NBA
  • Home
  • Basketball
  • NBA

Milwaukee Bucks at Brooklyn Nets Game 1 Prediksyon at Tip - Nets Makakauna sa Serye

  • Mga tips sa Milwaukee Bucks at Brooklyn Nets Game 1 para sa Sabado
  • Ang Bucks-Nets Game 1 ay magaganap 00:30 BST (Linggo) sa Barclays Center sa Brooklyn, NY
  • Inaasahang pangunahan ng Big Three ng Brooklyn sa panalo ang koponan
  • Ang Milwaukee ay may 2-1 record laban sa Brooklyn ngayong season
  • Mga preview, prediksyon, istatistika at balita tungkol sa dalawang koponan
Milwaukee Bucks at Brooklyn Nets Game 1 Prediksyon at Tip
Simula na ng bakbakan ng Nets at Bucks (Getty Images)
Librengpusta Staff 05 Jun 2021
Share this article
success image

Milwaukee Bucks at Brooklyn Nets Game 1 Prediksyon at Tip


Inaasahang pangunahan ng Big Three ng Brooklyn na sina Kevin Durant, Kyrie Irving at James Harden ang Nets sa panalo laban sa Milwaukee Bucks sa Game 1 ng kanilang Eastern Conference semifinal series Sabado ng gabi.

Bagama’t nanalo ang Bucks 2-1 sa kanilang regular season series, hindi naman naglaro ang Brooklyn Big Three na magkasabay sa mga larong iyon.

Maganda ang nilalaro nina Durant, Irving at Harden sa playoffs kaya maaring mahirapan ang Bucks na pigilan sila.

  • Ang Nets ay nanalo sa 9 sa kanilang huling 10 laro
  • Ang Nets ay may 18-2 na kartada sa kanilang huling 20 na laro sa Barclays Center
  • Ang Nets ay nag-aaverage ng 123.4 points bawat laro sa playoffs
  • Si Durant ay nag-aaverage ng 28.8 points bawat laro sa playoffs
  • Si Harden ay nag-aaverage ng 27.8 points bawat laro sa playoffs
  • Si Harden ay nakapagtala ng 2 double double at 1 triple double sa kanyang huling 5 laro
  • Si Irving ay nag-aaverage ng 24.8 points bawat laro sa playoffs
  • Ito ang unang beses na makakaharap ng Bucks ang Brooklyn Big Three na magkasabay

Head-to-Head


Ito ang ika-apat na pagkikita ng Nets at Bucks sa playoffs ngunit una simula noong lumipat ang Nets sa Brooklyn mula New Jersey.

Tinalo ng Bucks ang Nets 4-2 sa Eastern Conference semifinals noong 1984. Na-sweep naman ng Bucks ang Nets 3-0 sa first round ng 1986 playoffs.

Huling nagtagpo ang dalawang koponan sa postseason noong first round ng 2003 playoffs na napagwagian naman ng Nets 4-2.

  • Nangunguna ang Bucks sa all-time series 113-82
  • Nangunguna ang Bucks sa all-time playoff series 9-6

Milwaukee Bucks Form at Team News


Ang No. 3 Bucks ang pinakaunang koponan na umabante sa second round ng playoffs ngayong season matapos nilang ma-sweep ang Miami Heat sa first round.

Pinangunahan nina Giannis Antetokounmpo (23.5 points, 15 rebounds, 7.8 assists per game) at Khris Middleton (21.5 ppg) ang Bucks sa serye. 

Naibuslo ni Middleton ang winning basket sa kanilang 109-107 na panalo sa Game 1 kung saan tumapos siya ng 27 points. Nagtala naman sina Antetokounmpo at Jrue Holliday ng double double sa naturang laro. 

Komportable namang naipanalo ng Bucks ang Game 2 132-98 sa likod ng 31 points at 13 rebounds ni Antetokounmpo at 11 points at 15 assists mula kay Holliday. Nag-ambag naman si Bryn Forbes ng 22 puntos mula sa bench. 

