NBA
  • Home
  • Basketball
  • NBA

Utah Jazz at Los Angeles Clippers Game 6 Prediksyon at Tips - LA Tatapusin na ang serye

  • Mga tips sa Utah Jazz at Los Angeles Clippers Game 6 para sa Biyernes
  • Ang Jazz-Clippers tip-off ay 03:00 BST (Sabado) sa Staples Center sa Los Angeles, CA
  • Nangunguna ang LA sa serye 3-2 matapos ang magwagi sa Game 5
  • Inaasahang manalo ang Clippers kahit wala si Kawhi Leonard
  • Mga preview, prediksyon, istatistika at balita tungkol sa dalawang koponan
Utah Jazz at Los Angeles Clippers Game 6 Prediksyon at Tips
Clippers tatapusin na ang serye (Getty Images)
Librengpusta Staff 18 Jun 2021
Share this article
success image

Utah Jazz at Los Angeles Clippers Game 6 Prediksyon at Tips


Inaasahan namin na selyohan ng Los Angeles Clippers ang kanilang Western Conference semifinal series laban sa Utah Jazz kahit na hindi makakapaglaro si Kawhi Leonard.

Hindi naglaro ang beteranong All-Star sa Game 5 dahil sa injury sa tuhod ngunit nagwagi pa rin ang Clippers para makuha ang 3-2 na kalamangan sa best-of-seven na serye.

Pinangunahan ni Paul George ang Clippers sa kanilang ikatlong sunod na panalo sa serye matapos mabigo sa Game 1 at Game 2. 

Maganda rin ang nilaro ng iba pang manlalaro ng LA sa Game 5 at inaasahan namin na maulit ito sa Game 6.

  • Ang Clippers ay 2-0 sa kanilang home court laban sa Jazz sa seryeng ito
  • Ang Clippers ay nagwagi ng 3 sunod na laro sa serye
  • Ang Clippers ay nag-average ng 123 puntos sa huling 3 laro
  • Si George ay nag-average ng 33 puntos sa huling 3 laro

Head-to-Head


  • Nangunguna ang Jazz sa all-time series 121-89
  • Nangunguna ang Jazz sa all-time playoff series 12-8

Utah Jazz Form at Team News


Maganda ang naging simula ng Jazz matapos silang magwagi sa unang dalawang laro ng serye ngunit nalalagay sila sa bingit ng eliminasyon matapos matalo ng tatlong sunod sa Clippers.

Maganda ang nilalaro ni Donovan Mitchell sa seryeng ito kaya determinado siyang pangunahan muli ang Jazz sa isang panalo at magpwersa ng Game 7 pabalik sa Utah.

Umiskor si Mitchell ng 45 points para igiya ang Jazz sa 112-109 na panalo sa Game 1. Nakakuha siya ng suporta kina Bojan Bogdanovic at Jordan Clarkson, na kapwa nagtala ng 18 points.

Kumana naman si Mitchell ng 37 points sa kanilang 117-111 na tagumpay sa Game 2. Nagdagdag si Clarkson ng 24 points mula sa bench habang nakakuha si Rudy Gobert ng 20 rebounds.

Naputol ang six-game winning run ng Utah sa Game 3 pagkatapos nilang makalasap ng 132-106 na pagkatalo sa LA. Muling nanguna si Mitchell para sa Jazz na may 30 points habang nagdagdag si Joe Ingles ng 19.

Nasayang naman ang 37 points ni Mitchell sa Game 4 na nagresulta sa 118-104 na panalo sa Clippers. Nag-ambag si Ingles ng 19 points at si Bogdanovic ng 18.

Nalimitahan si Mitchell sa 21 points sa Game 5 at nanguna si Bogdanovic sa scoring na may 32 points kabilang ang siyam na three-pointers. May iniindang ankle injury si Mitchell na malamang nagpabagal sa kanya sa kanilang nakaraang laro. Nakalista siya bilang questionable sa Game 6.

Nananatili ring questionable si Mike Conley dahil sa hamstring injury. Hindi pa siya naglalaro sa seryeng ito at lubha siyang kakailanganin ng Jazz sa do-or-die na larong ito.

Los Angeles Clippers Form at Team News


Tulad ng kanilang serye laban sa Dallas sa first round, natalo ang Clippers sa Game 1 at Game 2 bago nakabalik at tuluyang naipanalo ang serye. Ito rin ang nais nilang gawin sa Jazz at maka-abante sa conference finals sa unang pagkakataon.

Pinangunahan ni Leonard ang Clippers laban sa Jazz sa Game 1 na may 23 points habang naglista si Paul ng 20 points at 10 rebounds. Maganda rin ang nilaro ni Luke Kennard, na nag-ambag ng 18 points mula sa bench.

Si Reggie Jackson naman ang nagpasiklab sa Clippers sa Game 2 matapos umiskor ng 29 points. Nagdagdag si George ng 27 points at 10 rebounds habang nag-ambag si Leonard ng 21.

Nagsanib pwersa naman sina Leonard (34 points, 12 rebounds) at George (31 points) para pangunahan ang Clippers sa panalo sa Game 3. Sinuportahan naman sila nina Jackson at Nicolas Batum, na kapwa nag-ambag ng 17 points.

Muling nagpamalas ng kanilang galing sina Leonard at George sa Game 4. Kapwa sila nagtapos ng 31 points habang nagdagdag si Marcus Morris ng 24 para tulungan ang Clippers na maitabla ang serye.

Hindi naglaro si Leonard sa Game 5 dahil sa injury sa tuhod kaya nag-doble kayod si George na nagtapos ng 37 points at 16 rebounds. Nakakuha siya ng suporta kina Morris (25 points) at Jackson (22 points).

Hindi pa rin maglalaro si Leonard sa Game 6 kaya asahan muli ang malaking numero mula kay George.

Utah Jazz at Los Angeles Clippers Game 6 FAQ

Saan ko mapapanood ang live stream ng Utah Jazz at Los Angeles Clippers Game 6?

Ipinapakita ng aming live streaming calendar kung saan mapapanood ang Utah Jazz at Los Angeles Clippers Game 6.

US

Hatol

Napatunayan ng LA na kaya nilang manalo kahit wala si Kawhi Leonard at nasa kanila ang momentum patungo sa Game 6.

Asahan na lalaban ang Jazz ngunit ang Clippers ay 2-0 sa LA sa seryeng ito at maganda ang nilalaro ni Paul George.

Best Bet: LA Clippers +2.0 Spread @-111.11 at BetMGM - 2 Units

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events