NBA
  • Home
  • Basketball
  • NBA

Denver Nuggets at Phoenix Suns Game 2 Prediksyon at Tips - Suns Inaasahang Manalo Ulit

  • Mga tips sa Denver Nuggets at Phoenix Suns Game 2 para sa Miyerkules, Hunyo 9
  • Ang Nuggets-Suns Game 2 ay gaganapin 02:30 BST (Huwebes) sa Phoenix Suns Arena sa Phoenix, AZ
  • Nanalo ang Phoenix 122-105 sa Game 1
  • Target ng Suns ang 2-0 lead sa serye bago tumungo sa Denver
  • Mga preview, prediksyon, istatistika at balita tungkol sa dalawang koponan
Denver Nuggets at Phoenix Suns Game 2 Prediksyon at Tips
Target ng Suns ang 2-0 na kalamangan kontra Nuggets (Getty Images)
Librengpusta Staff 09 Jun 2021
Share this article
success image

Denver Nuggets at Phoenix Suns Game 2 Prediksyon at Tips


Inaasahang magtala ng dalawang sunod na panalo ang Phoenix Suns laban sa Denver Nuggets sa kanilang Western Conference semifinal series Miyerkules ng gabi.

Sa pangunguna nina Chris Paul, Deandre Ayton at Devin Booker, nagtala ang Suns ng 122-105 na panalo sa kanilang home court sa Game 1. 

Muling inaasahan na maging inspirasyon si Paul sa kanyang koponan matapos ang kanyang magandang ipinakita sa opener kahit na may iniindang injury sa balikat na natamo pa niya sa kanilang first-round na serye laban sa defending champion Los Angeles Lakers.

Determinado ang Suns na makakuha ng 2-0 lead sa best-of-seven serye bago sila magtungo sa Denver para sa Game 3 at Game 4. 

  • Nagwagi ang Suns sa Game 1 122-105
  • Ang Suns ay mayroong 4 na manlalaro na nakakuha ng 20+ puntos sa Game 1
  • Si Booker ay nag-aaverage na 28.4 puntos bawat laro sa playoffs
  • Si Ayton ay nag-aaverage ng 10.6 rebounds bawat laro sa playoffs
  • Si Paul ay nakapagtala ng double double sa 3 sa 4 na laro laban sa Denver ngayong season
  • Ang Suns ay kasalukuyang may 17-2 run sa kanilang home court
  • Si Nikola Jokic ng Nuggets ay pinangalanang NBA MVP ngayong season

Head-to-Head


Ito ang unang pagkikita ng Suns at Nuggets sa playoffs simula noong 1980s kung saan tatlong beses silang nagtapat.

Tinalo ng Suns ang Nuggets 2-1 sa first round noong 1982 ngunit bumawi ang Denver sa parehong kartada sa sumunod na season.

Muling nagkita ang dalawang koponan sa first round ng 1989 playoffs na winalis ng Suns 3-0 sa pangunguna nina Tom Chambers, Eddie Johnson at Kevin Johnson. 

Tatlong beses nagharap ang Suns at Nuggets sa 2020-21 regular season kung saan nanalo ang Denver ng dalawang beses.  

  • Nangunguna ang Suns sa all-time series na 105-87
  • Nangunguna ang Suns sa all-time playoff series 7-3

Denver Nuggets Form at Team News


Nagtala si Jokic ng 22 points at 9 rebounds para pangunahan ang Nuggets sa Game 1. Nag-ambag naman si Aaron Gordon ng 18 points habang naglista si Michael Porter ng 15 points.

Maganda rin ang nilaro nina Facundo Campazzo (14 points) at JaMychal Green (10 points, 11 rebounds)

Bagama’t nabigo sa Game 1, inspirado naman ang Nuggets sa larong ito matapos pangalanan si Jokic bilang MVP ng liga ngayong season.

Mismong si NBA commissioner Adam Silver ang nag-anunsyo ng balita sa isang video na pinalabas habang nagpupulong ang Nuggets sa kanilang hotel.

Si Jokic ay nag-average ng 26.4 points, 10.8 rebounds at 8.3 assists sa regular season. Siya ang ika-anim na international player na hinirang bilang MVP at ang pinakamababang draft pick na nakakuha ng prestisyosong parangal.

Hindi sigurado kung makakapaglaro si Porter (back) sa Game 2 habang wala naman sina PJ Dozier (thigh), Will Barton (hamstring) at Jamal Murray (Achilles). 

Phoenix Suns Form at Team News


Lumamang ang Nuggets sa malaking bahagi ng first half sa Game 1 bago rumatsada ang Suns sa third quarter para kontrolin ang laro.

Kapwa nagtala ng double doubles sina Paul (21 points, 11 assists) at Ayton (20 points, 10 rebounds) habang nanguna sa scoring si Mikal Bridges na may 23 points.

Nagparamdam rin si Booker, na nagtapos ng 21 points at 8 assists habang nag-ambag ng 14 points si Jae Crowder para tulungan ang Suns na makuha ang kanilang ika-17 na panalo sa kanilang huling 19 na laro sa kanilang home court.

Tanging si Abdel Nader (knee) ang nakalista sa injury report ng Suns.

Denver Nuggets at Phoenix Suns Game 2 FAQs

Saan ko mapapanood ang live stream ng Game 2 ng Denver Nuggets at Phoenix Suns?

Ipinapakita ng aming live streaming calendar kung saan mapapanood ang live stream ng Game 2 ng Denver Nuggets at Phoenix Suns.

US

Hatol

Inaasahan namin na maging dikit ang serye ngunit di kami magtataka kung makakuha ang Suns ng 2-0 na kalamangan.

Mahusay ang nilalaro ng Suns sa kanilang home court at inaasahan namin na muling pangunahan nina Chris Paul, Devin Booker at Deandre Ayton ang koponan sa isa na namang panalo.

Best Bet: Phoenix -6.0 Spread @-111.11 at BetMGM - 2 Units

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events