NBA
  • Home
  • Basketball
  • NBA

Indiana Pacers at Washington Wizards Prediksyon at Tips - Beal at Westbrook Inaasahang Umariba Kontra Pacers

  • Mga tips sa Indiana Pacers at Washington Wizards para sa Huwebes
  • Ang Pacers-Wizards play-in game ay magaganap 01:00 BST (Biyernes) sa Capital One Arena sa Washington, DC
  • Ang Washington ay 3-0 laban sa Indiana ngayong season
  • Westbrook at Beal inaasahang pangunahan ang Wizards sa playoffs
  • Mga preview, prediksyon, istatistika at balita tungkol sa dalawang koponan
Indiana Pacers at Washington Wizards Predictions & Tips
Paglalabanan ng Wizards at Pacers ang natitirang playoff spot sa Eastern Conference (Getty Images)
Librengpusta Staff 20 May 2021
Share this article
success image


Indiana Pacers at Washington Wizards Prediksyon at Tips


Malaki ang tsansa na makuha ng Washington Wizards ang natitirang playoff spot sa Eastern Conference sa kanilang home court Huwebes ng gabi kontra Indiana Pacers. 

Ito ay dahil napanalunan ng Wizards ang lahat ng kanilang tatlong laro laban sa Pacers sa regular season. Inaasahan na muling pangunahan ng All-Stars na sina Russell Westbrook at Bradley Beal ang koponan na makuha ang No. 8 seed sa East sa darating na playoffs.

  • Ang Wizards ay 3-0 laban sa Pacers ngayong season
  • Ang Wizards ay nakapagtala ng hindi bababa sa 132 puntos sa lahat ng 3 laro kontra Pacers
  • Ang Wizards ay nag-average ng 139.7 points laban sa Pacers
  • Si Westbrook ay nagtala ng triple double sa lahat ng 3 laro kontra Indiana
  • Si Beal ay umiskor ng 50 points laban sa Indiana noong Mayo 8

Head-to-Head


  • Nangunguna ang Pacers sa kanilang all-time series laban sa Wizards 105-84
  • Ang Wizards ay 3-0 laban sa Pacers sa regular season

Indiana Pacers Form at Balita sa Koponan


Umabante ang ninth-seeded Pacers sa play-in tournament matapos nitong lampasuhin ang No. 10 Charlotte Hornets 144-117 Martes ng gabi sa Bankers Life Fieldhouse. 

Walong Pacers ang nagtala ng double digits sa pangunguna nila Oshae Brissett (23 points) at Doug McDermott (21 points). Nagparamdam rin si big man Domantas Sabonis, na nagtala ng 14 points, 21 rebounds and nine assists. Tinapos ng panalong ito ang franchise-worst nine-game losing streak ng Indiana sa postseason. 

Ang Pacers ay 0-3 laban sa Wizards ngayong season kaya inaasahan ni head coach Nate Bjorkgren na muling magpakitang gilas ang kanyang koponan para maka-abante sila sa playoffs sa ika-anim na sunod na season. 

Hindi naglaro si Caris LeVert (COVID-19 protocols) laban sa Hornets at siya ay kasalukuyang nakalista sa injury report bilang day-to-day kasama si Malcolm Brogdon (hamstring). 

Hindi naman maglalaro sina Myles Turner (toe), Jeremy Lamb (knee) at TJ Warren (foot).


Washington Wizards Form at Balita sa Koponan


Ang Wizards ay may isa pang pagkakataon na makapasok sa playoffs matapos matalo sa Boston 118-100 noong Martes.

Umiskor si Beal ng 22 points habang si Westbrook naman ay nagtala ng 20 points at 14 rebounds para pangunahan ang koponan. 

Ang Wizards ay nagtala ng 9-1 record sa kanilang huling 10 laro sa Capital One Center kaya determinado silang tapusin na ang season ng Pacers at umabante sa Round 1 ng playoffs kung saan nag-aantay na ang top seed Philadelphia 76ers. 

Walang bagong pangalan ang nadagdag sa injury list ng Washington at tanging sina Thomas Bryant (knee) at Deni Avdija (ankle) ang hindi maglalaro kontra Pacers.

Indiana Pacers sa Washington Wizards FAQs

Saan ko mapapanood ang Indiana Pacers sa Washington Wizards live stream?

Tingnan ang aming live streaming calendar para makita kung saan ka makakapanood ng Indiana Pacers at Washington Wizards live streaming.

US

Hatol

Pinahirapan nina Russell Westbrook at Bradley Beal ang Pacers buong season at hindi ito inaasahang magbago sa larong ito lalo na at maganda ang pinapakita ng Wizards sa kanilang home court sa kasalukuyan.

Best Bet: Washington -3.5 Spread @-111.11 at BetMGM - 2 Units

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events