• Home
  • Mga Tip sa Pagtaya

Houston Astros @ New York Mets Tips - Astros tatalunin ang Mets

28 Jun 2022
Librengpusta Staff 28 Jun 2022
Share this article
Or copy link
success image
  • Mga tip sa Houston Astros @ New York Mets sa MLB sa Martes (00:10 Miyerkules BST/07:10 Manila Time)
  • Ang laro ay gaganapin sa Citi Field
  • Framber Valdez (HOU) vs Carlos Carrasco (NYM)
  • Na-sweep ng Astros ang Mets noong nakaraang linggo
Expired
Citi Field
Maghaharap ang Astros at Mets sa Citi Field. (Al Bello/Getty Images)
Muling maghaharap sa isang two-game series ang Houston Astros at New York Mets simula sa Martes (00:10 Miyerkules BST/07:10 Manila Time) sa Citi Field.

Na-sweep ng Astros (45-27) ang Mets (47-27) sa kanilang two-game interleague series na ginawa sa Minute Maid Park noong nakaraang linggo. Dinomina ng Houston ang Game 1 8-2 bago nila ito sinundan ng 5-3 tagumpay sa rematch. 

Tutungo ang Astros sa Queens matapos nilang makalasap ng 6-3 pagkatalo sa New York Yankees sa 10 innings sa huling laro ng kanilang four-game series sa Bronx noong Linggo.

Pumalo ng solo homer si Jose Altuve sa 1st inning bago nagtala ng two-run single si Mauricio Dubon sa 4th inning para bigyan ng 3-0 kalamangan ang Astros. Ngunit tinabla ng Yankees ang laro sa 8th inning bago humataw ng three-run homer si Aaron Judge sa extra inning para selyohan ang panalo ng home team.

Nalimitahan ni Houston starter Jose Urquidy ang Yankees sa 1 hit at 1 run sa 7 innings ngunit nasayang ang kanyang impresibong ipinakita matapos magsuko ni closer Seth Martinez ng homer kay Judge.

Naputol ang two-game winning streak ng Astros ngunit komportable pa rin silang nasa tuktok ng American League West division. 

Nagtapos din ang two-game winning run ng Mets matapos nilang makalasap ng 3-2 pagkatalo sa Miami noong Linggo sa huling laro ng kanilang three-game series kontra sa Marlins.

Nagtala ng dalawang run ang New York sa 3rd inning matapos ang solo homer ni Brandon Nimmo at RBI double ni Pete Alonso. Ngunit nagsuko si Mets closer Adam Ottavino ng solo homer kay rookie Nick Fortes sa 9th inning na nagbigay ng nag-iisang panalo ng Marlins sa serye. 

Nagpukol si Mets starter David Peterson ng 8 strikeouts at nagsuko ng 4 hits at 2 runs sa 7 innings. Bagama’t natalo sa kanilang huling laro, nangunguna pa rin ang Mets sa National League East division. 

Si Framber Valdez (7-3) ang starting pitcher ng Astros sa larong ito. Hindi nakakuha ng decision ang Dominican left-hander sa kanilang 7-6 pagkatalo sa Yankees noong Huwebes kung saan nagtala siya ng 7 strikeouts at nagsuko ng 2 hits at 3 runs sa 6 innings. 

Ipaparada naman ng Mets si Carlos Carrasco (8-3), na nakakuha ng pagkatalo sa kanilang 5-3 kabiguan sa Houston noong nakaraang Miyerkules matapos niyang magsuko ng 4 hits at 5 runs sa 2 1/3 innings. 

Verdict

Inaasahan namin na muling talunin ng Astros ang Mets sa larong ito.

Best Bet: Astros To Win @4/5 at Hollywood bets - 1 Unit
Astros
To Win
@4/5 - 1 Unit
£10 Free Bet
Use promo code NEWBONUS

Get £10 free bet. Use the promo code NEWBONUS.

Bet at Hollywood bets

Nangungunang Mga Site sa Pagtaya

special-offer-1Betting offers

Paparating na Kaganapan