NBA
  • Home
  • Basketball
  • NBA

Memphis Grizzlies at Utah Jazz Game 5 Prediksyon at Tip - Jazz Tatapusin na ang Serye

  • Mga tips para sa Memphis Grizzlies at Utah Jazz Game 5 sa Miyerkules
  • Ang Grizzlies-Jazz Game 5 ay magaganap 02:30 BST (Huwebes) sa Vivint Arena sa Salt Lake City, Utah
  • Nagwagi ang Jazz ng 3 sunod sa serye
  • Inaasahang tatapusin ng Jazz ang serye sa kanilang home court
  • Mga preview, prediksyon, istatistika at balita tungkol sa dalawang koponan
Memphis Grizzlies at Utah Jazz Game 5 Prediksyon at Tip
Inaasahang tapusin ng Jazz ang Grizzlies sa Game 5 (Getty Images)
Librengpusta Staff 02 Jun 2021
Share this article
success image

Memphis Grizzlies at Utah Jazz Game 5 Prediksyon at Tip


Inaasahang matuldukan ng Utah Jazz ang kanilang first-round playoff series laban sa Memphis Grizzlies Miyerkules ng gabi. 

Nakuha ng No. 1 seeds sa Western Conference ang 3-1 na kalamangan sa best-of-seven na serye matapos magwagi sa Game 4 120-113 sa Memphis noong Lunes.

Ito ang pangatlong sunod na panalo ng Jazz sa serye matapos matalo sa Game 1 kung saan hindi naglaro si Donovan Mitchell.

Bumalik si Mitchell noong Game 2 at simula noon ay hindi na mapigilan ang Jazz.

  • Ang Jazz ay may 6-1 na record laban sa Grizzlies ngayong season
  • Ang Jazz ay may 3-1 na record sa kanilang home court kontra Grizzlies ngayong season
  • Si Mitchell ay nag-aaverage ng 28 puntos bawat laro mula nang bumalik sa Game 2
  • Si Mitchell ang nangungunang scorer ng Jazz na may 26.4 puntos bawat laro
  • Si Mitchell ay nag-aaverage ng 30.8 puntos bawat laro laban sa Memphis ngayong season
  • Ang 6 sa 7 na laban sa pagitan ng Utah at Memphis ngayong season ay nagtala ng +217.5 points

Head-to-Head


  • Nangunguna ang Jazz sa all-time series na 65-34
  • Nangunguna ang Jazz sa all-time playoff series 3-1
  • Nangunguna ang Jazz 6-1 ngayong season

Memphis Grizzlies Form at Team News


Napanalunan ng Memphis ang Game 1 ng seryeng ito, salamat kina Dillon Brooks, Ja Morant at Jonas Valanciunas.

Nanguna si Brooks na may 31 points at nag-ambag si Morant ng 26, habang si Valanciunas ay nagtala ng 15 points at 12 rebounds para pangunahan ang Grizzlies sa isang 112-109 na panalo sa Utah. 

Muling nagpakitang gilas si Morant sa Game 2 kung saan umiskor siya ng 47 points ngunit nagwagi ang Jazz 141-129 para maitabla ang best-of-seven series. 

Muling kinapos ang Grizzlies sa Game 3 kung saan nakalasap sila ng 121-111 na pagkabigo sa kanilang home court. 

Bigo ang Memphis na makabawi sa Game 4 at ngayon nalalagay sa alanganin ang kanilang kampanya sa pagbabalik ng serye sa Salt Lake City.

Ang magandang balita para sa Memphis ay si Sean McDermott (foot) lamang ang nakalista sa kanilang injury report.

Utah Jazz Form at Team News


Hindi nakapaglaro si Mitchell noong Game 1 kung saan pinangunahan ni Bojan Bogdanovic (29 points) at Mike Conley (22 points, 11 assists) ang Jazz. 

Bumalik sa Mitchell noong Game 2 at umiskor ng 25 points para pangunahan ang Jazz sa kanilang unang panalo sa serye. 

Nagtala naman ang All-Star guard ng 29 points sa kanilang panalo sa Memphis sa Game 3 para makuha ng Jazz ang 2-1 na kalamangan sa serye. 

Sinundan ito ni Mitchell ng 30 points sa Game 4 para pangunahan ang Jazz sa 120-113 na panalo sa Memphis. 

Isang panalo na lang at uusad na ang Jazz sa susunod na round ng playoffs. 

Si Miye Oni (back) at Elijah Hughes (illness) lamang ang nakalista sa injury list ng Jazz.

Memphis Grizzlies at Utah Jazz Game 5 FAQs

Saan ko mapapanood ang live stream ng Game 5 ng Memphis Grizzlies at Utah Jazz?

Ipinapakita sa iyo ng aming live streaming calendar kung saan mapapanood ang live stream ng Game 5 ng Memphis Grizzlies at Utah Jazz.

US

Hatol

Kontrolado ng Jazz ang serye simula ng bumalik si Donovan Mitchell.

Hindi mapigilan ng Grizzlies si Mitchell kaya inaasahan namin na muling manalo ang Jazz sa Game 5 at tapusin na ang serye.

Best Bet: Utah -6.5 & +217.5 Spread & Total Points @118.00 at BetMGM - 2 Units
Value Bet: Mitchell 30+ & Utah Points & Moneyline @170.00 at PlaySugarhouse Sport - 2 Units

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events