• Home
  • Basketball

Phoenix Suns at Los Angeles Clippers Game 4 Prediksyon at Tips - Clippers Inaasahang Manalo Ulit

26 Jun 2021
Librengpusta Staff 26 Jun 2021
Share this article
Or copy link
success image
  • Mga tips sa Phoenix Suns @ Los Angeles Clippers Game 4 para sa Sabado
  • Ang Suns-Clippers ay gaganapin 02:00 BST (Linggo) sa Staples Center sa Los Angeles, CA
  • Natapyas ang lamang ng Phoenix sa serye 2-1 matapos manalo ang LA sa Game 3
  • Inaasahang maitabla ng Clippers ang serye
  • Mga preview, prediksyon, istatistika at balita tungkol sa dalawang koponan
Expired
Phoenix Suns at Los Angeles Clippers Game 4 Prediksyon at Tips
Hangad ng LA na maitabla ang serye sa Game 4 (Getty Images)

Phoenix Suns @ Los Angeles Clippers Game 4 Prediksyon at Tips


Maaaring maitabla ng Los Angeles Clippers ang kanilang serye laban sa Phoenix Suns sa Western Conference Finals sa kanilang home court. 

Pinalawig ng Clippers ang kanilang sunod na mga panalo sa Staples Center sa limang laro matapos manalo sa Game 3 noong Huwebes.

Maaaring maulit muli ang mga eksena sa nakaraang laro at maging tabla ang serye pabalik sa Phoenix.

  • Ang Clippers ay nanalo ng 5 magkasunod na laro sa kanilang home court
  • Ang Clippers ay may 2-0 na kartada laban sa Suns ngayong season
  • Pang-apat ang Clippers sa average points allowed per game sa buong liga sa regular season
  • Pang-apat ang Clippers sa total points allowed per game sa regular season
  • Nag-aaverage ng 7.3 puntos ang agwat ng panalo sa seryeng ito
  • 5 sa 6 na nakaraang laro ng Clippers at Suns ay napanalunan ng 10 puntos o mas mababa pa
  • 5 sa 6 na nakaraang laro ng Clippers at Suns ay nagresulta sa -219.5 kabuuang mga puntos

Head-to-Head


  • Nangunguna ang Suns sa all-time series 139-98
  • Nangunguna ang Suns sa all-time series 6-4

Phoenix Suns Form at Balita


Bigo ang Suns na palawigin ang kanilang siyam na sunod na panalo matapos makalasap ng 106-92 na pagkatalo sa Clippers sa Game 3.

Naging dikit ang laban bago lumayo ang Clippers sa ikatlong yugto na kanilang dinomina 34-21. Nanguna sa Suns si Deandre Ayton na nakapagtala ng 18 points at 9 rebounds.

Nagtala naman si Chris Paul ng 15 points at 12 assists sa kanyang unang laro sa serye matapos malagay sa COVID-19 protocol ng liga. Nalimitahan naman si Devin Booker sa 15 points matapos ang 5-of-21 shooting sa field. Napilitan ang Suns guard na magsuot ng maskara para protektahan ang kanyang nasaktang ilong matapos silang magkasalpukan ni Patrick Beverley sa Game 2.

Nag-ambag ng 13 points si Mikal Bridges habang nagdagdag si Cameron Johnson ng 12 points mula sa bench.

Nagtamo naman si Cameron Payne ng ankle injury sa first half at hindi na nakabalik. Nakalista siya bilang probable sa Game 4.

Nanalo ang Suns sa Game 1 120-114 sa pangunguna ni Booker, na naglista ng triple double 40 points, 13 rebounds at 11 assists. Nakakuha siya ng suporta kina Ayton (20 points, 9 rebounds), Bridges (14 points) at Jae Crowder (13 points). 

Maganda rin ang nilaro nina Payne (11 points, 9 assists) at Johnson (12 points) para punan ang pagkawala ni Paul.

Umiskor naman ng alley-oop dunk si Ayton mula sa baseline inbound ni Crowder 0.7 na segundo na lamang ang natitira para nakawin ng Suns ang panalo sa Game 2 104-103. 

Nagtapos ang Suns big man ng 24 points at 14 rebounds. Nanguna para sa Suns si Payne sa kanyang career-high 29 points at 9 assists habang nag-ambag si Booker ng 20 para mabawi ang kanyang pitong turnovers.

Nagparamdam rin ang bench players na sina Johnson at Dario Saric na kapwa nagtala ng 11 points.

Los Angeles Clippers Form at Balita


Tulad ng inaasahan ay nakabawi ang Clippers sa kanilang home court sa Game 3 matapos matalo sa Phoenix sa unang dalawang laro ng serye.

Pinangunahan ni Paul George ang Clippers sa kanyang 27 points, 15 rebounds at 8 assists. Nagdagdag si Reggie Jackson ng 23 points at maganda ang nilaro niya sa fourth quarter para mapanatili nila ang kalamangan.

Nagkaroon din ng magandang kontribusyon sina Ivica Zubac (15 points, 16 rebounds) at Terance Mann (12 points) habang nadepensahan naman ni Beverley si Booker. 

Muling pangungunahan nina George at Jackson ang Clippers sa kanilang hangarin na maitabla ang serye bago bumalik sa Phoenix. 

Umiskor si George ng 34 points at nagdagdag si Jackson ng 24 sa Game 1 ngunit hindi ito sapat para pigilan ang Suns.

Wala sila halos nakuhang suporta sa kanilang mga kakampi at si back-up big man DeMarcus Cousins lang ang LA player na umiskor ng double digits bukod kina George at Jackson.

Muling nanguna sa Clippers si George sa Game 2 sa kanyang 26 points ngunit nagmintis ng dalawang free throws ang beteranong All-Star 8.2 na segundo ang natitira na maaaring nagbigay sa kanyang koponan ng tatlong puntos na kalamangan.

Nagtala si Jackson ng 19 points habang nagtapos si Zubac ng 14 points at 11 rebounds.

Muling hindi maglalaro ang top scorer ng LA na si Kawhi Leonard dahil sa injury sa tuhod.

Phoenix Suns @ Los Angeles Clippers Game 4 Live Stream FAQ

Saan ko mapapanood ang live stream ng Phoenix Suns @ Los Angeles Clippers Game 4?

Suriin ang aming live streaming na kalendaryo upang makita kung saan mapapanood ang live stream ng Phoenix Suns @ Los Angeles Clippers Game 4.

Hatol

Maganda ang nilalaro ng Clippers sa kanilang home court kaya inaasahan namin na muli silang magwagi sa Game 4 at maitabla ang serye pabalik sa Phoenix. 

Best Bet: Los Angeles Clippers Moneyline @1/1 at bet365 - 2 Units
Los Angeles Clippers
Moneyline
@1/1 - 2 Units
Bet £10 Get £30
with bonus code NEWBONUS

Available to new customers only. Make a qualifying deposit of £5 or more and claim the offer within 30 days of registering your account to qualify for 300% of that amount in Bet Credits, up to a maximum of £30 in Bet Credits. Once released, your Bet Credits will be held in your account balance and are non-withdrawable. Min deposit requirement. Free Bets are paid as Bet Credits and are available for use upon settlement of qualifying bets. Min odds, bet and payment method exclusions apply. Returns exclude Bet Credits stake. Registration required. Time limits and T&Cs apply.

Bet at bet365

Nangungunang Mga Site sa Pagtaya

special-offer-1Betting offers

Paparating na Kaganapan