NBA
  • Home
  • Basketball
  • NBA

NBA 2020-21 Championship Winner Odds - Paborito ang Suns

  • Pinakabagong outright odds sa NBA 2020-21
  • Ang Suns ang paborito na magkampeon sa NBA ngayong season
  • Ang NBA champions ay kokoronahan sa Hulyo
NBA Championship Trophy
NBA Championship Trophy (Photo by Robert Reiners/Getty Images)
Librengpusta Staff 04 Jul 2021
Share this article
success image

Magsisimula na ang 2020-21 NBA finals at magtatampok dito ang Phoenix Suns at Milwaukee Bucks.

Una ng naka-abante ang Suns sa championship series matapos nilang talunin ang Los Angeles Clippers 4-2 sa Western Conference finals. Kasalukuyang may presyo sila na 1.57 na mapanalunan ang kanilang kauna-unahang NBA title.

Huling nakarating ang Suns sa NBA finals noong 1993 sa pangunguna ni Charles Barkley ngunit natalo sila sa Chicago Bulls. Pangungunahan nina Devin Booker, Chris Paul at Deandre Ayton ang Phoenix sa kanilang hangarin na magkampeon sa unang pagkakataon. 

Kinailangan rin ng Bucks ng anim na laro para madispatsa ang Atlanta Hawks sa Eastern Conference finals. Binigyan sila ng bookmakers ng pambungad na presyong 2.45 na makuha ang kanilang pangalawang NBA title.

Nakarating ang Bucks sa NBA finals sa unang pagkakataon simula noong 1974 nang matalo sila sa Boston Celtics. Nakuha naman ng Bucks ang kanilang una at kaisa-isang NBA title noong 1971 sa pangunguna nina Lew Alcindor (Kareem Abdul-Jabbar) at Oscar Robertson. 

Determinado ang Milwaukee na makakuha muli ng kampeonato ngunit hindi sigurado kung makakabalik na si Giannis Antetokounmpo matapos lumiban sa kanilang huling dalawang laro dahil sa injury sa tuhod. Kung hindi man siya makakalaro ay pangungunahan nina Khris Middleton at Jrue Holiday ang Bucks sa seryeng ito.

NBA 2020-21 Championship Winner Betting Odds


Teams
Odds
Phoenix Suns1.57
Milwaukee Bucks2.45
Source: PNXBet (Updated 04 July 2021 7:00 AM BST)

NBA 2020-21 Championsship Winner Odds FAQs

Sino ang nanalo ng 2019-20 NBA Championship?

Ang Los Angeles Lakers ang defending champions ng NBA matapos nilang talunin ang Miami Heat 4-2 sa finals noong nakaraang season. 

Sino ang mga paborito na manalo ng 2020/21 NBA Championship?

Ang mga paboritong koponan na mag-kampeon sa NBA ngayong season ay ang Brooklyn Nets at Utah Jazz. 

Paano ko mapapanood ang 2020-21 NBA Finals?

Suriin ang aming live streaming hub upang makita kung paano mo mapanood ang live stream ng 2020/21 NBA Finals.

US

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events