• Home
  • Football

Arsenal vs Newcastle United Tips - Gunners mananalo

  • Mga tip sa Arsenal vs Newcastle United sa English Premier League sa Sabado (12:30 GMT)
  • Ang laro ay gaganapin sa Emirates Stadium
  • Kagagaling sa isang pagkatalo ng Arsenal
  • Wala pang panalo ang Newcastle ngayong season
  • Nanalo ang Arsenal sa kanilang huling 7 laro laban sa Newcastle United sa lahat ng mga kumpetisyon
Pierre-Emerick Aubameyang
Pierre-Emerick Aubameyang (Marc Atkins/Getty Images)
Librengpusta Staff 24 Nov 2021
Share this article
success image
Magbubukas ang Week 13 ng English Premier League sa laro ng Arsenal at Newcastle United sa Emirates Stadium sa Sabado.

Naputol ang three-game winning streak ng Arsenal sa liga matapos nilang makalasap ng 4-0 na pagkatalo sa Liverpool noong nakaraang linggo.

Kasalukuyan silang nasa ikalimang pwesto sa liga na may 20 puntos mula sa 12 laro.

Bago ang kanilang pagkatalo sa Liverpool ay hindi natalo ang panig ni Mikel Arteta sa kanilang huling 10 laro sa lahat ng mga kumpetisyon. 

Pangungunahan nina Pierre-Emerick Aubameyang at Emile Smith Rowe ang Gunners sa labang ito.

Hindi naman maglalaro sina Sead Kolasinac at Granit Xhaka para sa Arsenal.

Nasa panghuling pwesto sa liga ang Newcastle na mayroong anim na puntos mula sa 12 laro. Sila ang tanging koponan na wala pang panalo sa Premier League ngayong season.

Nagresulta sa isang 3-3 draw ang huling laro ng Newcastle laban sa Brentford. Ito ang pangatlong draw ng panig ni Eddie Howe sa kanilang huling apat na laro.

Mangunguna para sa Magpies sina Callum Wilson at Allan Saint-Maximin, na naka-goal laban sa Brentford.

Nanalo ang Arsenal sa kanilang huling pitong laro laban sa Newcastle United sa lahat ng mga kumpetisyon. Huling nanalo ang Magpies sa serye noong 2018.
US

Verdict

Llamado ang Arsenal sa labang ito kaya sinusuportahan namin na mananalo sila dito.

Best Bet: Arsenal To Win @-250.00 at BetMGM - 1 Unit

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events

27 พ.ย. 2564

Arsenal v Newcastle