NBA
  • Home
  • Basketball
  • NBA

Los Angeles Lakers at Phoenix Suns Game 5 Prediksyon at Tip - Suns llamado sa Lakers

  • Mga tips sa Los Angeles Lakers at Phoenix Suns para sa Martes
  • Ang Lakers-Suns Game 5 ay magaganap 03:00 BST (Miyerkules) sa Phoenix Suns Arena, sa Phoenix, Arizona
  • Tinabla ng Suns ang serye matapos manalo sa Game 4 kung saan nagtamo rin si Anthony Davis ng groin injury
  • Inaasahang manaig ang Suns kung hindi makakapaglaro si Davis sa Game 5
  • Mga preview, prediksyon, istatistika at balita tungkol sa dalawang koponan
Los Angeles Lakers at Phoenix Suns Game 5 Prediksyon at Tip
Ang Game 5 ay babalik sa Phoenix. (Getty Images)
Librengpusta Staff 01 Jun 2021
Share this article
success image

Los Angeles Lakers at Phoenix Suns Game 5 Prediksyon at Tip


Inaasahang samantalahin ng Phoenix Suns ang pagkawala ni Anthony Davis sa Game 5 ng kanilang first-round playoff duel laban sa Los Angeles Lakers Martes ng gabi.

Pinahirapan ni Davis ang Suns sa Game 2 at Game 3 ng best-of-seven na serye kung saan nagwagi ang Lakers. Ngunit nagtamo ang Lakers All-Star ng groin strain sa Game 4 na napanalunan naman ng Suns 100-92 sa Staples Center para maitabla ang serye sa 2-2.

Hindi inaasahang maglaro si Davis sa Game 5 at maaring samantalahin ito ng Suns sa pagbabalik ng serye sa Phoenix.

  • Ang Suns ay may 15-2 record sa kanilang huling 17 na laro sa Phoenix
  • Sinakop ng Suns ang -5.0 point spread sa lahat ng 4 na panalo nila laban sa Lakers ngayong season
  • Saklaw ng Suns ang -4.5 point spread sa 17 sa kanilang huling 20 na panalo sa home court
  • Ang Suns ay mayroong pangalawang pinakamahusay na home record sa NBA regular season
  • Pinangunahan ni Davis ang Lakers sa panalo sa Game 2 at Game 3
  • Hindi inaasahang maglaro si Davis sa Game 5 pagkatapos magtamo ng groin strain sa Game 4
  • Si Phoenix big man DeAndre Ayton ay nag-aaverage ng 13.5 rebounds bawat laro sa seryeng ito 

Head-to-Head


  • Nangunguna ang Lakers sa all-time series 186-135
  • Nangunguna ang Lakers sa all-time playoffs series 40-26

Los Angeles Lakers Form at Team News


Malaking dagok sa Lakers ang pagkawala ni Davis noong Game 4 dahil maganda ang inilaro nito sa kanilang panalo noong Game 2 at Game 3. 

Nagtala ang All-Star forward ng 34 points, 10 rebounds at seven assists sa kanilang 109-102 na panalo sa Game 2 na sinundan naman niya ng 34-point, 10-rebound na laro para pangunahan ang Lakers sa isang 109-95 na tagumpay sa Game 3.

Tahimik naman si Davis noong Game 1 at Game 4 kung saan kapwa nabigo ang kanyang koponan.

Si Davis ay kasalukuyang nakalista bilang day-to-day sa injury report kasama si Kentavious Caldwell-Pope, na hindi nakalaro noong Game 4 pagkatapos magtamo ng knee injury sa Game 3.

Inaasahan namang pangunahan ni LeBron James ang Lakers sa larong ito at makakatulong niya sina playmaker Dennis Schroder at big men Andre Drummond at Marc Gasol.

Phoenix Suns Form at Team News


Inspirado ang Suns na bumalik sa kanilang tahanan matapos ang kanilang tagumpay sa Game 4 para maitabla ang serye. 

Nanaig ang Suns 99-90 sa Game 1 sa pangunguna nina Devin Booker (34 points) at Ayton (21 points, 16 rebounds).

Muling nagpasiklab sina Booker (31 points) at Ayton (22 points, 10 rebounds) sa Game 2 ngunit bigo silang manalo sa kanilang home court. 

Natalo ulit ang Suns sa Game 3 sa LA kung saan nakausad ang Lakers sa serye. Nagtala si Ayton ng 21 points at 11 rebounds ngunit nalimitahan si Booker sa 19 points matapos ang 5-of-14 shooting. 

Muling inalat si Booker sa Game 4, ngunit nagpasiklab naman sina Chris Paul (18 points, 9 assists), Jae Crowder (17 points) at Ayton (14 points, 17 rebounds) para pangunahan ang Suns. 

Maganda ang nilaro ni Paul bagama't may iniinda itong injury sa balikat. Inaasahan siyang maglaro sa Game 5 habang si Abdel Nader (knee) ay hindi pa rin makakapaglaro. 

Los Angeles Lakers at Phoenix Suns Game 5 FAQs

Saan ko mapapanood ang live stream ng Game 5 ng Los Angeles Lakers at Phoenix Suns?

Ipinapakita sa iyo ng aming live streaming calendar kung saan mapapanood ang live stream ng Game 5 ng Los Angeles Lakers at Phoenix Suns.

US

Hatol

Malaking dagok ang pagkawala ni Anthony Davis para sa Lakers kaya inaasahan namin na samantalahin ito ng Suns para magwagi sa Game 5 at makausad sa serye. 

Best Bet: Phoenix -5.0 Spread @-111.11 at BetMGM - 2 Units
Value Bet: Ayton +11.5 & PHO -4.5 Deandre Ayton Rebounds & Spread @209.00 at PlaySugarhouse Sport - 2 Units

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events