NBA
  • Home
  • Basketball
  • NBA

Philadelphia 76ers at Atlanta Hawks Game 6 Prediksyon at Tips - 76ers Inaasahang Bumawi

  • Mga tips sa Philadelphia 76ers at Atlanta Hawks Game 6 para sa Biyernes
  • Ang Hawks-76ers tip-off ay 00:30 (Sabado) BST sa State Farm Arena sa Atlanta GA
  • Nangunguna ang Atlanta sa serye 3-2 matapos magwagi sa Game 5
  • Inaasahang mag-pwersa ang 76ers ng Game 7 pabalik sa Philadelphia
  • Mga preview, prediksyon, istatistika at balita tungkol sa dalawang koponan
Philadelphia 76ers at Atlanta Hawks Game 6 Prediksyon at Tips
Inaasahang makabawi ang 76ers sa Game 6 (Getty Images)
Librengpusta Staff 18 Jun 2021
Share this article
success image

Philadelphia 76ers at Atlanta Hawks Game 6 Prediksyon at Tips


Maaaring makabawi ang Philadelphia 76ers laban sa Atlanta Hawks at mag-pwersa ng deciding Game 7 sa Eastern Conference semifinals.

Tutungo ang Sixers sa Atlanta matapos makalasap ng masakit na pagkatalo sa kanilang home court sa Game 5 kung saan lumamang sila ng 26 points sa first half. 

Kahit na natalo ay naging impresibo naman si Joel Embiid at ito ang dahilang kung bakit inaasahan namin na makabawi ang Sixers at mag-pwersa ng Game 7 pabalik sa Philadelphia.

  • Ang 76ers ay lumamang sa halftime sa 4 sa 5 mga laro sa seryeng ito
  • Si Embiid ay nag-aaverage ng 32 points at 13 rebounds bawat laro sa seryeng ito
  • 3 sa 5 mga laro sa seryeng ito ay nagtapos sa 4 na puntos na panalo o mas kaunti pa
  • 3 sa huling 4 na laro ay nakagawa ng -225.5 kabuuang mga puntos

Head-to-Head


  • Nangunguna ang 76ers sa all-time series 204-195
  • Nangunguna ang 76ers sa all-time playoff series 8-4

Philadelphia 76ers Form at Team News


Matatapos na ang kampanya ng Sixers kapag natalo ulit sila sa Game 6 kaya determinado silang makabawi sa Hawks matapos ang kanilang masaklap na pagbagsak sa Game 5.

Bigo ang Sixers sa Game 1 ngunit nakabawi sila sa Game 2 at Game 3 para makuha ang 2-1 na kalamangan sa serye. 

Pinangunahan ni Embiid ang Sixers sa kanilang 128-125 na pagkatalo sa unang laro kung saan nagtala siya ng 39 points at 13 rebounds sa kabila ng iniindang injury sa tuhod. Maganda rin ang nilaro nina Seth Curry (21 points), Tobias Harris (20 points, 10 rebounds) at Ben Simmons (17 points, 10 assists).

Nagtapos naman si Embiid ng 40 points at 13 rebounds para igiya ang Sixers sa 118-102 na panalo sa Game 2. Nag-ambag si Harris ng 22 points habang nagdagdag si Curry ng 21. Nagparamdan rin si reserve guard Shake Milton, na umiskor ng 14 points sa 14 na minutong paglalaro.

Muling nagpakitang gilas ang Cameroonian big man sa Game 3 matapos maglista ng 27 points, 9 rebounds at 8 assists para pangunahan ang Philadelphia sa 127-111 na tagumpay. Nakakuha siya ng suporta kina Harris (22 points), Simmons (18 points) at substitute Furkan Korkmaz (14 points).

Nalimitahan naman si Embiid sa 17 points sa kanilang 103-100 na pagkatalo sa Game 4. Sa kabila ng iniindang injury sa tuhod ay nakakuha rin siya ng 21 rebounds. Nanguna sa Sixers si Harris (20 points) habang nagdagdag si Curry ng 17 points. Muntik naman magka-triple double si Simmons (11 points, 12 rebounds, 9 assists).

Hindi naman napigilan si Embiid sa Game 5 kung saan nagtala siya ng 37 points at 13 rebounds ngunit kinapos ang Sixers 109-106 kahit na lumamang sila ng 26 points sa first half. Nasayang rin ang 36 points ni Curry. 

Tulad sa nakaraang mga laro ay nakalista bilang questionable si Embiid ngunit inaasahan naman siyang maglaro. Hindi pa rin makakapaglaro si Danny Green (calf).

Atlanta Hawks Form at Team News


Determinado naman ang Hawks na tapusin ang serye sa kanilang home court at umabante sa conference finals sa unang pagkakataon simula noong 2014-15 season.

Muling inaasahan na magpakitang gilas si Trae Young tulad ng ginawa niya sa unang limang laro ng serye. 

Bumida ang sharpshooting guard sa Game 1 kung saan nagtapos siya ng 35 points at 10 assists. Nakakuha siya ng suporta kina Bogdan Bogdanovic (21 points), John Collins (21 points), Clint Capela (11 points, 10 rebounds) at reserve Kevin Huerter (15 points).

Naglista naman si Young ng 21 points at 11 assists sa Game 2. Nagdagdag si Gallinari ng 21 points galing sa bench habang nagtala ang isa pang substitute na si Huerter ng 20. 

Nagtala naman si Young ng 28 points sa kanilang pagkatalo sa Game 3. Tinulungan siya ni Collins (23 points), Bogdanovic (19 points), Gallinari (17 points) at Capela (16 rebounds).

Muling nagbida ang Atlanta superstar sa Game 4 kung saan naglista siya ng 25 points at 18 assists para pangunahan ang kanyang koponan sa panalo. Nag-ambag si Bogdanovic ng 22 points habang kapwa nagtala sina Collins (14 points, 12 rebounds) at Capela (12 points, 10 rebounds) ng double doubles.

Sa kabila ng iniindang shoulder injury ay umiskor naman si Young ng 39 points sa Game 5 kung saan dinomina ng Hawks ang fourth quarter 40-19 para manakaw ang panalo at makuha ang 3-2 na kalamangan sa serye. Nakakuha siya ng tulong kina John Collins (19 points, 11 rebounds) at reserves Danilo Gallinari (16 points) at Lou Williams (15 points).

Nakalista si Young bilang probable sa Game 6. Patuloy pa rin na hindi maglalaro si Cam Reddish (Achilles) habang out for the season sina De'Andre Hunter (knee) at Brandon Goodwin (illness). 

Philadelphia 76ers at Atlanta Hawks Game 6 FAQs

Saan ko mapapanood ang live stream ng Philadelphia 76ers at Atlanta Hawks Game 6?

Ipinapakita ng aming live streaming calendar kung saan mapapanood ang live stream ng Philadelphia 76ers at Atlanta Hawks Game 6.

US

Hatol

Bagama't kagagaling lang ng Sixers sa isang masaklap na pagkatalo ay inaasahan namin silang makabawi sa Game 6 sa pangunguna ni Joel Embiid. 

Walang sagot ang Hawks sa All-Star big man sa mga unang laro ng serye kahit mayroon itong iniindang injury sa tuhod at inaasahan namin na muli niyang pangunahan ang Sixers sa isang panalo.

Best Bet: Philadelphia -2.5 Spread @-125.00 at BetMGM - 2 Units
Value Bet: 76ers -2.5 & -225.5 Spread & Total Points @200.00 at PlaySugarhouse Sport - 2 Units

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events