NBA
  • Home
  • Basketball
  • NBA

Utah Jazz at Los Angeles Clippers Game 3 Prediksyon at Tips - Jazz Sasaklaw sa Point Spread

  • Mga tips sa Utah Jazz @ Los Angeles Clippers Game 3 para sa Sabado
  • Ang tip-off ng Jazz-Clippers ay 01:30 BST (Linggo) sa Staples Center sa Los Angeles, CA
  • Lamang ang Utah 2-0 sa serye
  • Inaasahan ang Jazz na sumaklaw sa point spread sa pangunguna ni Donovan Mitchell
  • Mga preview, prediksyon, istatistika at balita tungkol sa dalawang koponan
Utah Jazz at Los Angeles Clippers Game 3 Prediksyon at Tips
Target ng Jazz ang 2-0 na kalamangan sa LA (Getty Images)
Librengpusta Staff 12 Jun 2021
Share this article
success image

Utah Jazz at Los Angeles Clippers Game 3 Prediksyon at Tips


Tutungo ang Utah Jazz sa Los Angeles na may 2-0 na kalamangan sa Clippers sa Western Conference semifinals. 

Patuloy ang magandang laro ni Donovan Mitchell simula noong bumalik ito sa injury at walang sagot ang Clippers sa kanyang pananalasa.

Bagama’t dehado ang Utah sa Game 3 sa mata ng mga bookmakers, inaasahan namang saklawin nila ang point spread.

  • Ang Jazz ay nanalo ng 6 na sunod na laro
  • Ang Jazz ay may 4-1 record laban sa Clippers ngayong season
  • Si Mitchell ay nagtala ng 82 points sa unang dalawang laro ng serye
  • Si Mitchell ay nag-aaverage ng 32.7 points bawat laro sa playoffs
  • Si Mitchell ay nag-aaverage ng 31.2 points bawat laro laban sa Clippers ngayong season
  • Ang Clippers ay may 4-5 record sa playoffs ngayong season
  • Ang Clippers ay may 1-3 na kartada sa Staples Center sa kasalukuyang playoffs

Head-to-Head


  • Nangunguna ang Jazz sa all-time series 120-86
  • Nangunguna ang Jazz sa all-time playoff series 11-5

Utah Jazz Form at Team News


Naka-anim na sunod na panalo ang Jazz sa playoffs matapos matalo sa Memphis sa Game 1 ng first round. Hindi naglaro si Mitchell sa larong iyon dahil sa ankle injury ngunit bumalik siya noong Game 2 at hindi pa natatalo ang Jazz simula noon.

Nagtala ang All-Star guard ng 45 points sa kanilang 112-109 na panalo sa Clippers sa Game 1 at sinundan naman niya ito ng 37 points para igiya ang Utah sa 117-111 na tagumpay sa Game 2.

Hindi lang si Mitchell ang proproblemahin ng Clippers dahil maganda rin ang nilalaro nina Jordan Clarkson, Bojan Bogdanovic at Rudy Gobert para mapunan ang pagkawala ni Mike Conley. 

Nagtapos si Clarkson ng 24 points mula sa bench sa Game 2 habang naglista si Gobert ng 13 points at 20 rebounds. Si Clarkson ang nanalo ng Sixth Man award ngayong season at si Gobert naman ang itinanghal na Best Defensive Player.

Hindi nakapaglaro si Conley sa Game 2 dahil sa hamstring injury at hindi siya inaasahang makabalik sa larong ito.

Los Angeles Clippers Form at Team News


Determinado namang makabawi ang Clippers sa kanilang home court para maiwasang matambakan sa serye. Hindi na ito bago para sa koponan ni Tyronn Lue dahil natalo rin sila sa Dallas Mavericks sa unang dalawang laro ng serye sa first round bago tuluyang naipanalo ang serye sa Game 7. 

Hindi sapat ang ipinakita nina Kawhi Leonard at Paul George laban sa Jazz sa Game 1 at Game 2. Nagtala si Leonard ng 23 points sa Game 1 at 21 sa Game 2. Naglista naman si George ng 20 points at 10 rebounds sa unang laro ng serye at sinundan niya ito ng 27 points at 10 boards. 

Makakatulong ng dalawang beteranong All-Stars sina Reggie Jackson, Marcus Morris, Nicolas Batum at Luke Kennard.

Pinangunahan ni Jackson ang Clippers sa Game 2 na may 29 points habang umiskor naman si Kennard ng 18 points mula sa bench sa Game 1. 

Si Serge Ibaka ay hindi na maglalaro sa natitirang panahon ng playoffs matapos sumailalim sa isang operasyon sa likod ang beteranong player. 

Utah Jazz @ Los Angeles Clippers Game 3 FAQs

Saan ko mapapanood ang live stream ng Utah Jazz @ Los Angeles Clippers Game 3?

Ipinapakita ng aming live streaming calendar kung saan mapapanood ang Utah Jazz @ Los Angeles Clippers Game 3.

US

Hatol

Hindi napigilan ng Clippers si Donovan Mitchell sa Game 1 at Game 2 at inaasahan namin na ituloy niya ang kanyang magandang nilalaro sa Game 3. 

Best Bet: Utah +3.5 Spread @-111.11 at BetMGM - 2 Units

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events