• Home
  • Mga Tip sa Pagtaya

Los Angeles Dodgers @ Atlanta Braves Tips - Dodgers magwawagi sa Game 3

27 Jun 2022
Librengpusta Staff 27 Jun 2022
Share this article
Or copy link
success image
  • Mga tip sa Los Angeles Dodgers @ Atlanta Braves sa MLB sa Linggo (Lunes 00:00 BST/07:00 Manila Time)
  • Ang huling laro ng 3-game series ay gaganapin sa Truist Park
  • Tony Gonsolin (LAD) vs Spencer Strider (ATL)
Expired
Truist Park
Muling maghaharap ang Dodgers at Braves sa Truist Park. (Michael Zarrilli/Getty Images)
Tatapusin ng Los Angeles Dodgers at Atlanta Braves ang kanilang three-game series sa Truist Park sa Linggo (Lunes 00:00 BST/07:00 Manila Time).

Tinabla ng Braves ang serye matapos nilang talunin ang Dodgers 5-3 noong Sabado. Kapwa nagtala ng two-run homers sina Dansby Swanson at Marcell Ozuna para tulungan ang defending World Series champions na makabawi matapos nilang makalasap ng 4-1 kabiguan sa opener. Nagpasok din ng run si Atlanta third baseman Austin Riley sa pamamagitan ng isang double.

Nakuha ni Braves reliever AJ Minter ang kanyang ika-apat na panalo ngayong season habang naitala ni Kenley Jansen ang kanyang ika-20 save. Nananatiling nasa ikalawang puwesto ang Braves (42-31) sa National League East division sa likod ng New York Mets. 

Pumalo ng solo homer si Will Smith habang nagtala rin ng mga RBI sina Cody Bellinger at Austin Barnes para sa Dodgers, na naputol ang four-game winning streak. Si LA closer Brusdar Graterol ang nakatanggap ng pagkatalo matapos niyang magsuko ng two-run homer kay Ozuna sa 8th inning na nagbigay ng panalo sa Atlanta.

Naglalaban ang Dodgers (44-26) at San Diego Padres para sa unang puwesto sa NL West.

Magsisimula para sa Dodgers si Tony Gonsolin (9-0), na nagwagi sa kanyang huling limang panimula at hindi pa natatalo ngayong season. 

Nagtala ang right-hander ng 4 strikeouts at nagsuko ng 3 hits at 2 runs sa kanilang 8-2 tagumpay sa Cincinnati noong Martes. Nakuha ni Gonsolin ang kanyang unang panalo ngayong season sa kanilang 5-1 tagumpay kontra sa Braves noong Abril kung saan nagsuko lamang siya ng 1 hit sa 6 scoreless innings.

Si Spencer Strider (3-2) ang starting pitcher ng Atlanta sa larong ito. Nagwagi ang rookie right-hander sa kanyang huling dalawang panimula at kagagaling sa isang 11-strikeout performance sa kanilang 8-2 panalo sa Washington noong Miyerkules. Nagsuko siya ng 1 hit at 2 runs sa 5 2/3 innings sa larong iyon. 

Verdict

Inaasahan namin na mananalo ang Dodgers sa huling laro ng serye.

Best Bet: Dodgers To Win @6/7 at Hollywood bets - 1 Unit
Dodgers
To Win
@6/7 - 1 Unit
£10 Free Bet
Use promo code NEWBONUS

Get £10 free bet. Use the promo code NEWBONUS.

Bet at Hollywood bets

Nangungunang Mga Site sa Pagtaya

special-offer-1Betting offers

Paparating na Kaganapan