• Home
  • Football

Croatia vs Scotland Prediksyon at Tips - Asahan ang Draw sa Glasgow

  • Mga tips sa Croatia vs Scotland sa European Championship 2020 sa Martes
  • Ang Group D fixture ay gaganapin 8:00 pm BST sa Hampden Park, Glasgow
  • Ang Croatia ay walang panalo sa 9 sa kanilang huling 11 na laro
  • Nakikita namin ang isang draw sa Glasgow
  • Mga preview, prediksyon, istatistika at balita tungkol sa dalawang koponan
Croatia vs Scotland Prediksyon at Tips
Asahan ang isang draw sa Glasgow (Getty Images)
Librengpusta Staff 22 Jun 2021
Share this article
success image

Croatia vs Scotland Prediksyon at Tips


Ang Croatia at Scotland ay parehong nahirapan sa kanilang unang dalawang laro sa Euro 2020 kaya inaasahan namin na mauwi ang kanilang laban sa Hampden Park sa isang draw.

  • Ang Croatia ay walang panalo sa 9 sa kanilang huling 11 na laro (lahat ng mga kumpetisyon)
  • Nakapagtala ang Croatia ng draw sa kanilang huling 3 laban kontra Scotland (lahat ng mga kumpetisyon)
  • Ang Scotland ay walang panalo sa 7 sa kanilang huling 9 na laban (lahat ng mga kumpetisyon)

Head-to-Head


Ang Croatia ay mayroong 2-0 na kalamangan laban sa Scotland sa limang pagpupulong na may tatlong draw.

Croatia Form


Nakabalik ang Croatia mula sa isang 1-0 deficit para magtala ng 1-1 draw laban sa Czech Republic noong nakaraang Biyernes. Kasalukuyang nasa-ikatlong puwesto sila sa Group D matapos nilang matalo sa England (1-0) sa kanilang pambungad na laban.

Dapat manalo ang Croatia laban sa Scotland upang magkaroon sila ng tsansa na maka-abante sa knockout phase.

Nahirapan ang panig ni Zlatko Dalić sa first half ng kanilang laban sa Czech Republic. Nakuha ng Czechs ang kalamangan sa ika-37 na minuto matapos maipasok ni Patrick Schick ang isang penalty.

Naging mas maganda naman ang ipinakita ng Croatians sa second half at naka-goal si Ivan Perisic sa ika-47 na minuto.

Sinikap ng Croatia na makakuha ng panalo ngunit bigo silang maka-goal muli kahit na nagtala sila ng 11 shots on target.

Hindi maganda ang ipinakita ng Croatia sa kanilang mga nakaraang laban. Bigo silang makakuha ng panalo sa kanilang huling apat na laro sa lahat ng mga kumpetisyon at nakapagtala lamang sila ng dalawang goals.

Dalawang beses lang nanalo ang panig ni Dalić sa kanilang huling 11 na laban at ito ay laban sa Malta at Cyprus sa World Cup qualifiers..

Croatia Squad at Team News


Goalkeepers: Lovre Kalinic, Dominik Livakovic, Simon Sluga
Defenders: Domagoj Vida, Dejan Lovren, Sime Vrsaljko, Borna Barisic, Duje Caleta-Car, Josip Juranovic, Domagoj Bradaric, Mile Skoric, Josko Gvardiol
Midfielders: Luka Modric (captain), Mateo Kovacic, Marcelo Brozovic, Milan Badelj, Mario Pasalic, Nikola Vlasic, Luka Ivanusec
Forwards: Ivan Perisic, Andrej Kramaric, Ante Rebic, Josip Brekalo, Bruno Petkovic, Mislav Orsic, Ante Budimir

Pinalitan ni Andrej Kramaric si Marcelo Brozovic laban sa Czech Republic ngunit nakatakda siyang bumalik sa starting XI sa larong ito.

Maganda ang ipinakita ni Bruno Petkovic laban sa Czech Republic kaya maaari siyang makapasok sa starting XI bilang kapalit ni Ante Rebic.

Ang full back na si Borna Barisic ay maaari na muling maglaro matapos magtamo ng injury.

Scotland Form


Bumawi ang Scotland sa kanilang nakakadismayang 2-0 na pagkatalo laban sa Czech Republic sa pamamagitan ng pagtala ng 0-0 na draw laban sa England.

Ngunit nananatiling nasa ilalim ng Group D ang Tartan Army at dapat silang manalo laban sa Croatia upang mapanatili ang kanilang pag-asa na maka-abante sa knockout round.

Nagtala ang panig ni Steve Clarke ng 40% possession at 0.73 expected goals laban sa England. Nagkaroon ng tsansa sina Che Adams at Lyndon Dykes na maka-goal sa ikalawang bahagi ng laro.

Mas maganda ang nilaro ng Scots laban sa England kumpara sa Czechs ngunit kulang pa rin ang kanilang mga atake. 

Isang goal lang ang kanilang naitala sa kanilang huling tatlong laro at hindi pa nakakabuslo sa Euro 2020.

Scotland Squad at Team News


Goalkeepers: Craig Gordon, David Marshall, Jon McLaughlin
Defenders: Nathan Patterson, Stephen O’Donnell, Andy Robertson (captain), Kieran Tierney, Greg Taylor, Liam Cooper, Grant Hanley, Declan Gallagher, Scott McKenna, Jack Hendry
Midfielders: Billy Gilmour, Callum McGregor, Scott McTominay, Stuart Armstrong, John McGinn, John Fleck, David Turnbull
Forwards: Che Adams, James Forrest, Ryan Christie, Ryan Fraser, Lyndon Dykes, Kevin Nisbet

Ang midfielder na si Billy Gilmour ay naka-self isolate at hindi maglalaro. Maaari namang bumalik si Stuart Armstong sa starting XI.

Inaasahang panatilihin ni Clarke ang kanyang 3-5-2 formation pati na rin ang kanyang starting XI.

Maganda ang nilaro nina Scott McTominay, Grant Hanley at Kieran Tierney laban sa England kaya inaasahang panatilihin nila ang kanilang mga puwesto sa back three.

Croatia vs Scotland Live Stream FAQ

Saan ko mapapanood ang live stream ng Croatia vs Scotland?

Ipinapakita ng aming live streaming calendar kung saan mapapanood ang Croatia vs Scotland.

US

Hatol

Parehong hirap ang Scotland at Croatia sa Euro 2020 kaya inaasahan namin ang isang draw sa Hampden Park.

Best Bet: Draw Full Time Result @280.00 at Unibet - 2 Units

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events