting offers

Paparating na Kaganapan