- Friday 20
- Saturday 21
- Sunday 22
- Monday 23
- Tuesday 24
- Wednesday 25
- Thursday 26
- Friday 27
- Saturday 28
- Sunday 29
- Monday 30
Boston Celtics @ Golden State Warriors Tips - Warriors magwawagi sa Game 1 ng NBA finals
- Mga tip sa Boston Celtics @ Golden State Warriors sa NBA Finals sa Huwebes (Biyernes 02:00 BST/09:00 Manila Time)
- Ang Game 1 ay gaganapin sa Chase Center
- Ito ang unang paghaharap ng Warriors at Celtics sa NBA finals mula noong 1964
- Nagpalitan ng panalo ang Warriors at Celtics noong regular season
- Tinalo ng Golden State ang Dallas sa Western Conference finals
- Tinalo ng Boston ang Miami sa Eastern Conference finals
Expired
Magsisimula ang 2022 NBA finals sa Chase Center sa Huwebes (Ezra Shaw/Getty Images)
Aarangkada ang 2022 NBA finals sa pagitan ng Golden State Warriors at Boston Celtics sa Huwebes (Biyernes 02:00 BST/09:00 Manila Time).
Gagawin ang Game 1 ng best-of-seven series sa Chase Center sa San Francisco.
Ito ang ikalawang beses na maghaharap ang dalawang panig sa finals ng liga at unang beses mula noong 1964 kung saan nagwagi ang Celtics 4-1 para makuha ang kanilang ika-anim na sunod na kampeonato.
Tatlong beses naman nagkita ang dalawang panig sa Eastern Conference play-offs noong naka-base pa ang Warriors sa Philadelphia at nanalo ang Celtics sa lahat ng mga seryeng iyon.
Tinalo ng Warriors and Dallas Mavericks 4-1 sa Western Conference finals para maka-abante sa championship series sa ika-anim na pagkakataon sa huling walong seasons. Huli silang naglaro sa NBA finals noong 2019 kung saan natalo sila sa Toronto Raptors.
Naka-abante naman ang Celtics sa NBA finals sa unang pagkakataon mula noong 2010 matapos nilang talunin ang Miami Heat 100-96 sa Game 7 ng Eastern Conference finals noong Linggo.
Ito ang ika-22 beses na maglalaro ang Celtics sa championship series at hangad nilang makuha ang kanilang ika-18 titulo sa liga. Huling nagkampeon ang Boston noong 2008 sa pangunguna nina Kevin Garnett at Paul Pierce.
Dalawang beses nagkita ang Warriors at Celtics noong regular season at nagpalitan sila ng mga panalo sa daan. Nagtala ng 111-107 panalo ang Warriors sa Boston noong Disyembre bago dinomina ng Celtics 110-88 ang kanilang rematch sa San Francisco noong Marso.
Ang magandang balita para sa Golden State fans ay hindi pa natatalo ang Warriors sa kanilang home-court ngayong play-offs at aasahan ni head coach Steve Kerr na magpatuloy ito sa seryeng ito.
Muling pangungunahan ni Stephen Curry ang Warriors sa kanilang hangad na makuha ang kanilang ika-pitong kampeonato sa kasaysayan. Nag-aaverage ang two-time league MVP ng 25.9 puntos kada laro sa play-offs.
Inaasahan din ang mga kontribusyon nina Klay Thompson, Jordan Poole at Andrew Wiggins.
Sina Jayson Tatum, Jaylen Brown at Marcus Smart ang mangunguna sa Celtics sa seryeng ito. Aasahan din ni Celtics head coach Ime Udoka ang mga kontribusyon nina Grant Williams, Derrick White at Al Horford, na maglalaro sa NBA finals sa unang pagkakataon sa kanyang mahabang karera sa liga.
Verdict
Llamado ang Warriors sa karamihan ng bookmakers sa Game 1 ng NBA finals kaya hula namin na una silang magwawagi sa best-of-seven series.
£30 Free Bet
Use promo code NEWBONUS
Claim £30 free bet & 20 Free Spins. Use the promo code NEWBONUS. New Hollywoodbets account holders. 18 years or older. United Kingdom residents only. T&Cs apply.