NBA
  • Home
  • Basketball
  • NBA

Atlanta Hawks at Milwaukee Bucks Game 1 Prediksyon at Tip - Bucks Mapapanatili ang 100% Home Record

  • Mga tips sa Atlanta Hawks at Milwaukee Bucks Game 1 para sa Miyerkules
  • Ang Hawks-Bucks game ay gaganapin 01:30 BST (Huwebes) sa Fiserv Forum sa Milwaukee, WI
  • Tinalo ng Hawks ang Sixers sa nakaraang round habang pinatalsik ng Bucks ang Nets
  • Inaasahang manalo ang Milwaukee sa Game 1
  • Mga preview, prediksyon, istatistika at balita tungkol sa dalawang koponan
Atlanta Hawks at Milwaukee Bucks Game 1 Prediksyon at Tip
Uumpisahan na ng Bucks at Hawks ang kanilang serye (Getty Images)
Librengpusta Staff 22 Jun 2021
Share this article
success image

Atlanta Hawks at Milwaukee Bucks Game 1 Prediksyon at Tips


Inaasahang makauna ang Milwaukee Bucks sa kanilang serye laban sa Atlanta Hawks sa Eastern Conference finals.

Maganda ang nilalaro ng Bucks sa pangunguna nina Giannis Antetokounmpo at Khris Middleton at wala pa silang talo sa kanilang home court ngayong playoffs.

Ibang klase rin ang ipinapakitang galing ni Trae Young para sa Hawks, ngunit ang Bucks ang numero uno sa liga sa depensa sa regular season at maaaring malimitahan siya sa larong ito.

Inaasahan namin na magwagi ang Milwaukee sa Game 1.

  • Ang Bucks ay 5-0 sa kanilang home court ngayong playoffs
  • Ang Bucks No. 1 sa depensa sa buong liga sa regular season
  • Nalimitahan ng Bucks ang Nets sa mas mababa sa 100 points ng tatlong beses sa kanilang serye
  • Si Antetokounmpo ay nag-aaverage ng 31.9 puntos bawat laro sa kanilang serye laban sa Nets
  • Si Antetokounmpo ay mayroong 10 double doubles sa playoffs ngayong season
  • Ang Bucks ay may 2-1 record laban sa Hawks sa regular season

Head-to-Head


Ito ang ikalimang pagkikita ng Bucks at Hawks sa playoffs pero una sa conference finals. Tinalo ng Milwaukee ang Atlanta 3-2 sa first round ng 1984 postseason. Bumawi naman ang Hawks sa Bucks 3-2 sa first round ng 1988 postseason. Nagkita muli ang dalawang panig sa first round ng sumunod na season at nagwagi ang Bucks 3-2. 

Huling nagtagpo ang dalawang koponan sa postseason noong 2009-10 season kung saan nagwagi ang Hawks sa kanilang first-round series 4-3.

  • Nangunguna ang Bucks sa all-time series 125-123
  • Tabla ang dalawang koponan sa all-time playoff series 11-11

Atlanta Hawks Form at Team News


Nagpatuloy ang 'Fairy Tale' run ng Hawks matapos nilang patalsikin ang top seed Philadelphia 76ers sa conference semifinals. 

Tinalo ng Hawks ang Sixers 103-96 sa Philadelphia sa Game 7 noong Linggo para makarating sa conference finals sa ikalawang pagkakataon at una simula noong 2014-15 season.

Nagtala si Kevin Huerter ng 27 points habang nagdagdag si Trae Young ng 21 para igiya ang Hawks sa panalo matapos mabigong tapusin ang serye sa kanilang home court noong Game 6. 

Muling pangungunahan ni Young ang Hawks sa kanilang ambisyon na makarating sa NBA finals sa unang pagkakataon simula pa noong 1961 kung saan naka-base pa ang koponan sa St. Louis. 

Nag-aaverage si Young ng 29.8 points at 10.5 assists sa playoffs at nakapagtala na ng pitong double doubles. Aasahan rin ni head coach Nate McMillan sina Huerter, Bogdan Bogdanovic, John Collins, Danilo Gallinari at Clint Capela. 

Sina De'Andre Hunter (knee), Brandon Goodwin (illness) at Cam Reddish (Achilles) ang nakalista sa injury list ng Hawks.

Milwaukee Bucks Form at Team News


Winalis ng Bucks ang Miami Heat sa first round ngunit kinailangan nila ng pitong laro para talunin ang Brooklyn Nets sa conference semifinals.

Nakabalik ang Bucks sa isang 3-2 deficit para umabante sa conference finals sa ikalawang beses sa tatlong seasons. 

Sinelyuhan ng Milwaukee ang serye matapos magtala ng 115-111 overtime na panalo sa Brooklyn noong Sabado. Nagtapos si Antetokounmpo ng 40 points at 13 rebounds para pangunahan ang Bucks, na naghahangad makarating sa NBA finals sa unang pagkakataon simula pa noong 1974 season kung saan natalo sila sa Boston Celtics 4-3.   

Pangungunahan ni Antetokounmpo at Middleton ang Bucks sa hangaring iyon. Nag-aaverage si Antetokounmpo ng 28.8 points at 13.6 rebounds sa playoffs habang nagtala si Middleton ng 23.3 points. 

Makakuha sila ng suporta kanila Jrue Holiday, Brook Lopez at Bryn Forbes. 

Wala namang bagong pangalan na nadagdag sa injury list ng Bucks na kasalukuyang kinabibilangan nina Jordan Nwora (thigh) at Donte DiVincenzo (foot).

Atlanta Hawks at Milwaukee Bucks Game 1 FAQs

Saan ko mapapanood ang live stream ng Atlanta Hawks at Milwaukee Bucks Game 1?

Ipinapakita ng aming live streaming calendar kung saan mapapanood ang Atlanta Hawks at Milwaukee Bucks Game 1.

US

Hatol

Kahanga-hanga ang ipinakita ng Atlanta Hawks sa unang dalawang round ng playoffs ngunit mahihirapan sila sa Milwaukee Bucks.

Hindi pa natatalo ang Bucks sa kanilang home court ngayong playoffs kaya inaasahan namin silang manalo sa Game 1.

Best Bet: Milwaukee -6.5 Spread @-125.00 at BetMGM - 2 Units

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events