NBA
  • Home
  • Basketball
  • NBA

Los Angeles Lakers at Phoenix Suns Prediksiyon at Tip - Suns Makukuha ang 2-0 lead sa serye

  • Mga tip para sa Los Angeles Lakers at Phoenix Suns para sa Martes
  • Ang Game 2 ng Lakers-Suns first-round playff series ay magaganap 03:00 BST (Miyerkules) sa Phoenix Suns Arena, sa Phoenix, Arizona
  • Nanalo ang Suns sa Game 1 noong Linggo ng gabi
  • Inaasahan ang Suns na manaig muli kontra Lakers
  • Mga preview, prediksyon, istatistika at balita tungkol sa dalawang koponan
Los Angeles Lakers at Phoenix Suns Prediksyon at Tip
Muling magtutuos ang Lakers at Suns sa Game 2 (Getty Images)
Librengpusta Staff 25 May 2021
Share this article
success image

Los Angeles Lakers at Phoenix Suns Prediksyon at Tip


Inaasahang makakuha ang Phoenix Suns ng 2-0 na kalamangan kontra sa Los Angeles Lakers sa pagpapatuloy ng kanilang Western Conference first-round playoff series sa Arizona Martes ng gabi

Nilimitahan ng Suns sina LeBron James at Anthony Davis sa opensa para makuha ang Game 1 sa Phoenix Suns Arena linggo ng gabi.  

Pinanghunahan naman nina Devin Booker at Deandre Ayton ang Suns sa Game 1 at inaasahan muli ang dalawang ito na magpasiklab sa Game 2.

  • Nagwagi ang Phoenix Suns sa Game 1 sa iskor na 99-90
  • Nanguna ang Phoenix Suns sa 42 ng 48 minuto sa Game 1
  • Ang Suns ay may 3-1 record kontra sa Lakers ngayong season
  • Ang Phoenix Suns ay 2-0 laban sa Lakers sa kanilang home court ngayong season

Head-to-Head


  • Nangunguna ang Lakers sa kanilang all-time series laban sa Suns 184-134
  • Ang Suns ay 3-1 laban sa Lakers ngayong season

Los Angeles Lakers Form at Team News


Nagwakas ang six-game winning streak ng Lakers matapos ang kanilang pagkatalo sa Suns sa Game 1. Ito ang ika-pitong pagkatalo ng Lakers sa kanilang huling 10 road games at pangatlong kabiguan laban sa Suns ngayong season.

Determinadong makabawi si James matapos malimitihan sa 18 points noong Game 1 habang si Davis ay nag-ambag lamang ng 13 points.

Parehong may mild injuries sina James (ankle) at Davis (shoulder) ngunit inaasahan silang maglaro sa Game 2.

Phoenix Suns Form at Team News


Napahaba ng Suns ang kanilang winning streak sa four games matapos magwagi sa Game 1. 

Umiskor si Booker ng game-high 34 points habang nagtala si Ayton ng 21 points at 16 rebounds para igiya ang No. 2 Suns sa kanilang unang panalo sa playoffs simula noong 2010. 

Sila ay may kasalukuyang 15-1 run sa Phoenix Suns Arena, kasama ang dalawang panalo kontra sa Lakers.

Ininda ni Chris Paul ang masakit na balikat noong Game 1 ngunit inaasahan naman siyang maglaro sa Game 2.

Si Abdel Nader (knee) ay mananatiling hindi makakapaglaro habang si Langston Galloway ay nakalista bilang day-to-day dahil sa mga personal na kadahilanan.

Los Angeles Lakers at Phoenix Suns FAQs

Saan ko mapapanood ang live stream ng Los Angeles Lakers sa Phoenix Suns?

Tingnan ang aming live streaming calendar para makita kung saan mo mapapanood ang Los Angeles Lakers at Phoenix Suns live stream.

US

Hatol

Maganda ang pinakita ng Suns sa Game 1 at inaasahan namin na mangyari ulit ito sa Game 2. Maganda rin ang nilalaro ng Suns sa kanilang home court kaya malaki ang tsansa na makakuha sila ng 2-0 lead bago lumipat ang serye sa LA. 

Best Bet: Phoenix +2.0 Spread @-111.11 at BetMGM - 2 Units
Value Bet: Phoenix +6.5 & -209.5 Spread & Total Points @161.00 at PlaySugarhouse Sport - 2 Units

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events