NBA
  • Home
  • Basketball
  • NBA

Atlanta Hawks at Milwaukee Bucks Game 2 Prediksyon at Tips - Hawks Muling Sasakupin ang Point Spread

  • Mga tips sa Atlanta Hawks at Milwaukee Bucks Game 2 para sa Biyernes
  • Ang Hawks-Bucks Game 2 ay gagawin 01:30 BST (Sabado) sa Fiserv Forum sa Milwaukee, WI
  • Tinalo ng Hawks ang Bucks sa Game 1
  • Inaasahang masaklaw ng Hawks ang point spread
  • Mga preview, prediksyon, istatistika at balita tungkol sa dalawang koponan
Atlanta Hawks at Milwaukee Bucks Prediksyon at Tips
Nais ng Bucks na makabawi sa Game 2 (Getty Images)
Librengpusta Staff 25 Jun 2021
Share this article
success image

Atlanta Hawks @ Milwaukee Bucks Prediksyon at Tips


Maaaring masakop muli ng Atlanta Hawks ang point spread sa Game 2 ng Eastern Conference Finals.

Pinangunahan nina Trae Young, Clint Capela at John Collins ang Hawks sa isang sorpresang tagumpay sa Game 1 sa Milwaukee.

Bagama's mahirap manalo ng magkasunod sa Milwaukee ay maaaring masaklaw pa rin ng Hawks ang point spread dahil maganda ang nilalaro nila sa daan. 

  • Ang Hawks ay 6-2 sa daan ngayong postseason
  • Ang Hawks ay 5-1 against the spread sa kanilang huling 6 na laro sa daan
  • Si Young ay nag-aaverage na 30.5 points at 10.5 assists bawat laro sa playoffs
  • Sina Capela at Collins ay may pinagsamang 34 rebounds sa Game 1

Head-to-Head


  • Nangunguna ang Bucks sa all-time series 125-124
  • Nangunguna ang Hawks sa all-time playoff series 12-11

Atlanta Hawks Form at Team News


Nagtapos si Young ng career-high 48 points at 11 assists para pangunahan ang Hawks sa 116-113 na panalo sa Game 1. 

Nagdagdag si Kevin Huerter ng 13 points habang kapwa nagtala sina Collins (23 points, 15 rebounds) at Capela (12 points, 19 rebounds) ng double doubles para tulungan ang Atlanta na makuha ang kanilang kauna-unahang panalo sa Eastern Conference finals.

Muling pangungunahan ni Young ang Hawks sa kanilang ambisyon na makarating sa NBA finals sa unang pagkakataon simula pa noong 1961 kung saan naka-base pa ang koponan sa St. Louis. 

Hindi sigurado kung makakapaglaro si Bogdan Bogdanovic dahil sa injury sa tuhod at wala naman sina De'Andre Hunter (knee), Brandon Goodwin (illness) at Cam Reddish (Achilles).

Milwaukee Bucks Form at Team News


Nagsanib pwersa sina Giannis Antetokounmpo at Jrue Holiday sa Game 1 ngunit hindi ito sapat para makuha nila ang panalo. Nagtapos si Antetokounmpo ng 34 points, 12 rebounds at 9 assists habang naglista si Holiday ng 33 points, 10 assists.

Nalimitahan naman si Khris Middleton sa 15 points at nagmintis ang kanyang three-pointer sa huling segundo na maaari sanang nakapwersa ng overtime. Nag-aaverage ang beteranong forward ng 22.6 points sa playoffs kaya inaasahan siya ni head coach Mike Budenholzer na makabawi sa Game 2.

Nakakuha rin ang Bucks ng 11 points at 8 rebounds mula kay back-up center Bobby Portis. 

Atlanta Hawks @ Milwaukee Bucks Game 2 FAQs

Saan ko mapapanood ang live stream ng Atlanta Hawks @ Milwaukee Bucks Game 2?

Ipinapakita ng aming live streaming calendar kung saan mapapanood ang Atlanta Hawks @ Milwaukee Bucks Game 2.

US

Hatol

Bagama's hindi sila inaasahang manalo sa Game 2 ay maganda ang nilalaro ng Hawks sa daan at maaring masakop nila muli ang point spread.

Best Bet: Atlanta +7.5 Spread @-111.11 at BetMGM - 2 Units

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events