• Home
  • Basketball

Milwaukee Bucks at Atlanta Hawks Game 6 Prediksyon at Tips - Hawks Magpwepwersa ng Game 7

03 Jul 2021
Librengpusta Staff 03 Jul 2021
Share this article
Or copy link
success image
  • Mga tips sa Milwaukee Bucks @ Atlanta Hawks Game 6 para sa Sabado
  • Ang Hawks-Bucks Game 6 ay gaganapin 01:30 BST (Linggo) sa State Farm Arena sa Atlanta, GA
  • Nangunguna ang Milwaukee sa serye 3-2
  • Inaasahang makabawi ang Hawks at magpwersa ng Game 7
  • Mga preview, prediksyon, istatistika at balita tungkol sa dalawang koponan
Expired
Milwaukee Bucks at Atlanta Hawks Game 6
Nais ng Hawks na Bumawi sa Game 6 (Getty Images)

Milwaukee Bucks @ Atlanta Hawks Game 6 Prediksyon at Tips


Maaaring dalhin ng Atlanta Hawks ang kanilang serye laban sa Milwaukee Bucks sa isang Game 7.

Mabagal ang naging panimula ng Hawks sa Game 5 at bigo silang mapakinabangan ang pagkawala ni Giannis Antetokounmpo.

Hindi ganoon kalakas ang Milwaukee sa daan kumpara sa nilalaro nila sa kanilang home court kaya maaaring makabalik ang Atlanta sa larong ito.

At mas malaki ang tsansa ng Hawks na makabawi kung makakabalik si Trae Young matapos siyang hindi makalaro sa Game 4 at Game 5 dahil sa injury sa paa.

  • Ang Hawks ay may 6-3 record sa kanilang home court sa playoffs
  • Ang Bucks ay may 2-4 record sa daan sa huling dalawang round ng playoffs
  • Maaaring wala pa rin si Antetokounmpo dahil sa injury sa tuhod
  • Ang Bucks ay may 6-6 na kartada pag wala si Antetokounmpo ngayong season

Head-to-Head


  • Nangunguna ang Bucks sa all-time series 128-125
  • Nangunguna ang Bucks sa all-time playoff series 14-13

Form ng Milwaukee Bucks at Balita sa Koponan


Winalis ng Bucks ang Miami Heat sa unang round ng playoffs bago nila pinatalsik ang Brooklyn Nets sa pangalawang round matapos manaig sa Game 7.

Nakalasap ng 116-113 na pagkatalo ang Bucks sa Hawks sa Game 1 ng Eastern Conference finals. Nagsanib pwersa sina Antetokounmpo at Jrue Holiday sa Game 1 ngunit hindi ito sapat para makuha nila ang panalo. Nagtapos si Antetokounmpo ng 34 points, 12 rebounds at 9 assists habang naglista si Holiday ng 33 points at 10 assists.

Nalimitahan naman si Khris Middleton sa 15 points at nagmintis ang kanyang three-pointer sa huling segundo na maaari sanang nakapwersa ng overtime.

Nakabawi naman ang Bucks sa Game 2 matapos nilang magtala ng 125-91 na panalo. Muling nagsanib pwersa sina Antetokounmpo (25 points) at Holiday (22 points) at nakakuha sila ng suporta mula kina Brook Lopez (16 points) at Middleton (15 points, 8 assists).

Nakuha ng Milwaukee ang kalamangan sa serye pagkatapos ng kanilang 113-102 na panalo sa Game 3. Bumida si Middleton na nagtapos ng 38 points, 11 rebounds at 7 assists habang nagdagdag ng 33 points at 11 boards si Antetokounmpo. Maganda rin ang nilaro ni Bobby Portis (15 points) mula sa bench.

Tinabla naman ng Hawks ang serye matapos nilang tambakan ang Bucks 110-88 sa Game 4. Nagtamo si Antetokounmpo ng injury sa tuhod sa third quarter at hindi na muling nakabalik sa laro. Nanguna sa Bucks sina Holiday (19 points, 9 assists) at Middleton (16 points, 8 rebounds). 

