NBA
  • Home
  • Basketball
  • NBA

Atlanta Hawks at New York Knicks Prediksyon at Tip - Inaasahang Makabawi ang Knicks sa Game 2

  • Mga tips sa Atlanta Hawks at New York Knicks para sa Miyerkules
  • Ang Hawks-Knicks ay magaganap 00:30 BST (Huwebes) sa Madison Square Garden sa New York
  • Nagwagi ang Hawks sa Game 1 salamat sa winning basket ni Trae Young
  • Inaasahang makabawi ang Knicks sa Game 2 at maitabla ang serye
  • Mga preview, prediksyon, istatistika at balita tungkol sa dalawang koponan
Atlanta Hawks at New York Knicks Prediksyon at Tip
Muling magtutuos ang Knicks at Hawks sa Game 2 (Getty Images)
Librengpusta Staff 26 May 2021
Share this article
success image

Atlanta Hawks at New York Knicks Prediksiyon at Tip

Inaasahan namin ang New York Knicks na maitabla ang kanilang Eastern Conference first-round playoff series laban sa Atlanta Hawks.

Tinalo ng Hawks ang Knicks 107-105 sa Madison Square Garden linggo ng gabi para maka-isa sa kanilang best-of-seven series. Naibuslo ni Trae Young ang winning basket sa huling 0.9 na segundo para paiyakin ang mga Knicks fans sa MSG.

Inaasahan namin ang mas magandang laro sa Knicks sa Game 2 kaya sila ang aming napili para magwagi sa labang ito.

  • Ang Knicks ay may 3-1 record laban sa Hawks ngayong season
  • Nanalo ang Knicks sa 11 sa kanilang huling 13 na laro sa MSG
  • Ang Knicks ay nangunguna sa average points against sa regular season (104.7)
  • Ang Knicks ay nangunguna sa kabuuang puntos sa regular season (7,540)

Head-to-Head


  • Nangunguna ang Hawks sa kanilang all-time series laban sa Knicks 199-191
  • May 3-1 record ang Knicks laban sa Hawks ngayong season

Atlanta Hawks Form at Team News


Tinapos ng Hawks ang kanilang five-game road losing streak matapos pataubin ang Knicks sa Game 1. Tatangkain ng koponan ni Nate McMillan na manalo ng magkasunod na road games sa unang pagkakataon simula noong Abril. 

Muling pangungunahan ang Hawks ni Young, na nagtala ng 32 points at 10 assists sa kanyang playoff debut. Maganda rin ang nilaro nina Bogdan Bogdanovic, John Collins at Lou Williams sa Game 1.

Muling hindi maglalaro sina Cam Reddish (Achilles) at Brandon Goodwin (illness).

New York Knicks Form at Team News


Bagama’t nasilat noong Game 1, maganda ang nilalaro ng Knicks sa kanilang home court kung saan napanalunan nila ang 11 sa kanilang huling 13 na laro. May 3-1 rin sila na record laban sa Hawks ngayong season.

Hindi maganda ang pinakita ng starting unit ng Knicks noong Game 1 kaya inaasahan ni head coach Tom Thibodeau ang mas magandang laro mula kina Julius Randle at RJ Barrett. 

Nais naman muling magkasiklab ni Alec Burks matapos pangunahan ang Knicks sa Game 1 na may 27 points mula sa bench. 

Nagtamo si Nerlens Noel ng isang ankle injury sa Game 1 ngunit inaasahan siyang maglaro sa Game 2. 

Patuloy naman na hindi maglalaro si Mitchell Robinson (foot).

Atlanta Hawks at New York Knicks FAQs

Saan ko mapapanood ang live stream ng Atlanta Hawks at New York Knicks?

Tingnan ang aming live streaming calendar para makita kung saan mo mapapanood ang Atlanta Hawks at New York Knicks live stream.

US

Hatol

Natalo man ang Knicks sa Game 1, naging dikit naman ang laban kahit hindi maganda ang nilaro ng kanilang starting five.
 
Ito ang dahilan kung bakit inaasahan namin na makabawi ang Knicks sa Game 2 at maitabla ang serye bago lumipat sa Atlanta.

Best Bet: New York -2.0 Spread @-111.11 at BetMGM - 2 Units
Value Bet: NY & -219.5 Moneyline & Total Points @161.00 at PlaySugarhouse Sport - 2 Units

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events