NBA
  • Home
  • Basketball
  • NBA

Los Angeles Clippers at Dallas Mavericks Game 6 Prediksyon at Tip - Clippers Pipilitin ang Game 7

  • Mga tips para sa Los Angeles Clippers at Dallas Mavericks Game 6 sa Biyernes
  • Gaganapin ang Clippers-Mavericks Game 6 02:00 BST (Sabado) sa American Airlines Center sa Dallas, TX
  • Nangunguna ang Dallas sa serye 3-2
  • Ang Clippers ay inaasahang bumawi sa Game 6  
  • Mga preview, prediksyon, istatistika at balita tungkol sa dalawang koponan
Los Angeles Clippers at Dallas Mavericks Game 6 Prediksyon at Tip
Magtutuos ang Clippers at Mavs sa Game 6 (Getty Images)
Librengpusta Staff 04 Jun 2021
Share this article
success image

Los Angeles Clippers at Dallas Mavericks Game 6 Prediksyon at Tip


Inaasahang makabawi ang Los Angeles Clippers laban sa Dallas Mavericks sa Game 6 ng kanilang first-round playoff series Biyernes ng gabi. 

Ang Clippers ay may 2-0 record sa home court ng Dallas sa seryeng ito at ang Mavericks ay masyadong umaasa kay Luka Doncic.

Maliban na lang kung mag-ambag ang ibang players ng Mavericks, inaasahan namin na maitabla ng Clippers ang serye at magpwersa ng winner-take-all Game 7 sa LA. 

  • Ang Clippers ay may 2-0 na kartada sa home court ng Dallas sa seryeng ito
  • Ang Clippers ay may 3-1 na record sa Dallas ngayong season
  • Ang Clippers ay pang-apat sa buong liga sa average points allowed per game ngayong season
  • Ang Mavericks ay labis na umasa kay Doncic para sa mga puntos sa nakaraang 5 laro
  • Bukod kay Doncic, 2 iba pang manlalaro ng Dallas ang nakapagtala ng 20+ na puntos sa mga laro.
  • 7 sa 8 na laro sa pagitan ng LA at Dallas ngayong season ay nauwi sa -218.5 total points

Head-to-Head


  • Nangunguna ang Mavericks sa all-time series 100-73
  • Nangunguna ang Clippers sa all-time playoff series 6-5

Los Angeles Clippers Form at Team News


Kailangan manalo ng Clippers sa dalawang sunod nilang laro para maka-abante sa sunod na round ng playoffs. 

Nakalasap ang Clippers ng magkasunod na kabiguan sa kanilang home court sa unang dalawang laro ng serye ngunit bumawi naman sila sa Game 3 at Game 4 sa Dallas para maitabla ang serye.

Ang beteranong All-Stars na sina Kawhi Leonard at Paul George ay nagsanib pwersa para pangunahan ang Clippers sa isang 118-108 na panalo sa Game 3. Umiskor si Leonard ng 36 points habang nag-ambag naman si George ng 29. 

Muling nagpasiklab si Leonard noong Game 4 kung saan nagtala siya ng 29 points at 10 rebounds para igiya ang Clippers sa 106-81 na panalo. 

Bigo naman ang Clippers na makausad sa serye matapos matalo sa Game 5 105-100 sa Staples Center. Nagtala si George ng 23 points at 10 rebounds habang kapwa nag-ambag sina Leonard at Reggie Jackson ng 20 ngunit hindi ito sapat para makakuha ng panalo. 


Dallas Mavericks Form at Team News


Isang panalo na lang at aabante na ang Mavericks sa second round ng playoffs sa unang pagkakataon simula pa noong 2010-11 season kung saan pinangunahan ni Dirk Nowitzki ang koponan sa kanilang kaisa-isang NBA championship. 

Ngunit hindi pa nananalo ang Dallas sa kanilang home court sa seryeng ito.

Sa pangunguna ni Doncic, nagwagi ang Mavericks sa LA noong Game 1 at Game 2.

Nagtala ang Slovenian superstar ng triple-double (31 points, 10 rebounds at 11 assists) para pangunahan ang Mavericks sa isang 113-103 na panalo sa Game 1. 

Sinundan naman niya ito ng 39 points noong Game 2 kung saan nagtala sila ng 127-121 na tagumpay. Nagdagdag naman si Tim Hardaway ng 28 points sa naturang laro. 

Hindi naman napigilan si Doncic noong Game 3 matapos itong magtala ng 44 points at 9 rebounds ngunit nabigo ang Mavericks sa kanilang home court.

Nalimitihan naman siya sa 19 points sa Game 4 kung saan nakakuha ang Clippers ng komportableng panalo para maitabla ang serye. 

Bumawi naman si Doncic sa Game 5 sa kabila ng problema sa leeg para pangunahan ang Mavericks sa importanteng panalo sa Staples Center. Nagtapos siya ng 42 points, 14 assists at 8 rebounds.

Maganda ang nilalaro ni Doncic (35 points per game) sa seryeng ito ngunit kailangan rin mag-ambag ang ibang players ng Dallas para tuluyan ng tapusin ang Clippers sa seryeng ito. 

Nakalista si Doncic bilang day-to-day ngunit inaasahan naman siyang maglaro habang wala pa rin si JJ Redick (heel).

Los Angeles Clippers at Dallas Mavericks Game 6 FAQs

Saan ko mapapanood ang live stream ng Game 6 ng Los Angeles Clippers at Dallas Mavericks?

Ipinapakita sa iyo ng aming live streaming calendar kung saan mapapanood ang live stream ng Game 6 ng Los Angeles Clippers at Dallas Mavericks.

US

Hatol

Maganda ang nilalaro ni Luka Doncic sa seryeng ito ngunit wala siya halos tulong na nakukuha sa kanyang mga kakampi. 

Kung madepensahan siya sa larong ito ay inaasahan namin na magwagi ang Clippers para pwersahin ang isang Game 7 pabalik sa LA. 

Best Bet: LA Clippers -2.5 Spread @-111.11 at BetMGM - 2 Units
Value Bet: LA Clippers & -218.5 Moneyline & Total Points @182.00 at PlaySugarhouse Sport - 2 Units

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events