• Home
  • Football

Belgium vs Italy Prediksyon at Tips - Sinusuportahan ang Italy na talunin ang Belgium

  • Mga tips sa Belgium vs Italy sa Euro 2020 sa Biyernes
  • Ang quarter-final fixture ay gaganapin 8pm BST sa Allianz Arena, Munich
  • Nanalo ang Italy na hindi nagsusuko ng goal sa 11 sa kanilang huling 12 laro
  • Sinusuportahan namin ang Italy na manalo sa Munich
  • Mga preview, prediksyon, istatistika at balita tungkol sa dalawang koponan
Belgium vs Italy Tips
Nagwagi ang Italy sa 3 sa kanilang huling 4 na laro kontra Belgium (Getty)
Librengpusta Staff 02 Jul 2021
Share this article
success image

Belgium vs Italy Prediksyon at Tips


Nagpakita ang Belgium ng ilang mga kahinaan laban sa Portugal at hindi sigurado kung makakapaglaro ang dalawa sa kanilang pangunahing manlalaro. Matatag ang depensa ng Italy sa Euro 2020 kaya inaasahan namin ang Azzurri na manalo sa quarter-final na ito.

  • Nanalo ang Belgium sa 11 sa kanilang huling 13 laro (lahat ng kumpetisyon).
  • Ang Italy ay nanalo ng 2+ goals sa 3 sa kanilang huling 4 na laban kontra Belgium (lahat ng mga kumpetisyon).
  • Nagwagi ang Italy ng hindi nagsusuko ng goal sa 11 sa kanilang huling 12 laban (lahat ng mga kumpetisyon).
  • Ang Italy ay nanalo ng 2+ goals sa 10 sa kanilang huling 12 laro (lahat ng mga kumpetisyon).

Head-to-Head


Ang Italy ay mayroong 14-4 na kalamangan sa Belgium na may 4 na draw sa 22 laban.

Form ng Belgium


Ang Belgium ay hindi natalo sa 23 sa kanilang huling 27 laban. Nanalo sila ng 11 sa kanilang huling 13 laro kasama ang kanilang unang apat sa Euro 2020.

Tinambakan ng Red Devils ang Russia 3-0 sa Saint Petersburg sa kanilang unang laro sa Group B. Dalawang beses naka-goal si Romelu Lukaku habang dumagdag ng isa pa si Thomas Meunier para pangunahan ang Belgians.

Sunod namang tumungo ang panig ni Roberto Martínez sa Copenhagen kung saan nagtala sila ng 2-1 na panalo kontra Denmark. Pumasok si Kevin De Bruyne sa halftime ng laro at tinulungan niyang maka-goal si Thorgan Hazard para tablahin ang laban sa ika-55 minuto. Naipasok naman ni De Bruyne ang winning goal sa ika-79 na minuto.

Tinapos naman ng Belgians ang group stage sa isang 2-0 na panalo kontra Finland sa Saint Petersburg. Nanguna sila sa pamamagitan ng own goal sa ika-74 na minuto at sinundan naman ito ni Lukaku ng kanyang pang walong goal sa kanyang huling walong international na laro. 

Tinalo ng Belgium ang Portugal 1-0 sa Round-of-16. Umiskor si Hazard sa ika-42 minuto at ito ang tanging shot on target ng koponan sa laban.

Belgium Squad at Balita sa Koponan


Goalkeepers: Thibaut Courtois, Simon Mignolet, Matz Sels
Defenders: Toby Alderweireld, Thomas Vermaelen, Dedryck Boyata, Jan Vertonghen, Thomas Meunier, Jason Denayer, Leander Dendoncker, Timothy Castagne
Midfielders: Axel Witsel, Kevin De Bruyne (vice-captain), Youri Tielemans, Yannick Carrasco, Thorgan Hazard, Hans Vanaken, Nacer Chadli, Dennis Praet
Forwards: Romelu Lukaku, Eden Hazard (captain), Dries Mertens, Christian Benteke, Michy Batshuayi, Leandro Trossard, Jérémy Doku

Si Timothy Castagne ay nagtamo ng injury laban sa Russia at malamang ay hindi na maglalaro sa natitirang bahagi ng torneyo.