Bumawi ang Bucks sa isang 123-112 na tagumpay sa Game 5 para makakuha ng 3-2 na kalamangan sa serye. Nagtapos si Lopez ng playoff career-high 33 points upang pangunahan ang koponan sa pagliban ni Antetokounmpo. Nagpasiklab rin sina Middleton (26 points, 13 rebounds, 8 assists), Holiday (25 points, 13 assists) at Portis (22 points).

Hindi sigurado kung makakabalik na si Antetokounmpo sa larong ito kaya muling umaasa si head coach Mike Budenholzer na maulit ang ipinakita ng kanyang ibang mga manlalaro sa kanilang nakaraang laro. 

Kung mananalo ang Bucks ay aabante sila sa NBA finals kung saan nag-aantay na ang Phoenix Suns.


Form ng Atlanta Hawks at Balita sa Koponan


Tinalo ng Hawks ang New York Knicks 4-1 sa unang round ng playoffs at tulad ng Bucks ay kinailangan rin nila ng Game 7 para malampasan ang Philadelphia 76ers sa sumunod na round.

Nagtapos si Young ng career-high 48 points at 11 assists para pangunahan ang Hawks sa kanilang panalo sa Bucks sa Game 1. 

Nagdagdag si Kevin Huerter ng 13 points habang kapwa nagtala sina Collins (23 points, 15 rebounds) at Capela (12 points, 19 rebounds) ng double doubles para tulungan ang Atlanta na makuha ang kanilang kauna-unahang panalo sa Eastern Conference finals.

Nalimitahan naman si Young sa 15 points sa kanilang pagkatalo sa Game 2. Nagdagdag si Danilo Gallinari ng 12 points habang kapwa nag-ambag sina Collins at Cam Reddish ng 11 points.

Umiskor si Young ng 35 points sa Game 3 ngunit nagtamo siya ng ankle injury matapos aksidenteng matapakan ang paa ng referee. Nagdagdag ng 18 points mula sa bench si Gallinari at nagtala naman ng 13 points at 8 rebounds si Collins. 

Hindi nakalaro si Young sa Game 4 ngunit hindi naman kinailangan ng Hawks ang kanyang presensya. Pinunan ni Lou Williams ang kanyang pagkawala ng pangunahan ng beteranong guard ang koponan matapos magtala ng 21 points at 8 assists. 

Nakakuha siya ng suporta kina Bogdan Bogdanovic (20 points), Capela (15 points) at Huerter (15 points, 7 assists). Maganda rin ang nilaro nina Reddish (12 points) at Gallinari (10 points) mula sa bench.   

Muling hindi nakalaro si Young sa Game 5 at nanguna para sa Atlanta si Bogdanovic na nagtapos ng 28 points sa kabila ng iniindang pamamaga ng tuhod. Nagdagdag si Collins ng 18 points at 8 rebounds habang nagtala si Williams ng 17 points.

Hindi pa rin sigurado kung makakabalik si Young sa larong ito.  

Milwaukee Bucks @ Atlanta Hawks FAQs

Saan ko mapapanood ang Milwaukee Bucks @ Atlanta Hawks live stream?

Ipinapakita ng aming live streaming calendar kung saan mapapanood ang Milwaukee Bucks @ Atlanta Hawks.

Hatol

Dinomina ng Bucks ang Game 5 ngunit ang naturang laro ay ginanap sa kanilang home court. 

Hindi kalakasan ang Milwaukee sa daan kaya inaasahan namin na manaig ang Hawks lalo na kung makakabalik si Trae Young at hindi pa rin makakalaro si Giannis Antetokounmpo.

Best Bet: Atlanta -1.5 Spread @9/10 at bet365 - 2 Units
Atlanta -1.5
Spread
@9/10 - 2 Units
Bet £10 Get £30
with bonus code NEWBONUS

Available to new customers only. Make a qualifying deposit of £5 or more and claim the offer within 30 days of registering your account to qualify for 300% of that amount in Bet Credits, up to a maximum of £30 in Bet Credits. Once released, your Bet Credits will be held in your account balance and are non-withdrawable. Min deposit requirement. Free Bets are paid as Bet Credits and are available for use upon settlement of qualifying bets. Min odds, bet and payment method exclusions apply. Returns exclude Bet Credits stake. Registration required. Time limits and T&Cs apply.

Bet at bet365

Nangungunang Mga Site sa Pagtaya

special-offer-1Betting offers

Paparating na Kaganapan