NBA
  • Home
  • Basketball
  • NBA

Golden State Warriors @ Boston Celtics Tips - Celtics babawi sa Game 6

  • Mga tip sa Golden State Warriors @ Boston Celtics sa NBA Finals sa Huwebes (02:00 BST/09:00 Manila Time)
  • Ang Game 6 ay gaganapin sa TD Garden
  • Lamang ang Warriors 3-2 sa best-of-7 series
  • Nanalo ang Golden State 104-94 sa Game 5
td garden
Babalik sa TD Garden ang NBA finals sa pagitan ng Warriors at Celtics para sa Game 6. (Elsa/Getty Images)
Librengpusta Staff 15 Jun 2022
Share this article
success image
Isang panalo na lang at tatanghalin nang kampeon ang Golden State Warriors sa NBA ngayong season.

Tatangkain ng koponan ni Steve Kerr na makuha ang panalong ito sa kanilang pagdayo sa Boston sa Huwebes (Biyernes 02:00 BST/09:00 Manila Time).

Nakakuha ng 3-2 kalamangan ang Warriors sa best-of-seven series matapos nilang talunin ang Celtics 104-94 sa San Francisco noong Lunes.

Nagbida si Andrew Wiggins matapos niyang magtala ng 26 puntos at 13 rebounds. Nagdagdag si Klay Thompson ng 21 puntos habang nag-ambag si Stephen Curry ng 16 puntos at 8 assists.

Sina Gary Payton II (15 puntos) at Jordan Poole (14 puntos) ang nanguna sa Golden State reserves. 

Nanguna para sa Boston si Jayson Tatum matapos niyang magtala ng 27 puntos at 10 rebounds. Nagdagdag si Marcus Smart ng 20 puntos habang naglista si Jaylen Brown ng 18 puntos at 9 rebounds.

Nagparamdam naman si big man Robert Williams matapos niyang magtala ng 10 puntos at 8 rebounds.

Ito ang unang beses na natalo ang Boston ng dalawang magkasunod na laro ngayong postseason. 

Nalimitahan ng Celtics si Curry sa 0-of-9 shooting sa three-point territory sa Game 5 matapos niyang umiskor ng 43 puntos sa Game 4. Nag-aaverage ng 30.6 puntos kada laro ang two-time league MVP sa finals. 

Ito ang nais muling gawin ng koponan ni Ime Udoka sa Game 6 kung gusto nilang magpuwersa ng Game 7 pabalik sa San Francisco.

Ngunit kailangan din nilang ingatan ang bola matapos nilang magtamo ng 18 turnovers sa kanilang huling laro.
GB

Verdict

Kahit na nasa Warriors ang momentum ay bihirang matalo ng tatlong magkasunod ang Celtics kaya inaasahan namin silang bumawi sa Game 6 at magpuwersa ng isang do-or-die game pabalik sa San Francisco.

Best Bet: Celtics To Win @3/5 at bet365 - 1 Unit
Celtics
To Win
@3/5 - 1 Unit
Bet £10 Get £50
Bonus Code NEWBONUS

Use the bet365 Bonus Code NEWBONUS. Bet £10 & Get £50 in Free Bets for new customers at bet365. Min deposit requirement. Free Bets are paid as Bet Credits and are available for use upon settlement of bets to value of qualifying deposit. Min odds, bet and payment method exclusions apply. Returns exclude Bet Credits stake. Time limits and T&Cs apply. The bonus code NEWBONUS can be used during registration, but does not change the offer amount of the offer. 18+ begambleaware.org

Bet at bet365

Nangungunang Mga Site sa Pagtaya

special-offer-1Betting offers

Paparating na Kaganapan