NBA
  • Home
  • Basketball
  • NBA

Kasaysayan at Mga Naging Kampeon ng NBA

  • Isang patnubay sa lahat ng kampeon at runner-up teams sa NBA 
  • Ang NBA ang pinakasikat na liga ng basketball sa buong mundo
  • Alaman ang tungkol sa kasaysayan ng NBA
  • Kilalanin ang lahat ng mga koponan na nagkampeon sa NBA
Kasaysayan ng NBA at Mga Naging Kampeon
Ang Larry O'Brien championship trophy ay iginawad sa mga kampeon sa NBA (Getty Images)
Librengpusta Staff 24 May 2021
Share this article
success image

Ang NBA ang pinakasikat at pinakaprestisyosong professional basketball league sa buong mundo. Ang ligang ito ay binubuo ng 30 koponan na nahahati sa Eastern at Western conferences.

Ang bawat koponan ay maglalaro ng 82 beses sa regular season at ang nangungunang walong koponan sa Eastern at Western conferences pagkatapos ng season ay aabante sa playoffs. 

Simula noong 2020-21 season, ang No. 7, No. 8, No. 9 at No. 10 seeds sa bawat conference ay maglalaro sa play-in tournament. Ang mananalo sa pagitan ng No. 7 at No. 8 team ay aabante sa playoffs bilang seventh seeds habang ang natalo ay makakalaban ang sino mang mananalo sa pagitan ng No. 9 at No. 10 seeds para sa huling playoff berth.

Sa first round ng playoffs, magtatapat ang No. 1 at No. 8, No. 2 at No. 7, No. 3 at No. 6, at No. 4 at No. 5 seeds sa bawat conference sa best-of-seven series. Ang mga mananalo sa serye ay aabante sa second round o conference semifinals kung saan maglalaban ulit ang mga koponan sa isang best-of-seven series. Ang mga mananalo sa conference semifinals ay magtutuos sa best-of-seven conference finals. Ang mga magwawagi naman sa conference finals ay aabante sa best-of-seven NBA Finals para madetermina ang kampeon ng liga.

Ang Boston Celtics at Los Angeles Lakers ang pinakamatagumpay na mga koponan sa NBA na kapwa may 17 na kampeonato. Ang Lakers din ang kasalukuyang kampeon ng liga matapos talunin ang Miami Heat sa finals noong nakaraang season.

