• Home
  • Football

Ano ang handicap betting sa soccer?

22 Feb 2022
Librengpusta Staff 22 Feb 2022
Share this article
Or copy link
success image
  • Alamin kung paano tumaya sa handicap betting sa soccer
Ano ang handicap betting sa soccer
Ang handicap betting o line betting ay isang alternatibong paraan sa pagtataya online sa ilang uri ng palakasan kabilang ang soccer o football.

Maaari nitong gawing mas kawili-wili ang pagtaya dahil binibigyan nito ang mga dehadong koponan ng patas na laban sa mga llamadong koponan na binibigyan ng handicap.

Halimbawa 1: 

Chelsea (-1.5) 
Lille (+1.5)

Sa halimbawa sa itaas, ay may handicap na -1.5 ang Chelsea bilang llamado sa labang ito. Ibig sabihin, kailangan manalo ng Chelsea ng hindi bababa sa dalawang goal para mapanalunan ang taya mo kapag tumaya ka sa Blues. Panalo ka kung nanalo ang Chelsea 2-0, 3-1, 4-2 etc. Ngunit talo ang taya mo kung manalo lamang ang Chelsea ng isang goal (1-0, 2-1, 3-2 etc.) o mauwi ang laro sa isang draw o tabla.

Halimbawa 2: 

Chelsea (-1) 
Lille (+1)

Tulad sa unang halimbawa ay kailangan din talunin ng Chelsea ang Lille ng hindi bababa sa dalawang goal para manalo ang iyong taya kung pumusta ka sa Blues. Ibabalik naman ang iyong taya kapag nauwi ang laro sa isang draw. 

Nangungunang Mga Site sa Pagtaya

special-offer-1Betting offers

Paparating na Kaganapan