• Home
  • Football

Czech Republic vs England Prediksyon at Tips - England Babawi sa Czechs

  • Mga tips sa Czech Republic vs England para sa European Championship sa Martes
  • Ang Group D fixture ay gaganapin 8:00 pm BST sa Wembley
  • Nanalo ang England sa 7 sa kanilang huling 8 na laro
  • Inaasahang manalo ang England na hindi magsusuko ng goal
  • Mga preview, prediksyon, istatistika at balita tungkol sa dalawang koponan
Czech Republic vs England Prediksyon at Tips
Inaasahang makabawi ang England laban sa Czechs (Getty Images)
Librengpusta Staff 22 Jun 2021
Share this article
success image


Czech Republic vs England Prediksyon at Tips


Desperado ang England na bumawi mula sa kanilang nakakadismayang draw laban sa Scotland. Nananatiling maganda ang form ng Three Lions at hindi nakakapagtaka kung makapagtala sila ng panalo laban sa Czech Republic. Parehong pasok na sa knockout phase ang dalawang panig at pinagtatalunan na lang ang kanilang pinal na pwesto sa grupo.

Inaasahan namin na manalo ang England at hindi sila magsusuko ng goal sa Wembley.

  • Nanalo ang England sa 7 sa kanilang huling 8 na laro (lahat ng mga kumpetisyon)
  • Hindi nagsuko ng goal ang England sa 6 nilang panalo sa kanilang huling 8 na laro (lahat ng mga kumpetisyon)
  • Ang England ay nanalo ng 1-0 sa 3 sa kanilang huling 4 na laban (lahat ng mga kumpetisyon)

Head-to-Head


Ang England ay mayroong 2-1 na kalamangan sa Czech Republic sa apat na pagpupulong na may isang draw.

Czech Republic Form


Kasalukuyang nasa tuktok ng Group D ang Czech Republic matapos nilang magtala ng 1-1 draw laban sa Croatia. Mayroon silang apat na puntos at may mas malaking goal difference sa England kasunod ng kanilang 2-0 na panalo laban sa Scotland sa kanilang pambungad na laro.

Nanguna ang Czech Republic bago ang halftime ng laban nila sa Croatia pagkatapos kumonekta si Patrick Schlick mula sa penalty spot. Ngunit gumanti ang Croatia ng goal sa ika-47 na minuto para maitabla ang laban. 

Wala na halos nagawang pagkakataon ang dalawang panig sa natitirang bahagi ng laban. Nagtala ang Czech Republic ng 1.63 expected goals at 48% possession sa laro. 

Ang panig ni Jaroslav Silhavy ay kasalukuyang may three-match unbeaten run ngunit hirap rin sila sa malalaking mga koponan. Nagtala ang Czechs ng 1-1 draw sa Belgium at natalo sa Wales 1-0 sa nagdaang World Cup qualiiers bago nakalasap ng isang 4-0 na pagkatalo sa Italy sa isang friendly bago ang Euro 2020.

Czech Republic Squad at Team News 


Goalkeepers: Tomas Vaclik, Jiri Pavlenka, Ales Mandous
Defenders: Jan Boril, Jakub Brabec, Vladimir Coufal, Ondrej Celustka, Pavel Kaderabek, Tomas Kalas, Ales Mateju, David Zima
Midfielders: Antonin Barak, Vladimir Darida, Adam Hlozek, Tomas Holes, Jakub Jankto, Alex Kral, Lukas Masopust, Jakub Pesek, Tomas Soucek, Petr Sevcik, Michal Sadilek
Forwards: Michael Krmencik, Tomas Pekhart, Patrik Schick, Matej Vydra

Hindi nagpalit ng starting line-up si Silhavy sa kanilang unang dalawang laban at malamang panatilihin niya iyon sa larong ito pati na rin ang kanilang 4-2-3-1 formation.

Nagtamo ng duguang ilong si Schick pagkatapos niyang tamaan ng siko ni Dejan Lovren sa kanilang nakaraang laro ngunit inaasahan naman siyang maglaro. Ang Bayer Leverkusen striker ay may tatlong goals na sa torneyong ito. 

England Form


Kagagaling naman ng England sa isang 0-0 draw laban sa Scotland noong Biyernes, na nagtapos sa kanilang seven-match winning streak sa lahat ng mga kumpetisyon.

Kinakailangan ng panig ni Gareth Southgate na magtabla laban sa Czechs para maka sigurado ng top-two finish. Ang England ay pangalawa sa Group D na may apat na puntos matapos nilang talunin ang Croatia 1-0 sa kanilang unang laro.

Ang England ay mayroong 60% possession laban sa Scotland ngunit bigo silang makagawa ng malinaw na mga pagkakataon. Ang pinakamagandang tsansa ng England na maka-iskor ay nangyari noong ika-11 na minuto nang tumama ang header ni John Stones sa poste. 

Wala halos nagawang pag-atake ang Three Lions sa kabuuan ng laro at nagtala lamang sila ng isang shot on target.

Sa kabila nito, nananatiling maganda ang form ng England, na nakapagtala ng panalo sa pito sa kanilang huling walong laro sa lahat ng mga kumpetisyon at nagsuko lamang ng isang goal.

England Squad at Team News


Goalkeepers: Aaron Ramsdale, Sam Johnstone, Jordan Pickford
Defenders: Ben Chilwell, Conor Coady, Reece James, Harry Maguire, Tyrone Mings, Luke Shaw, John Stones, Kieran Trippier, Kyle Walker, Ben White
Midfielders: Jude Bellingham, Jordan Henderson, Mason Mount, Kalvin Phillips, Declan Rice
Forwards: Dominic Calvert-Lewin, Phil Foden, Jack Grealish, Harry Kane, Marcus Rashford, Bukayo Saka, Jadon Sancho, Raheem Sterling

Malamang na panatilihin ni Southgate ang kanilang 4-2-3-1 formation ngunit maaring gumawa rin siya ng pagbabago sa kanyang starting XI pagkatapos ng kanilang malamyang pinakita laban sa Scots.

 Ang Harry Maguire ay nakabalik na sa injury at maaaring palitan niya si Tyrone Mings sa centre back.

Mananatili naman si Harry Kane sa kanyang puwesto bilang nag-iisang striker.

Czech Republic vs England Live Stream FAQ

Saan ko mapapanood ang live stream ng Czech Republic vs England?

Ipinapakita ng aming live streaming calendar kung saan mapapanood ang Czech Republic vs England live stream.

US

Hatol

Maganda ang form ng England at mahirap silang talunin. Solido rin ang kanilang depensa kaya inaasahan namin silang makapagtala ng panalo laban sa Czech Republic.

Sinsuportahan namin ang isang 1-0 na panalo para sa England.

Best Bet: England Win Full Time Result @-166.67 at BetMGM - 3 Units
Value Bet: England Win to Nil Win to Nil @140.00 at PlaySugarhouse Sport - 2 Units
Correct Score Tip: England Win 1-0 Correct Score @500.00 at Caesars (Sport) - 1 Unit

Top Betting Sites

special-offer-1Betting offers

Upcoming Events

22 มิ.ย. 2564

Czech Republic v England