NBA Champions at Runners-Up


Taon
Western Conference Champions 
Series
Eastern Conference Champions 
2020Los Angeles Lakers 4–2 Miami Heat
2019 Golden State Warriors 2–4 Toronto Raptors
2018 Golden State Warriors 4–0 Cleveland Cavaliers
2017 Golden State Warriors 4–1 Cleveland Cavaliers
2016 Golden State Warriors 3–4 Cleveland Cavaliers
2015 Golden State Warriors 4–2 Cleveland Cavaliers
2014 San Antonio Spurs 4–1 Miami Heat
2013 San Antonio Spurs 3–4 Miami Heat
2012 Oklahoma City Thunder 1-4 Miami Heat
2011 Dallas Mavericks 4–2 Miami Heat
2010 Los Angeles Lakers 4–3 Boston Celtics
2009 Los Angeles Lakers 4–1 Orlando Magic
2008 Los Angeles Lakers 2–4 Boston Celtics
2007 San Antonio Spurs 4–0 Cleveland Cavaliers
2006 Dallas Mavericks 2–4 Miami Heat
2005 San Antonio Spurs 4–3 Detroit Pistons
2004 Los Angeles Lakers 1-4 Detroit Pistons
2003 San Antonio Spurs 4–2 New Jersey Nets
2002 Los Angeles Lakers 4–0 New Jersey Nets
2001 Los Angeles Lakers 4–1 Philadelphia 76ers
2000 Los Angeles Lakers 4–2 Indiana Pacers
1999 San Antonio Spurs 4–1 New York Knicks
1998 Utah Jazz 2–4 Chicago Bulls
1997 Utah Jazz 2–4 Chicago Bulls
1996 Seattle SuperSonics 2–4 Chicago Bulls
1995Houston Rockets 4–0 Orlando Magic
1994Houston Rockets 4–3 New York Knicks
1993 Phoenix Suns 2–4 Chicago Bulls
1992 Portland Trail Blazers 2–4 Chicago Bulls
1991 Los Angeles Lakers 1-4 Chicago Bulls
1990 Portland Trail Blazers 1-4 Detroit Pistons
1989 Los Angeles Lakers 0–4 Detroit Pistons
1988 Los Angeles Lakers 4–3 Detroit Pistons
1987 Los Angeles Lakers 4–2 Boston Celtics
1986Houston Rockets 2–4 Boston Celtics
1985 Los Angeles Lakers 4–2 Boston Celtics
1984 Los Angeles Lakers 3–4 Boston Celtics
1983 Los Angeles Lakers 0–4 Philadelphia 76ers
1982 Los Angeles Lakers 4–2 Philadelphia 76ers
1981Houston Rockets 2–4 Boston Celtics
1980 Los Angeles Lakers 4–2 Philadelphia 76ers
1979 Seattle SuperSonics 4–1 Washington Bullets
1978 Seattle SuperSonics 3–4 Washington Bullets
1977 Portland Trail Blazers 4–2 Philadelphia 76ers
1976 Phoenix Suns 2–4 Boston Celtics
1975 Golden State Warriors 4–0 Washington Bullets
1974 Milwaukee Bucks 3–4 Boston Celtics
1973 Los Angeles Lakers 1-4 New York Knicks
1972 Los Angeles Lakers 4–1 New York Knicks
1971 Milwaukee Bucks 4–0 Baltimore Bullets
1970 Los Angeles Lakers 3–4 New York Knicks
1969 Los Angeles Lakers 3–4 Boston Celtics
1968 Los Angeles Lakers 2–4 Boston Celtics
1967 San Francisco Warriors 2–4 Philadelphia 76ers
1966 Los Angeles Lakers 3–4 Boston Celtics
1965 Los Angeles Lakers 1-4 Boston Celtics
1964 San Francisco Warriors 1-4 Boston Celtics
1963 Los Angeles Lakers 2–4 Boston Celtics
1962 Los Angeles Lakers 3–4 Boston Celtics
1961St. Louis Hawks 1-4 Boston Celtics
1960St. Louis Hawks 3–4 Boston Celtics
1959 Minneapolis Lakers 0–4 Boston Celtics
1958St. Louis Hawks 4–2 Boston Celtics
1957St. Louis Hawks 3–4 Boston Celtics
1956 Fort Wayne Pistons 1-4 Philadelphia Warriors
1955 Fort Wayne Pistons 3–4 Syracuse Nationals
1954 Minneapolis Lakers 4–3 Syracuse Nationals
1953 Minneapolis Lakers 4–1 New York Knicks
1952 Minneapolis Lakers 4–3 New York Knicks
1951 Rochester Royals 4–3 New York Knicks
1950 Minneapolis Lakers 4–2 Syracuse Nationals
1949 Minneapolis Lakers 4–2 Washington Capitols
1948 Baltimore Bullets 4–2 Philadelphia Warriors
1947 Chicago Stags 1-4 Philadelphia Warriors

Mga NBA Champions (ayon sa koponan)



