NBA
  • Home
  • Basketball
  • NBA

Milwaukee Bucks at Brooklyn Nets Game 7 Prediksyon at Tips - Bucks Nanakawin ang Serye

  • Mga tips sa Milwaukee Bucks at Brooklyn Nets Game 7 sa Sabado
  • Ang Bucks-Nets tip-off ay 01:30 BST (Linggo) sa Barclays Center sa Brooklyn, NY
  • Nagpwersa ng Game 7 ang Bucks matapos manalo sa kanilang home court
  • Inaasahan namin na manalo ang Bucks sa Brooklyn
  • Mga preview, prediksyon, istatistika at balita tungkol sa dalawang koponan
Milwaukee Bucks at Brooklyn Nets Game 7 Prediksyon at Tips
Do-or-die ang Bucks at Nets (Getty Images)
Librengpusta Staff 19 Jun 2021
Share this article
success image

Milwaukee Bucks at Brooklyn Nets Game 7 Prediksyon at Tips


Maaaring manaig ang Milwaukee Bucks sa Brooklyn at tuluyan ng umabante sa Eastern Conference finals.

Ang Bucks ay 0-3 sa Barclays Center sa seryeng ito, ngunit ang Nets ay hindi kumpleto. Hindi pa rin 100% si James Harden at patuloy pa rin na hindi maglalaro si Kyrie Irving dahil sa ankle injury. 

Si Kevin Durant ang mag-isang nagtataguyod sa Nets at wala siya halos nakukuhang suporta sa kanyang mga kakampi.

Gagawin ni Durant ang kanyang makakaya dito, ngunit maaaring hindi ito maging sapat para pigilan ang Bucks sa pagselyo ng serye.

  • Si Giannis Antetokounmpo ng Bucks ay nag-average ng 32.8 points at 13.8 rebounds sa kanilang huling 4 na laro
  • Si Antetokounmpo ay mayroong 9 double doubles at 1 triple doubles sa kasalukuyang playoffs
  • Si Khris Middleton ay nag-average ng 29.3 puntos sa kanilang huling 4 na laro
  • Si Middleton ay mayroong 2 double doubles sa kanyang huling 4 na laro
  • Ang Nets ay lubos na umasa kay Durant sa seryeng ito  
  • Si Harden ay may iniindang hamstring injury
  • Si Irving ay hindi maglalaro dahil sa ankle injury

Ulo sa ulo


  • Nangunguna ang Bucks sa all-time series 116-85
  • Nangunguna ang Bucks sa all-time playoff series 12-9

Milwaukee Bucks Form at Team News


Sinigurado ng Bucks na babalik ang serye sa Brooklyn matapos nilang magtagumpay sa Game 6. Bagama't natalo sa unang dalawang laro ay nakabalik ang Milwaukee at ngayon ay isang panalo na lang para makarating sa conference finals sa unang pagkakataon simula noong 2019. 

Nagtamo ang Bucks ng 115-107 na pagkatalo sa Game 1 kung saan nagtala si Antetokounmpo ng 34 points at 11 rebounds. Nakakuha siya ng suporta kina Brook Lopez (19 points) at Jrue Holiday (17 points, 9 rebounds). Nagtala ng double double 13 points at 13 rebounds si Khris Middleton ngunit 6-of-23 lamang siya sa field.

Tinambakan naman ng Nets ang Bucks 125-86 sa Game 2. Nalimitahan si Antetokounmpo sa 18 points habang nag-ambag lamang si Middleton ng 17.

Bumawi sina Antetokounmpo at Middleton sa Game 3 para pangunahan ang Bucks sa 86-83 na panalo. Nagtala si Antetokounmpo ng 33 points at 14 rebounds habang nagtapos si Middleton ng 35 points at 15 boards.

Naitabla naman ng Bucks ang serye matapos nilang manaig sa Game 4 107-96. Muling nagpamalas ng kanyang galing si Antetokounmpo matapos magtala ng 34 points at 12 rebounds. Nakakuha rin siya ng sapat na suporta kina Middleton (19 points, 8 assists), Holiday (14 points, 9 assists) at PJ Tucker (13 points).

Umiskor si Antetokounmpo ng 34 points at kumuha ng 12 rebounds habang nagdagdag si Middleton ng 25 sa Game 5 kung saan nakalasap sila ng 114-108 na pagkatalo sa Brooklyn.

Nagpwersa naman ng Game 7 pabalik sa Brooklyn ang Bucks matapos nilang mangibabaw sa Game 6 104-89.

Naglista si Middleton ng career playoff-high 38 points, 10 rebounds at 5 steals at nagdagdag si Antetokounmpo ng 30 points at 17 rebounds para pangunahan ang Milwaukee. Maganda rin ang nilaro ni Holiday na nagtapos ng 21 points at 8 rebounds.


Brooklyn Nets Form at Team News


Pinagbayaran ng Nets ang labis nilang pagdepende kay Durant sa Game 6 at ngayon ay nahaharap sila sa isang do-or-die game sa kanilang home court.

Pinangunahan ni Durant (29 points, 10 rebounds) at Irving (25 points, 8 assists) ang Nets sa tagumpay sa Game 1. Maganda rin ang nilaro nina Blake Griffin (18 points, 14 rebounds), Joe Harris (19 points) at reserve Mike James (12 points) para punan ang pagkawala ni Harden dahil sa hamstring injury.

Muling nagpasiklab si Durant sa Game 2 matapos umiskor ng 32 points. Nagdagdag si Irving ng 22 points habang kapwa nagsumite sina Harris at Bruce Brown ng 13 markers.

Muling nanguna sina Durant (30 points, 10 rebounds) at Irving (22 points) sa kanilang pagkatalo sa Game 3. Nagdagdag naman si Brown ng 16 points at 11 rebounds.

Naglista naman si Durant ng 28 points at 13 rebounds sa Game 4 ngunit wala siya halos nakuhang suporta sa kanyang mga kakampi. Bukod kay Durant, si Irving lang ang Brooklyn player na nagtapos ng double digits ngunit nagtamo siya ng ankle injury sa second quarter at hindi na nakabalik.

Bumawi si Durant sa Game 5 matapos siyang magtala ng 49 points para bigyan ang Nets ng 3-2 na kalamagan sa serye. Nagparamdam rin si Jeff Green sa kanyang 27 points mula sa bench habang nag-ambag si Griffin ng 17. Bumalik si Harden ngunit hindi siya 100% at wala halos kontribusyon. 

Bigo naman ang Nets na selyohan ang serye sa Game 6. Nanguna sa Brooklyn si Durant na may 32 points at 11 rebounds. Sina Harden (16 points) at Griffin (12 points) lang ang ibang Brooklyn players na nagtala ng double figures. 

Milwaukee Bucks @ Brooklyn Nets Game 6 FAQ

Saan ko mapapanood ang Milwaukee Bucks @ Brooklyn Nets Game 6 live stream?

Ipinapakita ng aming live streaming calendar kung saan mapapanood ang Milwaukee Bucks @ Brooklyn Nets Game 6 live stream.

US

Hatol

Hindi pa nananalo ang Bucks sa home court ng Nets sa seryeng ito ngunit maaaring magbago yan sa larong ito.

Kung magpapakitang gilas muli sina Antetokounmpo at Middleton at walang makuhang suporta si Durant ay malaki ang tsansa na magwagi ang Bucks sa serye. 

Best Bet: Milwaukee Bucks Moneyline @-111.11 at BetMGM - 2 Units

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events