NBA
  • Home
  • Basketball
  • NBA

Golden State Warriors @ Boston Celtics Tips - Celtics babawi sa Game 3

  • Mga tip sa Golden State Warriors @ Boston Celtics sa NBA Finals sa Miyerkules (Huwebes 02:00 BST/09:00 Manila Time)
  • Ang Game 3 ay gaganapin sa TD Garden
  • Tinambakan ng Warriors ang Celtics 107-88 sa Game 2 para itabla ang best-of-7 series
  • Umiskor si Stephen Curry ng 29 puntos para pangunahan ang Golden State sa Game 2
TD Garden
Magaganap ang Game 3 ng NBA finals sa pagitan ng Warriors at Celtics sa TD Garden sa Miyerkules (Winslow Townson/Getty Images)
Librengpusta Staff 07 Jun 2022
Share this article
success image
Magaganap ang Game 3 ng NBA finals sa pagitan ng Golden State Warriors at Boston Celtics sa Miyerkules (Huwebes 02:00 BST/09:00 Manila Time).

Tinambakan ng Warriors ang Celtics 107-88 sa Game 2 noong Linggo para itabla ang best-of-seven series 1-1.

Umiskor si Stephen Curry ng 29 puntos para pangunahan ang Golden State matapos nilang matalo 120-108 sa Game 1. Nagparamdam din ang ibang Warriors sa pangunguna ni Jordan Poole, na nagtala ng 17 puntos mula sa bench. Nagdagdag si Kevon Looney ng 12 puntos at 7 rebounds habang kapwa nagtala ng 11 puntos sina Klay Thompson at Andrew Wiggins. Pinutol ng Warriors ang two-game winning streak ng Celtics. 

Si Jayson Tatum ang nanguna para sa Celtics sa kanyang 28 puntos. Nagdagdag si Jaylen Brown ng 17 puntos habang naglista si Derrick White ng 12 puntos. Nallimitahan naman si veteran big man Al Horford sa 2 puntos matapos niyang magtapos ng 26 puntos sa Game 1. Tahimik din si Marcus Smart, na umiskor lamang ng 2 puntos matapos magbuslo ng 18 sa opening game.

Tulad ng Game 1 ay dinomina ng Warriors ang third quarter ng Game 2 ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na nila hinayaang makahabol ang Celtics sa fourth quarter. Lumamang lang ang Boston ng dalawang puntos sa half-time bago nila tinambakan ang kanilang kalaban 35-14 sa third period.

Umaasa ang mga fans ng Celtics ng mas magandang laro mula sa kanilang koponan sa paglipat ng serye sa Boston para sa Game 3 at Game 4.

Mas maganda ang nilaro ni Tatum sa Game 2 matapos niyang malimitahan sa 12 puntos sa opening game ng serye.

Determinado naman ang Warriors na makakuha ng panalo sa Boston tulad ng kanilang ginawa noong regular season. Muling pangungunahan ni Curry ang Golden State matapos niyang mag-average ng 31.5 puntos sa unang dalawang laro ng finals. 
GB

Verdict

Sa paglipat ng serye sa Boston ay inaasahan namin ang mas magandang laro mula sa Celtics at hula namin na tatalunin nila ang Warriors sa Game 3.

Best Bet: Celtics To Win @8/13 at bet365 - 1 Unit
Celtics
To Win
@8/13 - 1 Unit
Bet £10 Get £50
Bonus Code NEWBONUS

Use the bet365 Bonus Code NEWBONUS. Bet £10 & Get £50 in Free Bets for new customers at bet365. Min deposit requirement. Free Bets are paid as Bet Credits and are available for use upon settlement of bets to value of qualifying deposit. Min odds, bet and payment method exclusions apply. Returns exclude Bet Credits stake. Time limits and T&Cs apply. The bonus code NEWBONUS can be used during registration, but does not change the offer amount of the offer. 18+ begambleaware.org

Bet at bet365

Nangungunang Mga Site sa Pagtaya

special-offer-1Betting offers

Paparating na Kaganapan