Si Eden Hazard at De Bruyne ay kapwa nagtamo ng injury laban sa Portugal at hindi siguradong maglalaro laban sa Italy.

Si Lukaku ay may 63 goals sa 97 internationals.

Form ng Italy


Nagwagi ang Italy sa 24 sa kanilang huling 28 na laro at nanalo sa 11 sa kanilang huling 12 na laban. Mataas ang kanilang kumpiyansa at isa sila sa mga paborito na manalo sa Euro 2020.

Sinimulan ng Azzurri ang torneyo sa isang 3-0 na panalo laban sa Turkey. Nakuha nila ang kalamangan sa pamamagitan ng isang own goal bago kumonekta sina Ciro Immobile at Lorenzo Insigne para selyohan ang panalo.

Binokya naman ng panig ni Roberto Mancini ang Switzerland 3-0 sa kanilang ikalawang laro sa Group A. Nagtala ng brace si Manuel Locatelli at muling naka-goal si Immobile.

Tinapos ng Italians ang kanilang kampanya sa grupo sa isang 1-0 na panalo sa Wales. Ang goal ni Matteo Pessina ay sapat na para maipanalo ang laro kung saan nagtala sila ng 69% possession at 23-3 shots.

Nahirapan naman ang Italy laban sa Austria sa Round-of-16. Tabla ang laro 0-0 matapos ang 90 minuto bago naka-goal sina Federico Chiesa at Pessina sa extra time para pangunahan ang Italians sa 2-1 na panalo sa Wembley Stadium.

Italy Squad at Balita sa Koponan


Goalkeepers: Gianluigi Donnarumma, Alex Meret, Salvatore Sirigu 
Defenders: Francesco Acerbi, Alessandro Bastoni, Leonardo Bonucci, Giorgio Chiellini, Giovanni Di Lorenzo, Emerson Palmieri, Alessandro Florenzi, Leonardo Spinazzola, Rafael Toloi
Midfielders: Nicolo Barella, Bryan Cristante, Jorginho, Manuel Locatelli, Lorenzo Pellegrini, Stefano Sensi, Marco Verratti
Attackers: Andrea Belotti, Domenico Berardi, Federico Bernardeschi, Federico Chiesa, Ciro Immobile, Lorenzo Insigne, Giacomo Raspadori

Ang midfielder na si Lorenzo Pellegrini ay nananatiling may injury ngunit marami namang pagpipilian si Mancini. 

Ang center back na si Giorgio Chiellini at ang full back na si Alessandro Florenzi ay kapwa may injury at hindi sigurado sa larong ito.

Maaaring palitan ni Chiesa si Domenico Berardi sa right wing.

Belgium vs Italy Live Stream FAQ

Saan ko mapapanood ang live stream ng Belgium vs Italy?

Ipinapakita ng aming live streaming calendar kung saan mapapanood ang Belgium vs Italy.

US

Hatol

Hindi gaanong maganda ang ipinakita ng Belgum laban sa Portugal at hindi sigurado kung makakapaglaro sina Eden Hazard at Kevin De Bruyne. Nahirapan naman ang Italy sa Round-of-16 ngunit bumawi sila sa extra time. 

Sinusuportahan namin ang Italy na manalo at umabante sa semi-final ng Euro 2020.

Best Bet: Italy Win Full Time Result @135.00 at BetMGM - 3 Units
Value Bet: Italy Win To Nil Win To Nil @260.00 at Unibet - 1 Unit
Correct Score Tip: Italy Win 1-0 Correct Score @600.00 at Caesars (Sport) - 1 Unit

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events