• Home
  • Basketball
  • NBA

Boston Celtics @ Golden State Warriors Tips - Warriors babawi sa Game 2

04 Jun 2022
Librengpusta Staff 04 Jun 2022
Share this article
Or copy link
success image
  • Mga tip sa Boston Celtics @ Golden State Warriors sa NBA Finals sa Linggo (Lunes 01:00 BST/08:00 Manila Time)
  • Ang Game 2 ay gaganapin sa Chase Center
  • Tinalo ng Celtics ang Warriors 120-108 sa Game 1
  • Sina Al Horford at Jaylen Brown ang nanguna sa Celtics sa opening game ng serye
Expired
Chase Center
Nais makabawi ng Warriors sa Celtics sa Game 2 ng NBA finals sa Chase Center (Thearon W. Henderson/Getty Images)
Magaganap ang Game 2 ng NBA finals sa pagitan ng Boston Celtics at Golden State Warriors sa Linggo (Lunes 01:00 BST/08:00 Manila Time.

Naka-una ang Celtics sa best-of-seven series matapos nilang magtala ng 120-108 panalo sa Chase Center noong Huwebes.

Lamang ang Warriors ng 12 puntos papasok ng fourth period bago nag-init ang Celtics at tuluyang dinomina ang huling quarter 40-16. 

Nagbuslo si Al Horford ng 6 three-pointers at nagtapos ng 26 puntos sa kanyang kauna-unahang finals appearance para pangunahan ang Boston. Nagdagdag si Jaylen Brown ng 24 puntos at 7 rebounds habang nag-ambag ng 21 puntos mula sa bench si Derrick White.

Maganda rin ang nilaro nina Marcus Smart (18 puntos) at Jayson Tatum (12 puntos, 13 assists).

Nasayang ang 34 puntos ni Stephen Curry para sa Warriors, na hindi na nakaporma sa fourth quarter matapos nilang umiskor ng 38 puntos sa third period. 

Nagdagdag si Andrew Wiggins ng 20 puntos habang nagtala si Klay Thompson ng 15 puntos. Naglista si Otto Porter ng 12 puntos mula sa bench habang nakakuha ng 11 rebounds si Draymond Greene. 

Ito ang unang beses na natalo ang Golden State ngayong play-offs. Umaasa si Warriors head coach Steve Kerr na hindi na mauliti ang kanilang fourth-quarter collapse sa larong ito at determinado silang itabla ang serye bago lumipat sa Boston para sa Game 3 at Game 4. 

Nagbuslo si Curry ng 6 three-pointers sa first quarter ng Game 1 ngunit isang triple na lang ang kanyang naipasok sa natitirang bahagi ng laro. 

Verdict

Bihirang matalo ang Warriors sa kanilang home-court kaya inaasahan namin silang makabawi sa Game 2.

Best Bet: Warriors To Win @8/15 at Hollywood bets - 1 Unit
Warriors
To Win
@8/15 - 1 Unit
£30 Free Bet
Use promo code NEWBONUS

Claim £30 free bet & 20 Free Spins. Use the promo code NEWBONUS. New Hollywoodbets account holders. 18 years or older. United Kingdom residents only. T&Cs apply.

Bet at Hollywood bets

Nangungunang Mga Site sa Pagtaya

special-offer-1Betting offers

Paparating na Kaganapan