• Home
  • Basketball

Milwaukee Bucks at Brooklyn Nets Game 5 Prediksyon at Tips - Bucks llamado sa undermanned Nets

  • Mga Tips sa Milwaukee Bucks at Brooklyn Nets Game 5 para sa Martes
  • Ang Bucks-Nets tip-off ay 01:00 BST (Miyerkules) sa Barclays Center sa Brooklyn, New York
  • Nanalo ang Milwaukee ng back-to-back na laro upang maitabla ang serye
  • Ang Bucks ay inaaasahang makatatlong sunod na panalo kontra sa Nets
  • Hindi maglalaro sina James Harden at Kyrie Irving para sa Nets
  • Mga preview, prediksyon, istatistika at balita tungkol sa dalawang koponan
Milwaukee Bucks at Brooklyn Nets Game 5 Prediksyon at Tips
Hindi makakalaro si James Harden at Kyrie Irving sa Game 5 (Getty Images)
Librengpusta Staff 15 Jun 2021
Share this article
success image

Milwaukee Bucks at Brooklyn Nets Game 5 Prediksyon at Tips


Inaasahang makuha ng Milwaukee Bucks ang kanilang ikatlong sunod na panalo kontra sa Brooklyn Nets sa Game 5 ng kanilang Eastern Conference semifinal series. 

Nakadalawang sunod na panalo ang Bucks sa serye matapos mabigo sa Game 1 at Game 2 at hindi nakakapagtaka kung makuha nila ang kalamangan sa serye dahil hindi makakapaglaro sina Kyrie Irving at James Harden sa larong ito.

Malaki ang tsansa na sumaklaw ang Milwaukee sa point spread at panatilihing mas mababa sa 100 points ang Brooklyn. 

  • Ang Bucks ay sumaklaw sa -4.5 point spread sa Game 3 at Game 4
  • Nalimitahan ng Bucks ang Nets sa mas mababa sa 100 puntos sa dalawang magkasunod na laro
  • Ang Bucks ay nanalo ng 4 sa kanilang huling 6 na laro laban sa Nets
  • Hindi maglalaro para sa Nets sina James Harden at Kyrie Irving
  • Ang Nets ay may 3 manlalaro lamang na umiskor ng double digits sa Game 3 at Game 4
  • Ang Game 2, Game 3 at Game 4 ay lahat nagresulta sa -217.5 na kabuuang mga puntos

Head-to-Head


  • Nangunguna ang Bucks sa all-time series 115-84
  • Nangunguna ang Bucks sa all-time playoff series 11-8

Milwaukee Bucks Form at Team News


Bumawi ang Bucks sa Game 3 at Game 4 matapos matalo sa unang dalawang laro ng serye. 

Ang superstars ng Milwaukee na sina Giannis Antetokounmpo at Khris Middleton ay naharap sa maraming mga katanungan matapos silang matalo 115-107 sa Game 1 at tambakan sa Game 2 125-86.

Ngunit sinagot ng dalawang manlalaro ang mga katanungang iyon sa pagtala ng double doubles sa Game 3 na nagresulta sa 86-83 na tagumpay.

Nagtapos si Antetokounmpo ng 33 points at 14 rebounds habang si Middleton ay naglista ng 35 points at 15 boards. Nagparamdam rin si Brook Lopez, na nakakuha ng 11 rebounds. 

Muling nagpakitang gilas si Antetokounmpo sa Game 4 kung saan nagtala siya ng 34 points at 12 rebounds para pangunahan ang Milwaukee sa 107-96 na panalo. Nagdagdag si Middleton ng 19 points at 8 assists habang nagtala si Jrue Holiday ng 14 points at 9 assists.

Wala namang bagong pangalang na nadagdag sa injury list ng Bucks na kasalukuyang kinabibilangan nina Jordan Nwora (leg) at Donte DiVincenzo (foot). 

Brooklyn Nets Form at Team News


Nanganganib ang ambisyon ng Nets na maging kampeon sa NBA ngayong season matapos magtamo ng injuries sina Harden at Irving.

Unang nawala si Harden noong Game 1 dahil sa hamstring injury habang nagtamo naman si Irving ng ankle injury noong Game 4. 

Malaking dagok ang pagkawala ng dalawang All-Stars na ito dahil hindi kaya ni Durant na itaguyod mag-isa ang Nets. 

Noong Game 1, nagtala si Irving ng 25 points at 8 assists habang nanguna si Durant na may 29 points at 10 rebounds. 

Sinundan ito ni Durant ng 32 points sa Game 2 habang nag-ambag si Irving ng 22. 

Muling nagsanib pwersa sina Durant (30 points, 10 rebounds) at Irving (22 points) sa Game 3 ngunit bigo silang makakuha ng panalo sa Milwaukee. 

Nagtala si Durant ng 28 points at 13 rebounds sa Game 4 ngunit nasaktan si Irving sa second quarter matapos makagawa ng 11 points. Wala nang ibang Brooklyn player ang naka-iskor ng double digits. Umaasa si head coach Steve Nash na makakuha ng mas malaking kontribusyon kanila Joe Harris, Bruce Brown at Blake Griffin.

Milwaukee Bucks @ Brooklyn Nets Game 5 FAQ

Saan ko mapapanood ang live stream ng Brooklyn Nets @ Milwaukee Bucks Game 5?

Ipinapakita ng aming live streaming calendar kung saan mapapanood ang Brooklyn Nets @ Milwaukee Bucks Game 5 live stream.

US

Hatol

Nakuha na ng Milwaukee Bucks ang momentum sa serye at hindi nakatulong sa Nets ang pagkawala nina James Harden at Kyrie Irving dahil sa injuries. 

Hindi kayang panguhanahang mag-isa ni Kevin Durant ang Nets kaya't maaaring makuha ng Bucks ang isang importanteng panalo sa Brooklyn. 

Best Bet: Milwaukee -4.5 Spread @-111.11 at BetMGM - 2 Units
Value Bet: Milwaukee & -217.5 Moneyline & Total Points @194.00 at PlaySugarhouse Sport - 2 Units

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events