• Home
  • Football

Czech Republic vs Denmark Prediksyon at Tips - Denmark Inaasahang Umabot sa Semis

  • Mga tips sa Czech Republic vs Denmark sa Euro 2020 sa Sabado
  • Ang quarter-final ay lalaruin 5pm BST sa Olympic Stadium, Baku
  • Nagwagi ang Denmark sa 11 sa kanilang huling 15 laro
  • Sinusuportahan namin ang mga Danes upang manalo
  • Mga preview, prediksyon, istatistika at balita tungkol sa dalawang koponan
 Czech Republic vs Denmark Tips
Nagwagi ang Denmark sa 11 sa kanilang huling 15 laban (Getty Images)
Librengpusta Staff 02 Jul 2021
Share this article
success image

Czech Republic vs Denmark Prediksyon at Tips


Maganda ang nilalaro ng Denmark sa Euro 2020 sa kabila ng sinapit ni Christian Eriksen sa kanilang unang laro. Ang kanilang kumpiyansa ay maaaring magtulak sa kanila sa isang panalo laban sa Czech Republic sa quarter-finals.

  • Ang Czech Republic ay natalo ng hindi nakaka-goal sa 4 sa kanilang huling 8 laro (European Championship).
  • Saklaw ng Czech Republic ang BTTS No sa 7 sa kanilang huling 9 na laro (European Championship).
  • Bigo ang Czech Republic na maka-goal sa 3 sa kanilang huling 4 na laban kontra Denmark (lahat ng mga kumpetisyon).
  • Nagwagi ang Denmark sa 11 sa kanilang huling 15 laban (lahat ng mga kumpetisyon).
  • Ang Denmark ay nanalo ng 3+ goals sa kanilang huling 2 laban (lahat ng mga kumpetisyon).
  • Ang Denmark ay may 10 clean sheets sa kanilang huling 16 na laro (lahat ng mga kumpetisyon).

Head-to-Head


Ang Denmark ay mayroong 3-2 na kalamangan laban sa Czech Republic na may 6 na draw sa 11 laban.

Form ng Czech Republic


Magkahalong resulta ang naitala ng Czech Republic bago ang European Championships. Natalo sila sa Italy 4-0 bago nagtala ng isang 3-1 na panalo laban sa Albania.

Binuksan ng panig ni Jaroslav Silhavy ang kanilang kampanya sa Group D sa isang 2-0 na panalo laban sa Scotland. Dalawang beses naka-goal si Patrick Schlick kabilang ang isa na nagmula sa kalahating bahagi ng pitch. 

Nagtala naman ang Czechs ng 1-1 draw sa Croatia sa kanilang pangalawang asignatura. Nanguna ang Czechs bago ang halftime pagkatapos kumonekta si Schlick mula sa penalty spot. Ngunit gumanti ang Croatia ng goal sa ika-47 minuto para maitabla ang laban. 

Nakalasap naman ang Czech Republic ng 1-0 na pagkatalo sa England sa kanilang huling laro ng pangkat. Wala halos pagkakataon ang Czechs na umiskor at hindi na nakabalik pa matapos mag-concede ng goal sa ika-12 minuto.

Umabante ang Czech Republic sa quarter-finals matapos nilang talunin ang Netherlands 2-0 sa Budapest noong Linggo. Sinamantala ng Czechs ang pagpapatalsik kay Matthijs de Ligt dahil sa red card sa ika-55 minuto ng maka-goal sina Tomás Holes at Schick para pangunahan ang kanilang koponan sa tagumpay.

Czech Republic Squad at Balita sa Koponan


Goalkeepers: Tomas Vaclik, Jiri Pavlenka, Ales Mandous
Defenders: Jan Boril, Jakub Brabec, Vladimir Coufal, Ondrej Celustka, Pavel Kaderabek, Tomas Kalas, Ales Mateju, David Zima
Midfielders: Antonin Barak, Vladimir Darida, Adam Hlozek, Tomas Holes, Jakub Jankto, Alex Kral, Lukas Masopust, Jakub Pesek, Tomas Soucek, Petr Sevcik, Michal Sadilek
Forwards: Michael Krmencik, Tomas Pekhart, Patrik Schick, Matej Vydra

Maaari na muling magamit si Jan Boril at inaasahang bumalik siya sa left back kapalit ni Ales Mateju.

