NBA
  • Home
  • Basketball
  • NBA

Los Angeles Clippers at Phoenix Suns Game 2 Prediksyon at Tips - Suns Dodoblehin ang lamang

  • Mga tips sa Los Angeles Clippers at Phoenix Suns Game 2 sa Martes
  • Ang Clippers-Suns ay gaganapin 02:00 BST (Miyerkules) sa Phoenix Suns Arena sa Phoenix, AZ
  • Nagwagi ang Phoenix sa Game 1
  • Inaasahang makakuha ang Suns ng 2-0 na kalamangan sa serye
  • Mga preview, prediksyon, istatistika at balita tungkol sa dalawang koponan
Los Angeles Clippers at Phoenix Suns Game 2 Prediksyon at Tips
Target ng Suns ang 2-0 na kalamagan sa serye (Getty Images)
Librengpusta Staff 22 Jun 2021
Share this article
success image

Los Angeles Clippers at Phoenix Suns Game 2 Prediksyon at Tips


Maaaring makakuha ng 2-0 kalamangan ang Phoenix Suns sa Los Angeles Clippers sa Western Conference finals.

Nanalo ang Suns sa kanilang huling walong laro at nagwagi sa 19 sa kanilang huling 21 na laro sa kanilang home court.

Nasakop rin ng Phoenix ang -5.5 point spread sa lahat ng kanilang mga laro sa yugtong ito at inaasahan naming magpatuloy ito. 

  • Ang Suns ay nanalo ng 8 na sunod na laro
  • Saklaw ng Phoenix Suns ang -5.5 point spread sa lahat ng 8 na mga panalo
  • Ang Suns ay may 19-2 run sa kanilang home court
  • Ang Suns ay 5-1 sa kanilang home court sa playoffs ngayong season
  • Si Devin Booker ng Suns ay nag-aaverage ng 29 puntos bawat laro sa playoffs
  • Natalo ang Clippers sa Game 1 sa Round 1 at Round 2
  • Maaaring hindi ulit maglalaro si Kawhi Leonard para sa Clippers

Head-to-Head


  • Nangunguna ang Suns sa all-time series 138-97
  • Nangunguna ang Suns sa all-time playoff series 5-3

Los Angeles Clippers Form at Team News


Tulad ng kapalaran nila sa unang dalawang round ng playoffs ay bigong makakhua ng panalo ang Clippers sa Game 1. 

Umiskor si Paul George ng 34 points at nagdagdag si Reggie Jackson ng 24 ngunit hindi ito sapat para pigilan ang Suns sa pagtala ng isang 120-114 na panalo. 

Wala sila halos nakuhang suporta sa kanilang mga kakampi at si back-up big man DeMarcus Cousins lang ang LA player na umiskor ng double digits bukod kina George at Jackson.

Umaasa si head coach Tyronn Lue ng mas magandang kontribusyon kina Nicolas Batum, Terance Mann at Luke Kennard. Ang masamang balita sa Clippers ay hindi sigurado kung makakapaglaro si Marcus Morris matapos siyang magtamo ng injury sa tuhod sa Game 1. Nauna ng nawala sa Clippers ang kanilang top scorer na si Kawhi Leonard sa kanilang serye laban sa Utah Jazz. Muling hindi maglalaro si Leonard sa larong ito at hindi sigurado kung makakabalik siya sa serye.

Phoenix Suns Form at Team News


Pinagpatuloy naman ng Suns ang kanilang impresibong porma sa Game 1 matapos nilang ma-sweep ang Denver Nuggets sa conference semifinals.

Pinangunahan ni Devin Booker ang Phoenix sa kanyang triple double 40 points, 13 rebounds at 11 assists. Nakakuha siya ng suporta kina Deandre Ayton (20 points, 9 rebounds), Mikal Bridges (14 points) at Jae Crowder (13 points). 

Maganda rin ang nilaro nina Cameron Payne (11 points, 9 assists) at substitute Cameron Johnson (12 points) para punan ang pagkawala ni Chris Paul. Hindi naglaro ang beteranong All-Star guard dahil sa COVID-19 protocol at hindi sigurado kung makakabalik siya sa Game 2.

Los Angeles Clippers at Phoenix Suns Game 2 FAQs

Saan ko mapapanood ang live stream ng Los Angeles Clippers at Phoenix Suns Game 2?

Suriin ang aming live streaming na kalendaryo upang makita kung saan manonood ang live na stream ng Los Angeles Clippers at Phoenix Suns Game 2.

US

Hatol

Maganda ang panimula ng Suns sa serye at inaasahan namin na maulit ito sa Game 2 sa pangunguna ni Devin Booker. 

Inaasahan namin na muling magwagi ang Suns at makakuha ng 2-0 na kalamangan sa serye.

Best Bet: Phoenix -5.5 Spread @-125.00 at BetMGM - 2 Units

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events