NBA
  • Home
  • Basketball
  • NBA

Boston Celtics @ Miami Heat Tips - Celtics magwawagi sa Game 7

  • Mga tip sa Boston Celtics @ Miami Heat sa NBA Play-offs sa (01:30 BST/08:30 Manila Time)
  • Ang Game 7 ng Eastern Conference finals ay gaganapin sa FTX Arena
  • Tabla ang serye 3-3 matapos magwagi ang Celtics sa Game 6
  • Umiskor ng 47 puntos si Jimmy Butler sa Game 6
FTX Arena
Maghaharap ang Celtics at Heat sa Game 7 ng Eastern Conference finals na gaganapin sa FTX Arena (Michael Reaves/Getty Images)
Librengpusta Staff 28 May 2022
Share this article
success image
Maghaharap ang Boston Celtics at Miami Heat sa Game 7 ng Eastern Conference finals na gaganapin sa FTX Arena sa Linggo (Lunes 01:30 BST/08:30 Manila Time).

Nagpuwersa ang Heat ng deciding Game 7 pabalik sa kanilang bahay matapos nilang magtala ng 111-103 panalo sa Boston noong Biyernes. 

Umiskor si Jimmy Butler ng career play-off high 47 puntos para pangunahan ang Miami sa do-or-die game. Nagtala rin ang veteran guard ng 9 rebounds, 8 assists at 4 steals. 

Nagdagdag si Kyle Lowry ng 18 puntos at 10 assists habang nag-ambag ng 13 puntos si Max Strus. Nagparamdam din si PJ Tucker sa kanyang 11 puntos habang nakakuha ng 9 rebounds si Bam Adebayo. 

Si Jayson Tatum ang nanguna para sa Celtics matapos niyang magtala ng 30 puntos at 9 rebounds. Naglista si Derrick White ng 22 puntos mula sa bench habang nagtapos si Jaylen Brown ng 20 puntos. Nagdagdag ng 14 puntos si Marcus Smart habang umiskor si Robert Williams ng 12 puntos. Nalimitahan si Al Horford sa 3 puntos ngunit nakakuha siya ng 9 rebounds at 5 assists. 

Nagpasiklab si Butler sa Game 6 matapos niyang malimitahan sa huling tatlong laro ng serye kung saan umiskor lamang siya ng 27 puntos sa pang kalahatan. Matatandaang umiskor si Butler ng 41 puntos sa Game 1 at 32 puntos sa Game 2 ng seryeng ito.

Aasahan ni Miami head coach Erik Spoelstra na muling mag-init si Butler sa Game 7 at pangunahan ang Heat sa kanilang unang NBA finals series mula noong 2020 kung saan natalo sila sa Los Angeles Lakers. 

Muling hindi nakalaro si Tyler Herro para sa Heat noong Game 6 dahil sa groin injury. Inaalam pa ang kaniyang kalagayan para sa Game 7.

Hangad naman ng Celtics na makarating sa NBA finals sa unang pagkakataon mula noong 2010 kung saan tinalo rin sila ng Lakers.

Muling pangungunahan ni Tatum ang Celtics sa do-or-die game na ito. Nag-average ang All-Star forward ng 27.7 puntos kada laro sa kanilang huling tatlong laro matapos malimitahan sa 10 puntos noong Game 3. 

Ito ang ikalawang sunod na serye na maglalaro sa isang Game 7 ang Celtics, na kinailangan din ng pitong laro para malusutan ang defending champions Milwaukee Bucks sa conference semi-finals. 

Magtatampok naman ang Heat sa kanilang unang Game 7 mula noong 2016 kung saan natalo sila sa Toronto Raptors sa conference semi-finals. 

Ang mananalo sa larong ito ay makakalaban ang Golden State Warriors sa NBA finals. Una nang naka-abante ang Warriors matapos nilang talunin ang Dallas Mavericks sa Western Conference finals. 
GB

Verdict

Nanalo ang Celtics noong huli silang naglaro sa Miami kaya inaasahan namin na muli silang magwagi sa Game 7.

Best Bet: Celtics To Win @8/11 at bet365 - 1 Unit
Celtics
To Win
@8/11 - 1 Unit
Bet £10 Get £50
Bonus Code NEWBONUS

Use the bet365 Bonus Code NEWBONUS. Bet £10 & Get £50 in Free Bets for new customers at bet365. Min deposit requirement. Free Bets are paid as Bet Credits and are available for use upon settlement of bets to value of qualifying deposit. Min odds, bet and payment method exclusions apply. Returns exclude Bet Credits stake. Time limits and T&Cs apply. The bonus code NEWBONUS can be used during registration, but does not change the offer amount of the offer. 18+ begambleaware.org

Bet at bet365

Nangungunang Mga Site sa Pagtaya

special-offer-1Betting offers

Paparating na Kaganapan