NBA
  • Home
  • Basketball
  • NBA

Los Angeles Clippers at Utah Jazz Game 1 Prediksyon at Tips - Jazz Inaasahang Magwagi sa Home Court

  • Mga tips para sa Los Angeles Clippers at Utah Jazz Game 1 para sa Martes, Hunyo 8
  • Ang Clippers-Jazz Game 1 ay magaganap 03:00 BST (Miyerkules) sa Vivint Arena sa Salt Lake City, Utah 
  • Nagwagi ang Utah sa regular season series 2-1
  • Inaasahang manalo ang Jazz sa kanilang home court
  • Mga preview, prediksyon, istatistika at balita tungkol sa dalawang koponan
Los Angeles Clippers at Utah Jazz Game 1 Prediksyon at Tips
Uumpisahan na ng Clippers at Jazz ang kanilang playoff duel (Getty Images)
Librengpusta Staff 08 Jun 2021
Share this article
success image

Los Angeles Clippers sa Utah Jazz Game 1 Prediksyon at Tips


Nakapagpahinga ng halos isang linggo ang Utah Jazz bago ang kanilang conference semifinal playoff series laban sa Los Angeles Clippers kaya inaasahan silang manalo sa Game 1 Martes ng gabi.

Ang Jazz ay huling naglaro noong Miyerkules kung saan tinalo nila ang Memphis Grizzlies para selyohan ang kanilang best-of-seven series 4-1. 

Samantala, wala naman halos pahinga ang Clippers na kinailangan ang Game 7 para dispatsahin ang Dallas Mavericks sa first round. 

Bukod sa may sapat na pahinga, maganda rin ang nilalaro ng Jazz sa kanilang home court kaya inaasahan silang magwagi sa Game 1.

  • Ang Jazz ang may pinakamahusay na home record sa regular season (31-5)
  • Tinalo ng Jazz ang Clippers sa Utah sa regular season
  • Napanalunan ng Jazz ang kanilang huling 6 na home games kontra Clippers
  • Ang Jazz ay huling naglaro noong Miyerkules
  • Ang Jazz ay umiskor ng 120+ sa lahat ng kanilang 4 na panalo laban sa Grizzlies sa first round
  • Ang Donovan Mitchell ng Jazz ay nag-average ng 28.5 puntos bawat laro mula nang makabalik sa injury
  • Ang Rudy Gobert ng Jazz ay nag-aaverage ng 13 rebounds bawat laro sa playoffs ngayong season
  • Kinailangan ng Clippers ng Game 7 para talunin ang Mavericks sa first round
  • Ang Clippers ay hindi pa nananalo sa Utah simula noong Pebrero 2017

Head-to-Head


Tatlong beses na nagkaharap ang Jazz at Clippers sa kasaysayan ng playoffs at napanalunan ng Utah ang lahat ng ito. 

Tinalo ng Jazz ang Clippers 3-2 sa first round ng 1992 playoffs at winalis naman nila ang LA 3-0 sa first round ng 1997 postseason. Muling nagkita ang dalawang koponan sa 2017 playoffs kung saan muling nanaig ang Jazz 4-3. 

  • Nangunguna ang Jazz sa all-time series 119-86
  • Nangunguna ang Jazz sa all-time playoff series 10-5

Los Angeles Clippers Form at Team News


Nasubukan ng husto ang Clippers sa first round kontra sa Mavericks. Nakalasap ang koponan ni Tyronn Lue ng dalawang sunod na pagkatalo sa kanilang home court bago bumawi sa Game 3 at Game 4 sa Dallas para maitabla ang serye. 

Nagtala si Kawhi Leonard ng 37 points at 8 rebounds habang nag-ambag si Paul George ng 29 para pangunahan ang Clippers sa isang 118-108 na panalo sa Game 3.

Muling bumida si Leonard sa Game 4 matapos maglista ng 29 puntos at 10 rebounds para igiya ang Clippers sa isang komportableng 106-81 na tagumpay.

Bumalik ang serye sa Staples Center para sa Game 5 ngunit muling nabigo ang Clippers sa kanilang home court 105-100. 

Nagpasiklab naman si Leonard ng 45 points sa Game 6 para pangunahan ang Clippers sa 104-97 na panalo sa Dallas para maitabla ang serye at pwersahin ang isang Game 7 pabalik sa LA. 

Sa pagkakataong ito ay hindi na binigo ng Clippers ang kanilang mga tagahanga dahil nakapagtala sila ng 126-111 na panalo para selyohan ang serye. Nagtapos si Leonard ng 28 points, 10 rebounds at 9 assists sa naturang laro kung saan umiskor naman ng 46 points si Luka Doncic para sa Mavericks.

Muling magtatambal ang beteranong All-Stars na sina Leonard at George para pangunahan ang Clippers sa seryeng ito. Makakakuha naman sila ng suporta kina Reggie Jackson, Marcus Morris at Nicolas Batum.

Tanging si Serge Ibaka (back) ang hindi siguradong maglalaro sa Clippers sa Game 1.

Utah Jazz Form at Team News


Kung nahirapan ang Clippers sa first round, naging madali naman sa Jazz ang pagdispatsa sa Memphis Grizzlies. 

Bagama't nasilat ng Grizzlies ang top-ranked Jazz sa Game 1 112-109, winalis naman ng top seeds ang sumunod na apat na laro ng serye sa pangunguna ni Mitchell. 

Matapos hindi makapaglaro sa Game 1 dahil sa ankle injury, nagbuhos si Mitchell ng 25 points para pangunahan ang Jazz sa isang 141-129 na panalo sa Game 2. Nagtala rin sina Gobert (21 points, 13 rebounds) at Mike Conley (20 points, 15 assists) ng double doubles para masapawan ng Utah ang 47 points ni Ja Morant. 

Muling bumida si Mitchell sa kanilang 121-111 na panalo sa Game 3 sa Memphis kung saan naglista siya ng 29 points. Nagtapos naman si Conley ng 27 points sa naturang laro.

Gumawa naman si Mitchell ng 30 points at 8 assists sa kanilang 120-113 na tagumpay sa Game 4.

Sa Game 5, nagsumite ang All-Star guard ng 30 points at 10 assists para pangunahan ang Jazz sa isang 126-110 na panalo at tuluyan ng wakasan ang kampanya ng Grizzlies ngayong season.

Muling inaasahan ni head coach Quin Snyder ang magandang laro mula kay Mitchell sa second round. Maganda rin ang ipinakita nina Conley, Gobert, Bojan Bogdanovic at Sixth Man of the Year Jordan Clarkson laban sa Grizzlies. 

Hindi nga lang sigurado kung makakapaglaro si Conley sa Game 1 matapos magtamo ang All-Star guard ng hamstring stain sa kanilang huling laro. 

Los Angeles Clippers at Utah Jazz Game 1 FAQs

Saan ko mapapanood ang live stream ng Game 1 ng Los Angeles Clippers at Utah Jazz?

Ipinapakita ng aming live streaming calendar kung saan mapapanood ang live stream ng Game 1 ng Los Angeles Clippers at Utah Jazz.

US

Hatol

Maganda ang nilalaro ng Jazz sa kanilang home court ngayong season at naipanalo nila ang kanilang huling 6 na laro laban sa Clippers doon.  

Maaaring mahirapan rin ang Clippers na pigilan sina Donovan Mitchell at Rudy Gobert lalo na at kagagaling lang nila sa isang mahirap na serye laban sa Dallas Mavericks. 

Best Bet: Utah -3.5 Spread @-111.11 at BetMGM - 2 Units

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events