Teams Championships Runners-up Total Nanalo na (mga) taon Natalo na (mga) taon
Boston Celtics 17 4 21 1957, 1959, 1960, 1961, 1962, 1963, 1964, 1965, 1966, 1968, 1969, 1974, 1976, 1981, 1984, 1986, 2008 1958, 1985, 1987, 2010
Los Angeles Lakers 17 15 32 1949, 1950, 1952, 1953, 1954, 1972, 1980, 1982, 1985, 1987, 2020 1988, 2000, 2001, 2002, 2009, 2010, 2020 1959, 1962, 1963, 1965, 1966, 1968, 1969, 1970, 1973, 1983, 1984, 1989, 1991, 2004, 2008
Golden State Warriors 6 5 11 1947, 1956, 1975, 2015, 2017, 2018 1948, 1964, 1967, 2016, 2019
Chicago Bulls 6 0 6 1991, 1992, 1993, 1996, 1997, 1998 -
San Antonio Spurs 5 1 6 1999, 2003, 2005, 2007, 2014 2013
Philadelphia 76ers 3 6 9 1955, 1967, 1983 1950, 1954, 1977, 1980, 1982, 2001
Detroit Pistons 3 4 7 1989, 1990, 2004 1955, 1956, 1988, 2005
Miami Heat 3 3 6 2006, 2012, 2013 2011, 2014, 2020
New York Knicks 2 6 8 1970, 1973 1951, 1952, 1953, 1972, 1994, 1999
Mga Rocket sa Houston 2 2 4 1994, 1995 1981, 1986
Cleveland Cavaliers 1 4 5 2016 2007, 2015, 2017, 2018
Atlanta Hawks 1 3 4 1958 1957, 1960, 1961
Washington Wizards 1 3 4 1978 1971, 1975, 1979
Oklahoma City Thunder 1 3 4 1979 1978, 1996, 2012
Portland Trail Blazers 1 2 3 1977 1990, 1992
Milwaukee Bucks 1 1 2 1971 1974
Dallas Mavericks 1 1 2 2011 2006
Baltimore Bullets 1 0 1 1948 -
Sacramento Kings 1 0 1 1951 -
Toronto Raptors 1 0 1 2019 -
Phoenix Suns 0 2 2 - 1976, 1993
Utah Jazz 0 2 2 - 1997, 1998
Brooklyn Nets 0 2 2 - 2002, 2003
Orlando Magic 0 2 2 - 1995, 2009
Chicago Stags 0 1 1 - 1947
Washington Capitols 0 1 1 - 1949
Indiana Pacers 0 1 1 - 2000
Charlotte Hornets - - - - -
Denver Nuggets - - - - -
Los Angeles Clippers - - - - -
Memphis Grizzlies - - - - -
Minnesota Timberwolves - - - - -
New Orleans Pelicans - - - -

Kasaysayan ng NBA


Itinatag noong 1946, ang unang season ng Basketball Association of America (BAA) ang kinikilala bilang kauna-unahang season ng National Basketball Association (NBA). Ang unang laro ng NBA ay ginanap noong Nobyembre 1, 1946, sa Maple Leaf Gardens sa Toronto, Canada, sa pagitan ng Toronto Huskies at New York Knickerbockers. Si Ossie Schectman ng Knickerbockers naman ang umiskor ng kauna-unahang puntos sa liga.

Napanalunan ng Philadelphia Warriors, sa pangunguna ni Joe Falks at sa ilalim ni head coach Eddie Gottlieb, ang kauna-unahang kampeonato ng liga matapos nilang talunin ang Chicago Stags sa best-of-seven BAA finals. 

Unang ginamit ang pangalang NBA noong 1949-50 season matapos sumanib sa BAA ang mga natitirang koponan sa ka-kumpetensyang National Basketball League o NBL. 

Sa pangunguna ni George Mikan, dinomina ng Minneapolis Lakers ang liga simula 1949 hanggang sa gitnang bahagi ng 1950s kung saan nanalo ang koponan ng limang kampeonato sa ilalim ni head coach John Kundla.

Sinimulan naman ng Boston Celtics ang kanilang makasaysayang dynasty noong 1957 sa ilalim ni head coach Arnold 'Red' Auerbach at sa pangunguna nina Bill Russell at Bob Cousy. Nagwagi ang Celtics ng 11 na titulo sa pagitan ng 1957 at 1969 kabilang ang NBA-record na walong sunod na kampeonato mula 1959 hanggang 1966. Dekada 60s rin nagsimula ang rivalry ng Celtics at Lakers, na naka-base na sa Los Angeles. Nagkita ang dalawang koponan ng anim na beses sa finals kung saan nanaig ang Boston sa lahat ng pagkakataon.