Patuloy naman na magsasanib pwersa sina Holes at Tomas Soucek sa central midfield.

Inaasahang panatilihin ni Silhavy ang kanilang 4-2-3-1 formation na may kaunting pagbabago.

Form ng Denmark


Ang Denmark ay dumating sa Euro 2020 na nanalo ng siyam sa kanilang nakaraang 11 na laban.

Nakalasap ng 1-0 na pagkatalo ang panig ni Kasper Hjulmand laban sa Finland sa kanilang unang laro sa Group B kung saan nagkaroon si Eriksen ng cardiac arrest sa pitch. Natalo ang Danes kahit na nagkaroon sila ng 70% possession at 22-1 shots. Bigo rin si Pierre-Emile Højbjerg na maibuslo ang isang penalty. 

Kinapos rin ang Denmark laban sa Belgium 2-1. Binigyan ni Yussuf Poulsen ng maagang kalamangan ang Danes ng maka-goal ito dalawang minuto pa lang ang nakakalipas sa laro. Ngunit nag-concede sila ng dalawang goals sa second half.

Bumawi naman ang Denmark sa kanilang huling laro ng lampasuhin nila ang Russia 4-1. Nagtala sila ng 2-0 na kalamangan sa likod ng goals nina Mikkel Damsgaard at Poulsen bago nag-concede ng penalty. Ngunit nagdagdag ng goals sina Andreas Christensen at Joakim Maehle sa huling bahagi ng laro paro selyohan ang panalo.

Nilampaso naman ng Denmark ang Wales 4-0 sa Round-of-16. Naka-goal si Kasper Dolberg sa first half at second half bago nagdagdag sina Maehle at Martin Braithwaite ng dalawa pang goals sa huling bahagi ng laro. 

Denmark Squad at Team News


Goalkeepers: Kasper Schmeichel, Jonas Lössl, Frederik Rønnow
Defenders: Joachim Andersen, Jannik Vestergaard, Simon Kjær (captain), Joakim Mæhle, Andreas Christensen, Mathias Jørgensen, Jens Stryger Larsen, Nicolai Boilesen
Midfielders: Robert Skov, Thomas Delaney, Christian Eriksen, Christian Nørgaard, Daniel Wass, Pierre-Emile Højbjerg, Mathias Jensen, Anders Christiansen
Forwards: Martin Braithwaite, Andreas Skov Olsen, Kasper Dolberg, Mikkel Damsgaard, Jonas Wind, Yussuf Poulsen, Andreas Cornelius

Maayos na ang kalagayan ni Eriksen ngunit maaaring hindi na siya muling maglalaro ng football. 

Nagtamo ng injury si Simon Kjaer laban sa Wales at inaasahang palitan siya ni Joachim Andersen sa central defence.

Hindi naglaro si Poulsen laban sa Wales. Ang kanyang kapalit na si Dolberg ay nakatakdang magsimula muli sa harap matapos makapagtala ng dalawang goal sa kanilang huling laro.

Czech Republic vs Denmark Live Stream FAQ

Saan ko mapapanood ang Czech Republic vs Denmark live stream?

Ipinapakita ng aming live streaming calendar kung saan mapapanood ang Czech Republic vs Denmark live stream.

US

Hatol

Dinomina ng Denmark ang Russia at Wales sa kanilang huling dalawang laro at mataas ang kumpiyansa nila bago ang larong ito. Inaasahan namin na talunin nila ang Czech Republic na sinuwerte naman laban sa Netherlands.

Best Bet: Denmark Win Full Time Result @110.00 at BetMGM - 5 Units
Value Bet: Denmark Win To Nil Win To Nil @220.00 at PlaySugarhouse Sport - 1 Unit
Correct Score Tip: Denmark Win 2-0 Correct Score @900.00 at Caesars (Sport) - 1 Unit

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events

03 ก.ค. 2564

Czech Republic v Denmark