• Home
  • Basketball

Milwaukee Bucks at Phoenix Suns Game 1 Prediksyon at Tips - Suns Mananalo sa Game 1

  • Mga tips sa Milwaukee Bucks @ Phoenix Suns Game 1 para sa Martes
  • Ang Bucks-Suns Game 1 ay gaganapin 02:00 BST (Miyerkules) sa Phoenix Suns Arena sa Phoenix, AZ
  • Paborito ang Phoenix ng mga bookies na manalo sa NBA Finals
  • Suns inaasahang manalo sa Game 1
  • Mga preview, prediksyon, istatistika at balita tungkol sa dalawang koponan
Milwaukee Bucks at Phoenix Suns Game 1 Tips
Magsisimula na ang NBA Finals sa pagitan ng Suns at Bucks (Getty Images)
Librengpusta Staff 06 Jul 2021
Share this article
success image

Milwaukee Bucks @ Phoenix Suns Prediksyon at Tip


Ang Phoenix Suns ay inaasahang manalo sa Game 1 ng 2021 NBA Finals.

Maganda ang nilalaro ng Suns sa kanilang home court ngayong playoffs at nagtala sila ng 2-0 record laban sa Milwaukee Bucks sa regular season. 

Full strength rin ang Phoenix sa larong ito habang hindi naman sigurado kung makakapaglaro ang Milwaukee superstar na si Giannis Antetokounmpo dahil sa injury sa tuhod.

Maaaring samantalahin iyon ng Suns upang manalo sa Game 1 ng NBA Finals Martes ng gabi sa Phoenix.

  • Ang Suns ay may 6-2 na kartada sa kanilang home court ngayong playoffs
  • Ang Suns ay nagwagi sa Game 1 sa lahat ng kanilang 3 naunang serye ngayong playoffs
  • Ang Suns ay 2-0 laban sa Bucks sa regular season
  • Si Devin Booker ng Suns ay nag-aaverage ng 27 puntos bawat laro sa playoffs
  • Si Deandre Ayton ng Suns ay nag-aaverage ng 11.8 rebounds at 16.2 puntos bawat laro sa playoffs
  • Hindi inaasahang maglaro si Antetokounmpo sa Game 1 dahil sa injury sa tuhod
  • Si Antetokounmpo ang nangungunang scorer (28.1 ppg) at rebounder (11.0 rpg) ng Milwaukee
  • Ang Milwaukee ay mayroong 101.9 defensive rating kasama si Giannis ngunit may 107.1 na rating kung wala siya
  • Ang defensive rebound percentage ng Milwaukee ay bumaba mula 79.6 hanggang 69.3 kapag wala si Giannis

Head-to-Head


Ito ang kauna-unahang pagkikita ng Suns at Bucks sa NBA Finals. Huling nagkita ang dalawang panig sa postseason noong 1978 noong nasa Western Conference pa ang Milwaukee.

Umabante ang Suns sa championship series sa unang pagkakataon simula noong 1993. Hindi pa nananalo ang koponan ng NBA title. Ito naman ang unang pagtatampok ng Bucks sa NBA finals simula noong 1974. Nakuha ng koponan ang kanilang kaisa-isang kampeonato noong 1971 sa pangunguna nina Lew Alcindor (Kareem Abdul-Jabbar) at Oscar Robertson. 

  • Nangunguna ang Suns sa all-time series 75-73
  • Nangunguna ang Bucks sa all-time playoff series 2-0

Form ng Milwaukee Bucks Balita sa Koponan


Winalis ng Bucks ang Miami Heat sa unang round ng playoffs bago nila nalampasan ang Brooklyn Nets sa pitong laro. Kinailangan naman ng Milwaukee ng anim na laro para talunin ang Atlanta Hawks sa Eastern Conference finals.

Kapwa natalo ang Bucks sa Game 1 ng kanilang serye laban sa Nets at Hawks at pareho nilang napanalunan ang serye sa daan. 

Naging kahanga-hanga ang kanilang panalo sa Hawks dahil nagwagi sila sa Game 5 at Game 6 kahit na wala si Antetokounmpo. 

Ang 'Greek Freak' ang nangungunang scorer at rebounder ng koponan, na nag-aaverage ng 28.1 points at 11.0 boards bawat laro.

Hindi inaasahang makakabalik si Antetokounmpo sa Game 1 kaya muling pangungunahan nina Khris Middleton, Jrue Holiday at Brook Lopez ang Bucks. 

Si Middleton ay nag-aaverage ng 23.4 puntos bawat laro sa postseason, habang si Holiday ay nagtala ng 52 points at 22 rebounds sa kanyang nakaraang dalawang laro.

Form ng Phoenix Suns at Balita sa Koponan


Tinalo ng Suns ang defending champion Los Angeles Lakers 4-2 sa unang round ng playoffs at winalis naman nila ang Denver Nuggets sa pangalawang round. 

Kinailangan naman nila ng anim na laro para talunin ang Los Angeles Clippers sa Western Conference finals.  

Nakaranas rin ng ilang injuries ang ilang manlalaro ng Suns patungo sa finals ngunit kumpleto sila sa Game 1. 

Maganda ang nilalaro ni Booker sa kanyang unang pagtatampok sa playoffs. Nag-aaverage siya ng 27.0 puntos bawat laro at nakapagtala na ng isang pares ng double doubles at isang triple double.

Tulad ni Booker ay nagpapakitang gilas rin si Ayton sa kanyang unang postseason. Nakagawa na ang star big man ng 11 double doubles at nag-aaverage ng 16.2 puntos at 11.8 rebounds bawat laro sa playoffs.

Malaki rin ang papel na ginagampanan ni Chris Paul sa Suns. Ang beteranong guard ay nag-aaverage ng 16.4 puntos at 8.9 assists bawat laro at determinado siya na makuha ang kanyang kauna-unahang NBA title sa kanyang mahabang karera sa NBA. 

Milwaukee Bucks @ Phoenix Suns Game 1 FAQs

Saan ko mapapanood ang Milwaukee Bucks @ Phoenix Suns Game 1 live stream?

Ipinapakita ng aming live streaming calendar kung saan mapapanood ang Milwaukee Bucks sa Phoenix Suns Game 1 live stream.

US

Hatol

Ang Suns ang paborito sa Game 1 ng NBA Finals sa pangunguna ng Big Three nina Devin Booker, Deandre Ayton at Chris Paul. 

Maaaring walang sagot ang Bucks sa Big Three ng Phoenix lalo na kung hindi maglalaro si Giannis Antetokounmpo.

Best Bet: Phoenix -5.5 Spread @-111.11 at BetMGM - 2 Units

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events