Natapos ang Celtics dynasty noong 1970s bagama't nakadagdag pa sila ng dalawang kampeonato sa ilalim ni head coach Tom Heinsohn. Iba't ibang koponan ang naging kampeon sa dekadang iyon kabilang ang Milwaukee Bucks, New York Knicks at Golden State Warriors. Nakatikim din sa wakas ang Lakers ng kanilang unang kampeonato simula lumipat sa Los Angeles sa pangunguna nina Jerry West, Elgin Baylor at Wilt Chamberlain. Naghari rin ang Seattle SuperSonics, Portland Trail Blazers at Washington Bullets sa dekadang ito.

Noong 1980s naman ay muling nabuhay ang rivalry ng Lakers sa pangunguna nina Earvin 'Magic' Johnson at Kareem Abdul-Jabbar at Celtics na pinagbibidahan ni Larry Bird. Tatlong beses nagtapat ang dalawang koponan sa finals kung saan nanalo ang Lakers ng dalawang beses. Sa kabuuan, nagwagi ang Lakers ng limang kampeonato sa dekadang ito habang and Celtics ay humakot ng tatlo. Nagkampeon rin ang Philadelphia 76ers at Detroit Pistons noong 1980s.

Namayagpag naman ang Chicago Bulls sa ilalim ni head coach Phil Jackson noong 1990s sa pangunguna nina Michael Jordan at Scottie Pippen. Nagwagi ang Bulls ng anim na titulo sa dekadang ito kabilang ang dalawang three-peats. Nagtala rin ang Bulls ng NBA record na 72 na panalo noong 1995-96 regular season. Nagwagi naman ang Houston Rockets, sa pangunguna ni Hakeem Olajuwon, ng back-to-back na kampeonato noong panahong bahagyang nagretiro si Jordan. 

Dekada 2000s naman ng dominahin ng Lakers sa ilalim ni Jackson ang liga sa pangunguna nina Shaquille O'Neal at Kobe Bryant. Nakapagtala ang Lakers ng three-peat sa pagitan ng 2000 at 2002 at nagdagdag pa ng back-to-back titles noong 2009 at 2010. Di rin nagpahuli ang San Antonio Spurs, na nagwagi ng tatlong kampeonato sa dekadang ito sa pangunguna nina Tim Duncan at David Robinson.

Si LeBron James naman ang bumida noong 2010s ng pangunahan niya ang Miami Heat sa back-to-back titles noong 2012 at 2013. Bumalik si James sa Cleveland Cavaliers noong 2014 at giniya naman niya ang koponan sa kauna-unahan nitong NBA crown noong 2016. 

Nagpasiklab din ang Golden State Warriors, sa pangunguna nina Stephen Curry at Klay Thompson, na nag-kampeon noong 2015 at 2017 pati na rin noong 2018 ng nakatambal ng Splash Brothers si Kevin Durant. Nabasag rin ng Warriors ang 72-10 record ng 1996 Bulls noong 2015-16 season ngunit bigo silang manalo ng kampeonato. Nagtuos ang Warriors at Cavaliers ng apat na sunod na beses sa finals sa dekadang ito kung saan nagkampeon din ang Dallas Mavericks at Spurs.

Taong 2019 naman ng pataubin ng Toronto Raptors ang Warriors sa finals para maging kauna-unahang Canadian club na manalo ng NBA title.

Naantala naman ng COVID-19 pandemic ang 2020 season kung saan nagkampeon ang Lakers sa pangunguna ni James, na nanalo ng titulo sa kanyang pangatlong koponan.

Mga FAQs tungkol sa NBA Champions

Sino ang nanalo ng pinakamaraming NBA Championship?

Ang Boston Celtics at Los Angeles Lakers ang pinakamatagumpay na koponan sa NBA na kapwa may 17 championships.

Paano nadetetermina ang kampeon sa NBA?

Ang NBA Finals ay isang best-of-seven series sa pagitan ng Eastern Conference at Western Conference champions. Ang panalo sa seryeng ito ang tatanghaling NBA champions.

Ano ang tawag sa NBA Championship trophy?

Ang mga kampeon sa NBA ay ginagawaran ng Larry O'Brien trophy.

US

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events