Umiskor si Middleton ng 22 points sa Game 3 habang kapwa nagtala muli ng double doubles sina Antetokounmpo (17 points, 17 rebounds) at Holliday (19 points, 12 assists) para pangunahan ang Milwaukee sa isang 113-84 na panalo sa Miami. 

Tuluyan nang tinapos ng Bucks ang Heat 120-103 sa Game 4 sa pangunguna ni Antetokounmpo, na nagtala ng triple double 20 points, 15 assists at 12 rebounds. Maganda rin ang nilaro nina Brook Lopez (25 points), Forbes (22 points) at Middleton (20 points, 11 rebounds) para mapaghiganti ang kanilang pagkatalo sa Heat sa conference semifinals noong nakaraang season. 

Ito na ang ika-15 na panalo ng koponan ni Mike Budenholzer sa kanilang huling 19 na laro.

Hindi na makakapaglaro si Donte DiVincenzo (foot) sa natitirang panahong sa playoffs at makakasama niya si Thanasis Antetokounmpo (tendon) sa sidelines.

Brooklyn Nets Form at Team News


Sa pangunguna ng Big Three nina Durant (32.6 ppg), Irving (24.8 ppg) at Harden (27.8 ppg, 10.6 apg), pinatalsik ng Nets ang Boston Celtics 4-1 sa first round ng playoffs.

Nagtala si Durant ng 32 points at 12 rebounds at nagdagdag si Irving ng 29 para pangunahan ang Nets sa 104-93 na tagumpay sa Game 1.

Umiskor naman ang Big Three ng 61 points sa kanilang 130-108 na panalo sa Game 2 habang si Joe Harris ay nagdagdag ng 25 points kabilang ang franchise-best tying na pitong three-pointers. 

Nagpasiklab si Harden ng 41 points at 10 assists sa Game 3 habang nagtapos si Durant ng 39 ngunit nabigo sila sa Boston 125-119  sa likod ng 50 points ni Jayson Tatum. 

Bumawi naman ang Nets sa Game 4 141-126 sa pangunguna nina Durant (42 points), Irving (39 points) at Harden (23 points, 18 assists).

Muling nagpasiklab ang Big Three sa pagbabalik ng serye sa Brooklyn para pangunahan ang Nets sa 123-109 na panalo at tuluyan ng wakasan ang kampanya ng Celtics ngayong season. 

Nagtala si Harden ng triple double 34 points, 10 rebounds at 10 assists para pangunahan ang Brooklyn sa second round ng playoffs sa unang pagkakataon simula noong 2013-14 season. Nagdagdag si Irving ng 25 points habang naglista si Durant ng 24 para tulungan ang koponan ni Steve Nash na makuha ang kanilang ika-siyam na panalo sa kanilang huling 10 laro.

Hindi naman maglalaro si Jeff Green (foot) sa Game 1 habang wala pa rin si Spencer Dinwiddie (knee).

Milwaukee Bucks at Brooklyn Nets Game 1 FAQs

Saan ko mapapanood ang live stream ng Game 1 ng Milwaukee Bucks at Brooklyn Nets?

Ipinapakita ng aming live streaming calendar kung saan mapapanood ang live stream ng Game 1 ng Milwaukee Bucks at Brooklyn Nets.

US

Hatol

Inaasahan ang shootout sa pagitan ng Nets at Bucks sa Game 1 ng kanilang Eastern Conference semifinal series. Parehong mahusay pumuntos ang dalawang koponan at ito ay akma sa nilalaro ng Big Three nina Kevin Durant, Kyrie Irving at James Harden. 

Ito ang dahilang kung bakit inaasahan namin na mangibabaw ang Nets sa Game 1. 

Best Bet: Brooklyn -4.0 Spread @-111.11 at BetMGM - 2 Units
Value Bet: +28.5 & Nets -1.5 Kevin Durant Points & Spread @178.00 at PlaySugarhouse Sport - 2 Units

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events